Actually taga mindanao talaga ako dun pa lang samin marami na talaga akong na e experience engkanto, wakwak, multo pati sanib na experience ko na, pumunta lang ako dito sa cebu para mag-aral at that time 1st yr. college ako mga year 2013 excited talaga ako mag dormitoryo nun with my cousin so room mate kami. Nung first day namin sa dorm ngkaroon agad ako nang kaibigan si Rena at Ann yung room nila nasa end left side hallway namin, sa hallway na yun there are 3 rooms occupied ang dalawa yung isa hindi which is katabi lng namin pero nasa likod ng room namin back to back plywood ang wall kaharap nito na room kina rena at ann katabi nila occupied by one person but double deck yung bed. Palagi akong pumupunta sa room nina rena so lagi ko na dadaanan yung room na katabi nla rena at everytime na dumaan ako me na ffeel ako di ko lang pinapansin.. one time afternoon kasi ako lagi nauuna umuwi I was inside of my room nag aaral someone called my n-name akala ko si rena pasigaw ko sinagot ""maya na may ginagawa pa ako"" sumagot ito ""sige na sandali lang"" kaya yun lumabas ako at nagpunta sa room nya pero sarado kinatok ko walang sumagot sinubukan ko e open yung door pero locked at nagtaka ako sina rena, ann at pinsan ko lang ang nakaka alam sa palayaw ko bumalik nalang ako sa room binalewala ko nalang.
Nung sumunod na araw november 13, 2013 ginabi ako sa pag uwi dumiretso ako sa room nina rena dumaan na naman ako sa room na yun bukas ito at nandun yung umukupa at may kasama siya dalawang friend na bisita I just smiled at them papasok sa room nina Rena kasi sabay kami nina rena mag dinner sa labas nang dumaan kami dun pina kilala ako ni rena kay ate mae at pina kilala din ni ate mae yung kasama niya tinuro ko yung isa kung ano pangalan nya kasi nakatalikod lang kasi siya hindi nag sasalita nag taka sila ate mae at nag tinginan tumawa lang sila akala nila nag jjoke ako so wala lang ako lumabas para kumain baka gutom lang yun nang bumalik kami nakita ko parin yung babae pero nasa tagiliran na nung friend ni ate nakasilip yung kalahating mukha na nkatingin sakin sabi ko ""di ba tapos na holloween bat yung isa nka attire ate"" tumawa lang sila ate napakamot nalang ako.. hanggang umabot nang isang buwan lagi ko paring nakikita yung babae na yun na kasama ni ate mae sa room na yun hindi umiimik kahit nag smile na ako at nag hi tinititigan niya lang ako dun na ako nakaramdam nang takot parang iba na talaga pero I chose to ignore kung baga pilit ko dnedeny na me nakikita na naman ako.. hanggang isang araw ang pinsan ko biglang lumapit sakin para bang takot na takot sabi nya si ate mae daw me ibang kasama sa room nya sabi ko naman ""oo di ba dalawa sila umukupa jan"" sumagot pinsan ko ""hindi kaya mag isa lang kaya si ate dun"" natulala ako sandali at nagsalita ""so sino yung babae na lagi ko nakikita na kasama ni ate dun?"" .. natakot yung pinsan ko pati narin kami ni rena akala ko talaga dalawa sila sa room na iyon.. nila pitan namin si ate at tinanong kung ilan sila sa room na iyon at may napapansin ba siya na something creepy wala naman daw.
Ff: Mga hapon iyun 4pm ma aga nakauwi si rena, di ko namalayan na nakatulog ako nang nanaginip ako nanaka higa ako sa kama nakita ko ang babae na nakabaliktad na naglalakad sa kesami mahaba ang buhok papalapit sa mukha ko sabay sabi i ssama niya raw ako hindi ako makagalaw sumagot ako ""hindi mo ako matatakot"" pinilit ko talaga na dumilat tinawag ko si rena nang maka ilang beses hanggang nagising ako tinawag ko agad si rena bumangon at lumabas sa room pucha pag labas ko si rena nka nga2x sa ganda ng tulog nya lumabas nalang ako at nag antay sa pinsan ko. Nang sumunod na mga araw nagtipon kami sinabi ko sa kanila yung pinaginipan ko nang biglang humampas sa gilid nang room namin na pagkalakas biglang na off yung lights tas mayamaya sa kabilang side nanaman sa room namin sa room na walang umukupa at tsaka bumalik yung lights natakot na kami at dun na nakapag decide ako na umalis dun baka kasi ano na gawin samin nito. But I came back last April para bumisita sa friend ko na dun umukupa nung nag pa iwan ako kasi dun ako natulog dahil sa antok na ako narinig ko na naman na may babae umiiyak dali2 na ako lumabas at umuwi.(Nagtanong-tanong kami sa may-ari ng dormitoryo nalaman namin na may nagpakamatay pala na estudyante sa dormitoryo na yon)"
*****