True story of a call center agent named Mark
Hello ako si Mark, hindi ko na bubuuin ang name ko to hide my identity, nais ko lang itong ishare.
Ikukuwento ko naman muna sa inyo ang naging karanasan ko noong ako'y agent pa sa isang call center company sa makati near ayala. Hindi ko na sasabihin ang pangalan ng company. Just to secure their privacy.
Kalimitan pang-gabi ang pasok ko noon (Grave yard shift) 2am sa elevator pa lang eh napansin kong sira yata ang ilaw kasi bukas sindi ito. Hindi ko nalang pinansin 'yun hanggang makarating na 'ko sa room kung saan nandun ang lugar para magcalls. Pero napansin kong bakit kaunti lang ang tao? Ah baka siguro yung iba malalate, sabi ko sa sarili. Kaya agad na akong naupo at pumuwesto na sa dati kong puwesto. Habang nasa station ako at nag-ca calls.
(Scenario)
""Thank you for calling (Acct. Name) How can I help you?"" Saad ko
""Hi, is there anyone who can help me figure out my problem? I need a help."" Sagot ng customer sa kabilang linya.
""Yah! Sure, but before we do something let me have your name first?"" Muling saad ko.
""I need a help! Ok? I don't know how long I could take this so pls. do something! And just listen ok!"" Galit na sambit ng amerikanang kausap ko sa kabilang linya.
Huminga ako ng malalim sabay pindot ng mute button then.
""Tinatanong ko lang kung anong pangalan nagalit na! Kaasar!"" Inis na sambit ko sabay pindot ulit ng button para ma unmute.
""Hi, ma'am are you still there? Ok I'll listen, what is your problem?"" Sambit ko.
""Someone wants to kill me! Pls. help me! Connect me to the nearest police station number!"" Pasigaw na sagot niya.
""What!?? Oh, I'm sorry ma'm you are in the wrong department, we're not a rescue 911. We won't be able to help you out to fix your problem. But don't worry, I will connect you immediately to their no. Just wait for a moment ok? Hello? Ma'am? Hello..... Hello? Hello?!""
Biglang nawala na ang linya at tanging tunog nalang ng nawalang signal ang narinig ko.
""Tooooott!!!""
""Toooooott!!""
""Toooooott!!""
""Bakit ganun?"" Tanging nasabi ko. ""Boss? Bio break."" Dagdag ko matapos tumayo at sandaling pumunta sa cr para magbanyo. Napansin kong hindi man lang sumagot si boss kanina pero hindi ko nalang pinansin at dumeretso na sa cr.
Habang nasa cr ako no'n nakatingin ako sa salamin at patuloy na iniisip 'yung mga nangyari kanina.
Totoo nga ba 'yun? O niloloko lang niya ako? Habang nag-iisip ako ay biglang namatay ang ilaw. Nanginig ako bigla sa takot sabay lakad na sana palabas sa cr nnag mapansin kong tila mayroong pigura ng isang babaeng nakaputi sa salamin. Sabay bukas bigla ng ilaw. Then nakita ko ang salamin na may sulat gamit ang dugo. Sa takot ko agad akong nagmadali at bumalik sa station ko. Nanginginig ang mga kamay kong sinimulan ulit magcalls.
""Tha-tha- thank-you-you for calling----""
Hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil biglang...
""I said help me! And you didn't do it!"" Now! My soul won't make a peace for you! And I will follow you anywhere you go!!!!!""
""HAHAHAHA!""
""HAHAHAHA!""
""HAHAHAHA!""
Nabingi ako sa sobrang lakas ng tawa niya. Kasunod no'n ang matinding takot na naramdaman ko sabay biglang...
""Mark?.... Mark?......Mark!..... Gising!!!!""
Nagulat ako at hingal na napabalikwas at napatingin sa TL ko.
""Ano bang nangyayari sayo? Natulog ka na naman sa station mo! Umuungol ka kanina, akala namin kung napano ka na...."" Saad niya.
Muling bumalik ang isip ko sa nangyari. At habol ang hiningang napasandal ako sa upuan at saglit na nag-isip. Isa nga bang bangungot yun? O totoong nangyari?
Malamang isa lang masamang panaginip.
Diyan nalang muna kasi up until now pag naaalala ko to kinikilabutan pa rin ako...
*****