Ang aking kapatid ay namatay dahil sa pakikipagtalik.Kami ay tubong Iloilo at siguro alam niyo na ang Iloilo ang nangunguna sa bilang ng kaso ng mga taong may HIV/AIDS.
Pero posible ba na ang isang kakaibang nilalang ay magkaroon nito?
Si Nilo ay bunso sa aming pitong magkakapatid at ang pinakabibo.
Siya ang bumubuhay sa atmospera ng aming bahay sapagkat siya ang bukod tanging bakla sa aming pitong lalaki.
Si Nilo iyong tipo ng tao na hindi mo mapagkakamalan na bakla.
Siya ay pormal kung manamit at mula pa noon hindi ko nakitang nag cross-dress, nagmake-up, o kahit man lang rumampa sa kalsada. Bisexual ata ang tawag niya sa kanyang sarili dahil naipakilala niya naman noong Grade 8 ang una niyang girlfriend sa amin.
Pero ibang usapan na iyon.So here it goes.
Unang boyfriend na dinala ni Nilo sa bahay ay si Nick. Unang taon niya noon sa kolehiyo ng ipakilala niya sa amin si Nick.
Si Nick ay hindi mo mahahalatang magkakagusto sa kapwa lalaki dahil mukha siyang barumbado at isang malaking tao na may mga facial hair at kalbo.
Naging okay lang naman ang relasyon nila kay mama dahil wala na kaming ama bago pa isilang si Nick dahil namatay sa lung cancer.
Pero mula noon eh hindi na siya pinapansin ng mga kuya dahil ayaw nila sa mga bakla dahil raw pinapababa ng mga bakla ang dignidad ng lahi namin.
Fast forward.
New year's eve noon bago mag 2018 at doon na nag-celebrate si Nick sa aming bahay dahil siya ay taga Camiguin, Mindanao.
Natapos ang pagsasaya bandang alas-tres ng madaling araw dahil nagsitulog na ang mga bata. Kami nalang na mga kalalakihan ang gising at nag-iinuman.
Sampu kami noong nag-iinuman, ang anim kong kapatid, si Nick, at ang dalawang nakababatang kapatid ni mama.
Since malapit lang ang aming bahay sa dagat, sa seawall kami pumwesto.
Nagkasya kami roon dahil malapad naman ang seawall at preska pa ang hanging dumadapya sa amin.
Saming nag-iinuman eh parang dayo lamang si Nick at Nilo dahil na O-out of place sila.
Kaya paminsan-minsan eh binabato ko sila ng mga tanong ng maisali sa usapan.
Bandang alas-kuwatro ng nagsabi si Nilo na naiihi siya kaya umalis siya sandali at akmang sasamahan pa ni Nick pero tumanggi ito dahil sa malapit lang naman siya iihi.
Mga limang minuto pa ang lumipas pero hindi parin nakabalik si Nilo kaya naman pinuntahan na ito ni Nick. Biniro pa ng isa kong kapatid si Nick na sunduin lang at wag gagawa ng milagro dahil iitakin niya sila.
At nagsitawa ang mga lasing.Hindi namin alam na yun na pala ang simula ng pag-hahanap namin kay Nilo.
Wala na siya roon sa gilid ng bahay na sinabi niya kung saan siya iihi.
Hinanap namin siya sa loob ng bahay kasi baka may ginawa sa loob pero walang Nilo ang nakita.
Si Nick ay nagpasama sa isa kong kapatid at sumakay sa motorsiklo niya para maghanap sa paligid.Alas-dies na noon ng umaga pero hindi parin nauwi si Nilo.
Hindi namin maireport si Nilo dahil wala pang 24 oras bago siya mawala.
Pero hindi kami sumuko at tinawagan lahat ng posibleng puntahan ni Nilo.
Pero bigo kaming mahanap siya at alalang-alala na kaming lahat lalo na si mama na hindi natigil sa iyak.Preska pa sa aking alaala na noong natambay kami sa loob ng bahay noon mugto ang mata at tulala.
Nang mga alas-tres ng hapon sa parehong araw eh biglang nagtatakbo papasok ng bahay si Tiyo Paeng.
Hindi maganda ang relasyon ng pamilya namin ni Tiyo Paeng kaya nagtataka kami kung ano ang kanyang hangad noon.
Hinanap niya si mama at nang makita ay daig pa si Sinyo sa bilis ng salita."Baw neng ang imo bata to sa sagingan ga-uba kag lipong!"
"Neng ang iyong anak doon sa sagingan hubo't hubad at walang malay!," saad ni Tiyo at dali-daling umalis kaya sinundan namin siya. Napakaputik ng daanan at puro matataas na damo. Natatanaw na namin noon ang sagingan at nauna na si Nick kesa kay Tiyo Paeng. Noong naroon na kami ay halos tumbahin na ng mga kapatid ko ang mga puno ng saging na dinadaanan.
Nakita namin si Nick nakaluhod sa lupa at yinuyugyug si Nilo habang nakatung-tong ang mga ulo ni Nilo sa kanyang binti. Napakaputla nun ni Nilo at walang saplot kahit brief. Naghinala agad kami na pintripan siya kaya binuhat siya ni Nick at itinakbo sa bahay para matignan.
Nag-hyhysterical na noon si Mama at kung ano- anong ideya na ang pumapasok sa utak at nilalabas sa mala-machine gun niyang bunganga.
Tinignan namin ant kaniyang katawan pero wala naman siyang kalmot o pasa manlang.
Kaya't noong nagkamalay na siya ay dinamitan namin at dinala sa centro ng bayan para makonsulta ng mga propesyunal.
Noong nasa ER na siya ay sinuri siya ng mga doktor at wala namang nakitang kakaiba sa kanya pero may konti lang siyang lagnat kaya nilipat na siya sa isang private room kaya hindi siksikan at well ventilated ang room. Noong naggising ulit si Nilo ay tinanong na siya ni mama kung anong nangyari at bakit siya nakahubad roon sa sagingan.
Ngiti lang noon ang ganti ni Nilo sa tanong ni mama at napaka-creepy dahil nakangiti nga siya pero makita mo sa mata nya blangko.