I met a killer

6 0 0
                                    


Year 2005 fresh grad ng highschool ako nun at napagdesisyunan munang hindi ako mag college at umuwi sa probinsya pra tumulong kay mamay (Lolo) sa pagtatanim, experience na rin to pra may alam ako sa galawan sa probinsya. Fast forward ilang months narin ang lumipas at nasasanay na ang katawan ko sa probinsya magsibak,magtanim at mangahoy. One time nangahoy kami ni mamay malapit sa bangin at naisipan naming maghiwalay para mapadali ang paghahanap namin ng punong pwedeng gamiting panggatong. Kahit mag-isa na lang ako e hindi ako nakaramdam ng takot dahil nakabisado ko narin ang lugar na ito, nang makakita ng nakatumbang puno e agad kong hinugot yung gulok sa sako at sinimulan ko ng sibakin ang mga sanga. Mga ilang oras ang lumipas eh may narinig akong crack ng mga sanga at mga bulok na dahon na natatapakan, tinigil ko ang ginagawa ko upang pakinggang mabuti. May naglalakad palapit saken, inisip ko na lang na bka si mamay. lumingon ako sa paligid mga ilang distansya lang mula sa pwesto ko eh may nakita akong isang lalake.tingin ko ay nsa Edad 40 pataas Nka long sleeve na checkard, brown na sumbrero at pantalong kupas, kaladkad nya sa kanang kamay ay sakong di ko tiyak ang laman at sa kaliwa naman ay gulok na may bahid ng dugo. Naupo sya malapit sa punong sinisibak ko, humingang malalim at tumingin saken. npatingin lang din ako sa kanya. 
"gandang panggatong yan ah.." sabi nya.
"Ou nga, mukang matagal tagal na panggatong to" tinuloy ko na ulit ang pagsibak. Nagkaroon pa kame ng ibang kwentuhan tungkol sa buhay probinsya, Unang beses ko pa lang nakita yung lalake na yun, mukang hindi rin sya taga rito, tumaas yung balahibo ko sa batok at ang bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na yun hindi dahil sa pagod kundi sa kaba pero hindi ko pinahahalata sa kausap ko. hindi rin maalis sa isip ko yung dala nyang sako minsan napapatingin ako dun ng hindi sinasadya. Mukang napansin nya na tinitignan ko yung sako.
"Ang daming Bayawak dito, buti nakadale ako ng malaki nga pla wag kang gumawi dun at bka matapakan mo yung mga nilagay kong patibong sa bayawak isa pa, may ahas akong nakita sa gawi dun"
Tumayo na sya at nagpatuloy sa paglalakad kalakaladkad ang sako.
Maya-maya lang ay narinig ko ng tumatawag si mamay. Sinilid ko na yung mga kahoy sa sako at nagtungo na kay mamay.. 
Makalipas ang ilang buwan nsa bulacan na ulit ako at nagttrabaho sa isang fast food. Pagkauwi sa bahay hinagis ang bag at binuksan ang t.v pinakita na yung mga dapat abangan na balita at isa dun ay nagpaangat ng balahibo ko. Isang babae ang pinatay at chinapchop at natagpuan pa ito sa mismong lugar kung saan kami nangahoy ni mamay, inabangan ko ang balitang ito. Pinakita ang larawan ng isang babae edad 17 na matagal ng nawawala, Ayon sa suspek nakita daw nyang naglalakad mag isa yung babae ng madaling araw. Natapat din lulong sya sa droga nung mga oras na yun. Sinakal nya yung babae at dinala sa gubat, ginahasa nya ito at chinapchop. Idinala nya daw yung ibang parte sa kabilang baryo kung saan muntik na raw syang mahuli agad dahil may nadaanan daw syang isang mangangahoy kaya inilipat nya ng pwesto yung ibang parte...

Namutla ako sa napanuod ko. Naisip din kaya nya na itumba ako nung mga oras na yun? Pano kaya kung nalaman ko agad yung laman ng sako?




*****

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now