Nangyare to recently lng. I wont mention nalang ung exact date.
So sa mga hindi nakakaalam, un po ung pinakamahabang subterranean road sa Pilipinas and estimated na mapapadali nito ang byahe from Cavite to Batangas. 300 meters lang ang tunnel pero ang mahaba eh ung mismong highway and this is where all the creepy things happened inadd nyo pa na gabi na like 8 to 9PM.
So galing kami from Batangas dahil sa family gathering. Sa ilang taon na namin pabalik balik sa beach resort na pinuntahan namin, kung saan kami dumaan papunta, dun rin kami dumadaan pabalik so shempre hayahay na mga katawang lupa namin dahil kampante kaming alam na namin ang dadaanan namin kht maaksidente. OR SO WE THOUGHT.
Yung driver ng isang jeep na inarkilahan namin, nag iba sya ng way. Hindi namin alam pero ang sabi daw nung driver nila sa driver namin ay sundan nalang sya sa 'shortcut'. We had two stopovers and sa last stopover, dun ako nagkaron ng hinala na may mali sa byahe namin. Titignan ko palang ung entry ng mahabang highway, tumatayo na ang balahibo ko and ung jeep na nauuna samin, may lobo sa pintuan ng jeep sa likod kung san ka sasakay.
Di ko nalang pinansin. Then as we venture the road, lumalamig, dumidilim. I asked our driver na buksan ung ilaw and binuksan nya. Pero pinatay nya rin kc nasisilaw daw ung driver ng unang jeep. So isa samin sa jeep eh nagbukas nlng ng flashlight ng phone. Bakit iniinsist kong may ilaw? Kasi may third eye ako and alam kong that's one way na hindi lalakas ang loob nilang pumasok. (Maybe pag nagconfess pa ako dito you'll know every detail of me). Habang ilaw nlng ng jeep ang pinagbabasehan namin ng dinadaanan, maya maya, hindi na ako napakali. Lahat kami naghinala na pabalik balik lang kami sa dinadaanan namin. Kaya sinabi ko na sa driver namin na wag namin sundan ung nauunang jeep dahil nakakaramdam na ako na may sumusunod sa amin. Maya maya, sa highway na walang kailaw ilaw, walang katao tao, may nakita kaming tricycle na nagbababa ng mga tao to think na bundok ang dinadaanan namin. Pinapara nila kami pero masama ang kutob ko lalo na nung makita naming sa kabikang side ng daan eh may dalawang lalaking nagjihintay ng masasakyan. Hindi kami tumigil at dinaanan lng namin. Masama na kung masama pero masasabi nyong tama ang ginawa namin.
Hanggang sa nakakita ako ng yellow stone na katulad nung mga may sulat na itim na may KM so un ung basis na ginamit ko kung talaga bang bumabalik lng kami. Maya maya, nakakita ako ng isa pa so kampante na ako pero higit isang oras na ang byahe namin, wala na akong makita. Ung signages, ung ayos ng puno, ng kahoy, ung parang fences sa edge ng bundok, parehas na parehas everytime na liliko kami. Bitukang manok na type ang daanan kaya hindi kami sure hanggang sa may nadaanan na kami mga bahay. Halos puro pula ang ilaw, saraso ang mga bintana per hindi ang mga pinto. Sinong magbubukas ng nakatiwangwang na pinto kung ang bahay mo eh nasa gitna ng kawalan? At sino ang titira sa gitna ng kawalan? Unless aso niyo c Courage.
Bilang alam ko magdasal ng Latin, nagdasal ako. Nakakakita na ako ng mga hindi ko dapat nakikita at nilalapitan na kami ng hindi dapat kami lalapitan. Uminit ang pakiramdam ko kht na sobrang lamig. Way ko iyon ng pagbukas ng kakayanan ko. Huminto kami sa intersection. May mga dumaan na sasakyan pero parang wala silang dinadaanang jeep. Hinintay namin ang isang jeep dhil inunahan na namin sila. Nung nakaabot na ulit sila, pinauna na namin sila at nung tignan ko ang likod ng jeep, dalawang batang itim na espirito ang nakasakay sa likuran nila nilalaro ang lobo. Ayaw nitong tumigil kaya pinapabalik balik kami sa dinadaanan namin. Sinubukan ko ang kakayahan ko sa pagdasal ng Latin at unang bulong ko palang sa dasal ay alam nilang pinapaalis ko na sila. Mabigat na rin ang pakiramdaman ko sa mga sinasakyan namin kaya tinuloy ko ang dasal. Unti unting gumaan ang mga pakiramdam ng lahat ng nakasakay at parang guminhawa ang pakiramdam naming lahat. Maya maya pa ay natanaw na namin ang tunnel. Mas mabigat ang pakiramdam ko doon. Dahil papasok nlng kami, napazigzag pa kami dhl sa mga bakal na may nakalagay ma checkpoint. Pagpasok ng tunnel, sobrang dilim, at nakakarindi ung mga boses na bumubulong sakin kaya nagdasal ulit ako. Wala pang isang oras nakalagpas na kami sa highway na iyon.
Kinabukasan, nagbasa ako ng tungkol sa Kaybiang tunnel at merong nabiktima ng aswang sa parte ng mga dinaanan naming bahay na halos pula ang mga ilaw.
Kung dadaan po kayo sa Kaybiang tunnel or kaya naman ay balak nyo, wag pong gabi or madaling araw. Kung hindi maiiwasang gabi na makakadaan, magingat po tayong lahat.
Sketchy ang kwento ko dahil hndi ako handa ireveal ang mga kakayahan ko.
****
