Lastyear lang nangyari saakin to "2015" ,so eto na nga mga 3:00 am gising pa ako puyaters eh, sa kama ako natutulog yung dalawa ko namang kapatid nasa lapag, si mommy at daddy sa baba natutulog,sa likod ko may bintana sa labas ng bintana labahan at may mga nakasampay na damit, so yun balik tayo sa kwento 3:00 am diba,naka earphones ako,magseselect palang ako ng kanta tinignan ko yung orasan 3:05 am na, pagkaselect ko ng kanta, eto pinacreepy, may narinig akong umiiyak na matandang Babae sa labas ng bintana, doble yung boses nya, ang creepy sobraaa, di ako makagalaw pinagpapawisan ako tinaas ko yung volume pero wala paren naririnig ko paren parang nagpapapansin, nagdasal ako ng "our father" tsaka sya nawala,sa sobrang takot ko nakatulog ako, pag gising ko sa umaga tinanong ko si mommy kung may narinig sya na umiiyak sabi nya wala naman daw, so kwinento ko yung naranasan ko kay mommy at daddy, hindi lang Pala ako yung nakaranas pati din Pala si daddy mga 3:30 am gising pa daw sila ng Tito ko, biglang may narinig silang umiiyak na matandang babae, sa sobrang takot naiwan nilang nakabukas ang gate, si mommy naman naiihi sya tapos chineck nya yung oras saktong 3:00 am, tapos pumunta na syang banyo pagkalabas nya sa banyo, may nakita syang matandang Babae, umaakyat sa hagdanan. Simula ngayon natutulog na ako ng maaga , kaya sa mga nagpupuyat dyan ingat kayo😂
.
.(Hahaha oh? Tinatakot na kayo ni sender 😂 mag ingat kayo sa pagpupuyat niyo 😂)
*****
