Humiling sya sa salamin;
"Ituro mo sa akin kung sino ang aking magiging kapalaran,gusto kong malaman"This story was told to me by my mother.When she was only 18 years old,she met a friend from Visayas.Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na ang mga tao sa lugar na ito ay maraming kaalaman tungkol sa mga kakaibang bagay at mga kababalaghan,tulad nalang ng mga 'orasyon' at 'ritwal'(black magic at gayuma),mga di pangkaraniwang nilalang(tulad ng engkanto at aswang),mga misteryo sa nawawalang siyudad(tulad ng 'Biringan') at marami pang iba.Isa ang mother ko sa mga nabahaginan ng ganitong kaalaman ng mga tao sa nasabing lugar tungkol sa mga ritwal.So balik tayo sa kwento,madalas ni mommy maka-kwentuhan yung friend nya na may lahing visaya( na nakilala nya dati nung dalaga pa sya),One time nagbibiruan daw sila at napagkwentuhan nila yung tungkol sa mga kapa-kapalaran nila.May itinuro sa kanya yung naging friend nya na yun tungkol sa isang ritwal,kung paano niya malalaman kung sino yung lalaking kanyang makakatuluyan.So ito na nga at sinubukan na ni mommy yung itinuro sa kanya.Eksaktong ika-alas dose ng hating gabi,bumangon sya sa higaan ,kumuha siya ng kandila at salamin,sinindihan niya yung kandila at itinapat nya sa salamin na nakaharap sa kanya,humiling siya sa salamin at sinabing "ITURO MO SA AKlN KUNG SINO ANG AKING MAGIGING KAPALARAN,GUSTO KONG MALAMAN", pagkatapos niyang gawin ang ritwal ay inilagay niya ang salamin sa ilalim ng kanyang unan at natulog na siya.Nanaginip sya,at sa panaginip niya ay may nakita syang isang lalaki na hindi naman niya kilala (father ko).FAST FORWARD...nakalipas ang apat na taon,may nakita syang lalaki malapit sa school na pinapasukan niya(pero nung time na yun ay di pa niya nakikilala yung father ko),nagkasalubong daw niya ito sa daan at nagkatinginan pa sila,nagtataka siya dun sa lalaking nakita niya dahil parang familiar sa kanya ,pati narin yung suot nitong damit ,narealize nalang niya na yun yung lalaking ipinakita sa panaginip niya 4 years ago nung ginawa niya yung ritwal sa salamin.Yung pangalawang beses naman na pagkikita nila ay nung minsang namasyal sila ng best friend nya sa kampo ng mga sundalo,sa isang baranggay somewhere in 'Nueva Ecija'.Nagumpisa sa kwentuhan yung unang pagkakakilala nila ni daddy,napadalas ng napadalas ang mga kwentuhan hanggang sa maging malapit na sila sa isa't isa.Nung mga panahon na yun maraming nagkakagustong babae sa father ko pero yung mother ko lang daw ang niligawan niya at sineryoso.Ang nakakakilig pa sa kwento ni mommy,one time kinuha ni daddy yung abaniko(pamaypay) niya at sinulatan daw niya ito ng pangalan niya..."DANNY".Hanggang sa dinalaw na ni daddy si mommy sa bahay nila,nilagawan niya ito at naging sila.Wala pang isang buwan na naging sila ay nagpropose na agad yung father ko sa mother ko,hanggang sa ikinasal na sila.Ganyan naging kainlove sa isa't isa ang mga parents ko,sabi mga nila "basta tunay na pagmamahal,hindi na pinaghihintay".
Minsan may mga kakaibang pangyayari sa buhay natin na mahirap ipaliwanag,na Hindi abot ng ating kaalaman,tulad ng kakaibang kwento ng aking mga magulang.Bawat tao ay may nakatalagang kapalaran na tanging Diyos lang ang makakapagpasya at nakakaalam.*****