Nangyari 'to last April 8, nakaraang taon. At kung matatandaan nyo, yun yung mismong araw na naganap ang twin earthquakes na naramdaman sa Batangas at sa karatig bayan nito.
Kaarawan no'n ng bestfriend ko, niyaya ko syang mag-sine that day at syempre, libre ko, pabirthday ko na rin. Di namin nasimulan yung movie kasi kumain muna kami sa baba tas bumili pa kami ng babaunin sa loob. 1:30 yung oras ng simula ng movie na nasa ticket namin , pero 2 na kami nakapasok! Kukunti yung mga tao sa loob, walang nakaupo sa baba at puro nasa taas yung mga nanunood, hiwa-hiwalay yung upo nila at napakarami pang bakanteng upuan kaya sa taas narin kami umupo. *time passed by* Wala nakong ganang manood since di ko naumpisahan yung movie. Nilibot ko na lang ang mata ko and I noticed a fire exit na nasa left side ng sinehan, yun lang ang kaisa-isang fire exit sa loob ng silid. Di ko alam kung bakit, pero biglang sumagi sa isip ko yung lindol na naganap no'ng April 4, nag-imagine ako ng kung ano-ano at sinabi ko sa sarili ko na pag lumindol uli, dun ako dadaan sa fire exit na yun. At maya-maya pa nga, lumindol ng dalawang beses na magkasunod. Anong inaasahan kong mangyari? Nagpanic ang lahat, sigaw dito sigaw doon. Hinila ako ng kaibigan ko pero nabitawan nya ako. Nagsisiksikan sila dun sa exit ng sinehan , bakit walang nakapansin sa fire exit? Dina ako nakipagsiksikan sa kanila, at doon ako dumaan mag-isa. Pagpasok ko, hindi ganong maliwanag sa silid pero may naaaninag pa ako. Di ko na masyadong pinapansin ang mga aftershocks dala ng kagustuhan ko nang makalabas rito. Rinig ko parin ang sigawan sa loob ng sinehan, nang makaagaw pansin sakin ang boses ng isang bata.
"Ate. Dito po ang daan."- hinawakan nya ang kamay ko at akmang hihigitin na nya ako pauna nang may nakita akong guard.
"Manong guard, maya bata pa po dito. San po ang daan palabas?"- nakatayo lang sya roon, di kalayuan mula samin. Di sya umimik, ni tumingin sa amin.
"Bi. Tara na ! Ano bang ginagawa mo d'yan?"- isang kamay pang muli ang humawak sa kamay ko na kanina lang ay bata ang nakahawak. Hinigit ako ng kaibigan ko papasok ng sinehan.
"Sandali. Bi may bata sa loob, kunin natin sya. Baka kung mapano sya."-sabi ko habang pilit na binabawi ang kamay ko sa pagkakahawak nya.
"Anong bata? Walang bata d'yan. Tsaka ano bang ginagawa mo sa likod ng kurtina?"-tanong nya na nagpataka sa akin.
Biglang may lumabas mula sa fire exit, si manong guard.
"Manong guard, may bata po dun sa loob, kunin nyo sya."-mangiyak ngiyak ko nang pakiusap.
Di sya tumingin sakin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Eneng, dun ang daan. Lumabas na kayo!"- isang guard pa ang lumapit sa amin na tumawag pansin sa amin. Hinigit nya kami papunta sa labasan.
"Kuya, may bata po sa fire exit."-sabi ko pagkalabas na pagkalabas namin ng sinehan. Bigla syang bumitaw sa pagakakahawak sa braso ko at kita ang pagtataka sa mukha nya.
Saka ako kinausap ng guard nang tuluyan na kaming makalabas ng mall.
"Wala nang fire exit sa loob ng sinehan hija. Matagal nang inalis yun, mula ng masunog ito at namatay ang isa sa mga guard sa loob mismo ng fire exit. At yung bata? Yun yung batang nawawala, daawang linggo na ang nakalilipas. Wala pang findings na patay na ang bata. Siguro buhay pa sya, pero pano natin sya mailalabas kung di namin nakikita ang fire exit na pinasukan mo."-mga pananalitang nagpakilabot sa akin.
"Pero, nakita ko nga po sya. Pwedi ko po syang ilabas. Hayaan nyo po ako."-pagpupumilit ko pa sa kabila ng takot na nararamdaman ko.
"Hindi mo sya mailalabas. Ang mangyayari, hindi ka na rin makakalabas."-sabi nya.
*time passed by*
"Wala naman kasing fire exit dun bi. Ano ba? Nasa likod ka nga lang ng kurtina kanina e. Nakatayo ka lang dun, mukha kang batang nakikipagtaguan."-inis na sabi sakin ng kaibigan ko.
So lahat yun? Hallucination lang? Hindi ko alam kung magagawa nyo bang paniwalaan ang lahat ng yun, kasi kahit ako sa sarili ko, di ko alam kung kapanipaniwala ba yung naranasan ko .
Ps. Kakalimutan ko na sana yun pero that night napanaginipan ko yung bata. Blurry face pero alam kong bata yung nasa panaginip ko at alam kong sya yung batang yun. At ang di ko malilimutan sa panaginip na yun, e yung sinabi nyang "Ate, let me get out of here" . Una't huling beses na napanaginipan ko ang bata, and I'll keep on praying na sana kahit nasan ka man, ingatan ka ni G.*****
