LUGAR NA DI PANGKARANIWAN

9 1 0
                                        

Last week nag punta kami sa Siquijor para dalawin namin yung kapatid ng lola ko na namatay, si Lolo Mariano. Habang bumabyahe kami sakay ng isang barko hindi mawala sa isipan ko tungkol sa mga usap-usapan dun sa lugar na yun. Sabi ni mama, pag makarating kami doon huwag na huwag akong tatanggap ng kahit anong ibibigay sa akin sa taong di ko kilala. Mas mabuti daw na maging tahimik lang kami at mapag matyag dahil di karaniwan ang lugar na iyon sabi nya. Kakaiba ang titig ng mga tao don lalo na't alam nila na isa kang dayo, mag mumukha kang artista dun dahil lahat ng mata nila sayo naka tingin. Pagdating namin dun sa lamay ng kapatid ni Lola ay hindi ako mapakali sa palagid. Nakakapanibago ng damdamin, siguro dahil sa di ko kabisado ang lugar o sadyang kakaiba lang talaga ang paligid. Sumilip sila sa bangkay, ako ayoko sumilip dahil di ako sanay kaya pumunta muna ako sa likod ng bahay para mag pahangin. Mahina pa ang signal at maaliwalas ang paligid kahit alas 7 pa ng gabi. Nung nag alas 9 na andaming taong pumunta sa lamay. Tumulong ako mag serve sa mga bisita, karamihan eh kapitbahay na nag punta para mag laro ng mga baraha at mga batang juice at fudgeebar ang hanap. Nakakatakot ang titig ng mga tao talaga mapa babae man o lalake, pero mas natakot ako dun sa mga baklang naglalaro ng tong its na "Pssst pogi, patikim ng fudgeebar mo". Maya maya pa ay dumating yung isa ko pang uncle na nanirahan dun at mukhang lasing. Drama sya ng drama habang naka harap sya sa kabaong, kinakausap nya, tapos iyak ng iyak. Isang oras ang nakalipas, marami paring tao sa labas. Mahina ang signal kaya nag masid ako sa palagid, bigla akong tinawag ni mama. Sabi bya bantayan ko daw yung lolo ko baka may pumasok na estranghero at nakawin ang patay na katawan ni Lolo Mariano. Kunwari pa si mama na keyso ganto keyso ganyan mag bantay para naman makapag laro si mama ng Mahjong. Habang nag babantay ako medyo naging curious nadin ako kaya sumilip ako sa patay, di ko alam na nilalagyan pala nila ng foundation at may kaunting parang make up kaya natawa ako ng konti. Tinitigan ko ng mabuti yung patay, napansin ko na parang gumagalaw ang parte ng labi nya, kumunat ang noo ko at tinitigan ng mabuti dahil ng tataka ako. Ng biglang may lumabas na dalawang ipis sa bibig nya at may tumulong maitim na likido sa ilong nya. Hindi ako maka sigaw sa akong nasaksihan, para bang may humahawak sa ulo ko para masaksihan ang mga pangyayari. Sunod na lumabas sa bibig nya ay isang centipede at biglang dumilat ang maitim nyang mata. Napa mura ako at sumigaw ng napakalakas kaya nagsitayuan ang mga tao pati sila mama at tito papunta sa kinaroroonan ko. "Tulooong ! Dumilat yung patay!" Sigaw ko habang nanginginig ang mga kamay ko habang tinuro ko ang kabaong. Pag tingin nila, sabi nila wala naman at normal lang. Tinawanan pa ako ng iba at sinabihang illusionado. Pero napikon ako sa sinabi nila kaya sinigawan ko sila. "Aba p*tangina pala kayong lahat eh ! Anong akala nyo sakin baliw?! P*ta kung nakita nyo lang may lumabas na itim na dugo sa ilong at lumabas na ipis sa bibig nya sabay dilat ng maitim na mata baka inatake na kayo sa puso eh ! Hayup pala tong mga taga rito eh palibhasa puro mangkukulam naninirahan dito !" Sigaw ko habang tumahimik silang lahat. Sinipa ko yung lamesa sa galit ko at natumba ito. "Oh sge na sge na ipag patuloy na natin yung laro sige