Share po ito sakin ng isa kong facebook friend :) Maria Fatima Negad, na taga bicol rin pala :)
Matagal na to since I was 13y/o nangyari sa province namen sa bicol. Kasama ko kapatid ko na si lyka she is only 9yrs. old that time. Inutosan kami ng lola ko bumili ng panghalong sahog sa gulay, at 8:30pm nung pabalik na kami galing tindahan around 8:35pm or something mga 5 to 10mins. kaming nawala.. Then nakita ko yung isa kung kapatid na babae si justine siguro 6yrs. old palng siya nun. Naglalakad siya papunta sa damuhan nagtataka ako kasi gabi na yun sobrang dilim na, imposible namang utosan siya ng lola ko na mangahoy ng ganung oras diba? pero hinayaan ko lang siyang naglalakad tapos sinabi ko sa kapatid kong si lyca, akala ko ako lang nakakita kay justine yun pala siya rin, di ginawa niya ngayon sinabihan ako na "ate huwag mong tatawagin tara taguan naten", kasi may mga puno ng niyog sa dinadaanan namen eh, di ako naman umagree nagtago nga kami, tapos hanggang sa makarating kami sa kusina mismo na pinaglulutuan ng lola ko. Then nagtatawanan parin kami inaantay namen na bumalik kapatid kong si justine. Nagtataka na kami ni lyca kasi di parin siya nabalik, ginawa ko tinanong ko lola ko kung inutusan niya ba si justine na pumunta sa damuhan para manguha ng gatong, agad naman na sinagot ako ng lola ko sabay mura sa salitang bicol na "DIPUTA kamo".. minura kaming dalawa ni lyca, sabay sabing bakit ko uutosan e gabing gabi na, nasa loob ng bahay si justine nanonood, tapos nag tinginan kaming dalawa ni lyca tapos sabi ko tingnan niya kung nasa loob nga si justine, then pagtingin nya sabi niya "oo ate, nasa loob nga si justine" ayun nagtayuan yung balahibo nameng dalawa sabay tahulan at ungulan ng di maganda ang mga aso, tapos yung lola ko pinapasok na kami ng bahay pero siya naiwan tapos nag sasalita ng latin word at yung kapatid kong si lyca at ako, tulala parin dahil di kami makapaniwala, kasi nakakapagtakang kami pang dalawa yung pinakitaan ng ganun na ng gagaya ng tao.. as in kamukang kamuka talaga, this is not just a story totoo talaga yung experience kong ito, namen ng kapatid ko, nakontra lang ng lola ko kasi, may 3rd eye talaga yun at malakas makaramdam, minsan nga lang di niya kayang i'handle kasi syempre natatakot parin siya.
Thanks parin kay god, kasi wala naman nangyari s kapatid ko, 17years old na nga siya ngayon eh.****
![](https://img.wattpad.com/cover/91037650-288-k683211.jpg)