Me & My Sister's Encounter With the Aswang

3 0 0
                                    

This story happened 6 years ago(year 2012) when my sister gave birth to her first child(,baby Zione).We had plenty of aswang stories here in the province,isa dito yung story na ikukwento ko ngayon.Kung naaalala niyo pa yung bagyong 'ondoy' dati, isa yung lugar namin sa naperwisyo ng baha, so no choice kami ng family ko kundi maghanap ng pansamantalang malilipatan.Fortunately, my dad's friend na pastor sa isang church offered their house(sa likod) para pansamantala naming matirhan habang hindi pa humuhupa yung baha sa lugar namin.Describe ko muna yung house nila pastor, 2 storey house sya na medyo may kalumaan na at sa likod naman ay may gibang haus ,may mga puno ng mangga at may cr na nakabukod malayo sa haus at sa pinakalikod ay puro nagtataasang damo at talahiban na.Lets go back to my story...Si pastor & his family ay may lahing visaya, mababait naman sila,yun nga lang marami silang kakaibang paniniwala galing sa province na kanilang pinanggalingan.My sister was pregnant that time,kwento niya saken tuwing gabi raw ay may naririnig syang naglalakad sa bubong at parang may kumakaluskos na parang kumakalmot na matulis na bagay .Matagal ng usap usapan sa lugar namin na may aswang daw sa San A-----o.Marami narin kasing dayo na galing iba't ibang province dito Sa bayan namin .Sa mismong haus nila pastor nanganak yung sister ko,sa tulong ng isang kumadrona at nung asawa niang pastor dahil di na sya nadala s hospital.(past forward)Nakapanganak na yung sister ko.Si daddy nga pala nung time na yun ay may sakit narin.One night bigla nalang sya inatake kaya sinugod sya nila mommy at nung brother ko sa hospital, so syempre kami lang nung sister kong bagong panganak ang naiwan.Hindi ako natulog nung time na yun para bantayan sila ni baby.Naglagay kami ng 'itak' sa ilalim ng higaan for protection,yun kasi yung turo samin ng mga matatanda,takot daw kasi Sa matatalim na bagay ang mga aswang.11 pm na nun,hindi parin kami natutulog ng sis ko.Nagulat nalang kami ng biglang may tumadyak ng sobrang lakas Sa backdoor ng bahay na tinutulugan namin,sobrang lakas ng lagapak dahil gawa lang Sa 'yerong plantsado' yung door...napatakbo ako sa may bintana para tingnan pero nagtaka ako kasi wala naman akong nakitang tao sa labas ng pintuan.Hindi kami nagsalita may paniniwala kasi samin na once na kinausap mo yung nasa labas ng pinto(na hindi naman tao) ay parang pinapasok mo narin sya sa loob ng bahay.Kahit sobrang takot na ko nung time na yun at pinilit ko paring maging matapang para Kay baby,.sumilip ulit ako Sa kabilang bintana(Sa may tagiliran ng haus,malapit Sa higaan ni baby),sobrang dilim Sa labas at ang nakapagtataka ay wala ako maaninag miski isang ilaw lang galing Sa kapitbahay(as in totally black tlga).Kabadong kabado na ko dahil may naririnig akong humihinga (parang hininga ng halimaw) malapit sa mismong bintana pero wala naman ako maaninag,.sa sobrang takot ko ay napamura akong bigla na usually ay hindi ko naman ginagawa..minura ko sya : "tang**a mo !!! Umalis Ka dito,wag kami ang biktimahin mo!!!".....(ff) lumipas ang buong magdamag at wala narin kaming nararamdamang kakaiba.Maguumaga na nung makauwi sila mommy Sa haus.Tinanong ko yung kapitbahay namin kung pinatay ba nila yung ilaw Sa labas ng haus nila kagabi at ang sabi ay hindi naman daw sila nagpapatay ng ilaw,lagi naman daw sinisindihan yun lalo na pag padilim na,kaya palaisipan parin saken kung bakit nung sumilip ako Sa bintana kagabi ay totally black ang nakita ko sa labas.Naalala ko nalang yung kwento dati Ni Lola shaken na ang mga aswang daw ay may " tagabulag" ,may kapangyarihan daw sila para linlangin ang mga taong biktima nila para hindi sila makita.


*****

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now