na labas na tayo, pag pasensyahan nyo na anak ko mainitin talaga ulo nyan sge na mga kapitbahay ahehehe" Anya ni mama sa kanila at tumingin sakin habang dinilatan ako ng mata ni mama. Lumapit sya at sinabing "Ano bang ginagawa mo Ken wag kang bastos sa mga bisita, dun ka nalang sa kwarto si Marjun(pinsan ko)nalang ang pababantayin ko dito". Habang nag uusap kami ni mama napansin ko na may nakatitig sakin na naka sumbrerong itim na matanda at naka silip sa bintana. Malapit na mag alas 12 ng gabi, di ako makatulog kaya pumunta ako sa likod ng bahay para nag pahangin at mag yosi. Habang nag yoyosi ako biglang may nag salita sa likod ko. " Sigurado kabang nakita mo talaga ang lahat ng yon, iho?" Pag lingon ko nagulat akon dahil yung matandang naka sombrero ang nasa likod ko. "Sus isa kapang cancer tatang, wag ka nalang mag tanong kung nag dududa ka" Sagot ko sa matandang naka sombrero. "Sa loob ng anim na deka at dalawang taon kong pamumuhay iho, walang kahit isang cancer na dumapo sa katawan ko." Katunayan tumawa ako ng malakas dun eh, halos mamatay ako sa tawa habang nanonood sya sakin. Humingi pa sya ng isang stick ng yosi sakin at kinausap ako. Wag daw ako basta'basta mag lalakwatcha dito lalo na sa gabi dahil maraming di pangkaraniwan daw sa lugar na iyon. Napansin ko na marami syang anting-anting na nakasabit sa leeg nya at mga tattoo na parang mensahe at latin ang nakasulat. Pero isa lang ang umagaw ng atensyon ko, yung bracelet nya na mayroong tatlong pangil at pamilyar ang nasa gitna. Tinanong ko sa kanya kung san galing ang mga pangil ng bracelet nya. Sabi nya nakuha nya ang tatlong pangil sa isang kakaibang pangyayari sa lugar nila. Ang unang pangil ay galing sa isang aswang na nag aanyong itim na baboy ramo or wild boar. Ang pangalawa naman ay pangil ng isang kidlat na tumama sa balikat nya habang nangangaso sa gubat at umuulan. Napa nganga ako sa sinabi nya at natawa kase ngayon ko lang nalaman na may pangil pala ang kidlat, kalokohan. At ang pangatlo na nasa gitna, isa daw itong pangil ng isang bampira na napatay ng kanyang ama nung bata pa sya. Naintriga ako sa mga sinabi nya, kunwari di ako naniniwala sa mga pinagsasabi nya ngunit tanging ngiting kakaiba lang ang naging sagot nya sa sinabi ko. "Buksan mo ang isipan mo iho, walang imposible sa mundong to dahil naniniwala ako na hindi pa nalibot ng tao ang buong mundo at natuklasan ang kababalaghan nagaganap." Nabagot ako sa mga kwento nya dahil sa puro nakakatakot kaya kunwari mag C'CR daw ako pero yung totoo pumasok na ako sa kwarto para matulog. Kinaumagahan, sumama ako kay mama para mamalengke, medyo antok na antok pa ako kasi alas 8 pa ng umaga. Usually nagigising talaga ako ng mga alas 10-11 na ng umaga kapag na puyat ako. Napansin ko maraming tao sa may kanto ng palengke, parang may nagaganap. Hindi ako maka silip dahil maraming tao ang nanonood kaya umakyat ako sa bubong ng pampasaherong jeep na naka parada sa gilid. Namangha ako sa aking nakita at talagang di makapaniwala, nakita ko yung matandang naka sombrero ng maitim na nakausap ko kagabi. Dinasalan nya ang balde na may tubig at binabad nya ang kamay nya, sa gilid nya may napakalaking kawali. Isa-isa nyang kinuha ang mga pritong saging sa kumukulong mantika. Nagmistulang sandok ang mga kamay nya sa pag mix at pag kuha ng bananacue habang yung ale naman ang tumutusok sa bananacue para ibenta.



*****

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now