Ang hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko ay yung sa school ko noong highschool pa lang ako. Marami na ako naririnig na rumors about my school noong nag-aral ako doon. Like sa mga classrooms makakaamoy ka ng sampaguita kapag dadaan ka (Ang tinutukoy ko dito ay yung mga classrooms na hindi na gamit sa tabi ng library namin na creepy), may bata daw na naglalaro sa hallway, may babae daw kumakatok sa classroom at mga may third eye lang daw ang makakakita sakanya. Meron pa dwende at matandang lalaki sa school namin. Which is very common in every horror story na nababasa ko ang mga kinekwento nila sa akin. Hindi ko pinaniniwalaan yun kasi wala ako panahon noon sa mga ganyang issue or whatsoever kwentong kababalaghan nila. Mahilig ako magbasa ng nakakatakot pero hindi ako interested sa kwento nila. AKALA ko gawa-gawa lang sa school namin yan kasi every school may horror story yan panigurado. Until mangyari sa library namin ang pangyayaring ito. Yung krus? Yung sinasabit sa pader? Mag-isa lang daw librarian namin nung yung krus daw tinitigan niya lang daw ng bigla daw ito bumagsak and yung globo na display sa library bigla na lang daw umikot. FYI, walang tumatagal na librarian sa skwela namin, kasi ang katabi ng library namin ay abandoned CR at hagdan . Super creepy tapos wala pa siya assistant kaya siya lang mag-isa sa area niya. Kahit magsisisigaw pa siya wala makakarinig kasi malayo ang library sa mga classroom na may nagkaklase. Then, sometimes makakarinig pa siya na parang may mga daliri na nag pi-flip ng pages ng libro sa mga bookshelves. Matibay ang librarian namin kasi nakayanan nya mag-stay ng two years sa kabila ng na-eexperience niya.
No choice ako lumipat kasi scholar ako, pinilit ako ni momi mag-aral sa paaralan na ayoko. Third year highschool ako noon (Tandang-tanda ko) ng magsimula ang mga kababalaghan na hindi ko akalain ako mismo makaka-encounter. (Noong 1st year at 2nd year ako wala naman kasi nangyari sa akin na something). Sa gym namin noon okay pa yung makita ko yung bata na tahimik lang na nakatingin sa akin habang nakaupo sa bleachers. Hindi naman niya kami sinasaktan kaya kiber lang sakanya. Pero yung mga sumunod na araw nababalita sa buong school namin yung mga studyanteng sinasapian daw na lower year sa amin. Nagpaputol DAW yata ng puno sa likod ng school namin yung may-ari kaya para ata may nagambala. Sa isang offering mass nga nun may isang batang babae (1st year siya I think) nga nanlilisik ang mata na hinahawakan ng dalawang teacher habang pinapaypayan siya. Yung babae nakatingin ng straight doon kay father ng sobrang samang tingin na para syang nababaliw na ngingiti-ngiti then biglang manlilisik ang mata. Noong binasbasan siya ng holy water nahimatay sya at nagising ng walang maalala sa nangyari sakanya, ngunit ang bigat ng pakiramdam ko nung nakita ko siyang nanlilisik ang mata habang nakangiti (Ang weird). Then nararamdaman ko na din noong yung may parang may dumadaan na din sa hallway na kakaiba. Lalo na yung sa locker parang may nakabantay.
Pinakamatindi nangyari sa school ay noong month ng october, 4th year highschool (graduating). Holy Rosary month ng school ito, nakaugalian namin magdasal sa rosary prayer whole october. Kanya-kanya pa kami dala ng rosary noon.
Hapon kakatapos lang klase namin sa MAPEH, breaktime exactly 3:00 PM (Wala pang K12 noong panahon ko ). Habang may ginagawa kaming art-art na kailangan ipasa din noong araw na yun sa faculty. Bigla naglabasan mga kaklase ko sa room. Akala ko kaya sila lumabas dahil tapos na sila, tatambay sila sa ibang room or bibili ng pagkain. Ayun pala yung mga officer kong kaklase (kaklase ko kasi yung President, Tres at Aud. ng student council) pinatawag na sa meeting room. Tatlong studyante na ang nahimatay at dinala agad sa meeting room. May mga nahimatay pa na hindi na maasikaso ng mga teachers sa second floor kasi mismong mga TEACHERS namin nanghihina na. Parang biglang dumilim ang langit noon, ang dilim sa lugar ng school namin. Nakakatakot yung awra. Nakakatawa pa kasi naglalagay na sila ng asin at bawang sa bawat gilid ng hallways. ANO ASWANG lang? Naloloka na din kami kasi mismong may-ari ng school nagpa-panic na. Ayaw pa kami pauwiin nun kahit lahat kami takot na takot na. Yung mga ka-year level namin na ibang section may bitbit ng rosary kasi nagsisi-iyakan na sila at may mga nagne-nervous breakdown na. Grabe para akong lutang noon na tinitignan bawat tao na panic na panic. Pinapasok kami ng mga advisers namin sa classroom at ni-louspeaker na ang Holy Rosary Prayer ng oras na yun. Kaming lahat nagdadasal ng taimtim. Yung WHOLE faculty noon inikot nila buong school para dasalan ito at yung isang teacher na bakla may dala na siyang bible kasi takot na din siya.
Akala ko tatahimik na noong oras na iyon. Di ba sabi ko may dinalang tatlong bata sa meeting room? Yung dalawa doon inuwi na. Pero yung isa... Bigla daw nagising na tumatawa mag-isa. Tinuturo niya ang krus na nakasabit sa pader ng meeting room (Every room in our school my krus sa sobrang banal ng may-ari). Tapos nagsasalita siya pero hindi maintindihan. Lumaki ang boses niya even sobrang hinhin magsalita nito kapag kinakausap. Parang sampu ang sumapi sakanya kasi sobrang bigat niya na halos lahat ng officers hawak na siya plus yung mga tao sa guidance at principal's office. Kinakausap daw nila ito pero lagi lang daw nakaturo sa krus habang masamang nakatingin.
Ang pagkakatanda ko sa kwento ng kaklase ko. Dinala na ata sya sa simabaha noong oras na yun at pinabasbasan na.
Pinauwi na din kaming lahat na estudyante noong na-clear na at na-check ang buong school. Amoy na amoy daw ang sampaguita at malamig na simoy na hangin na sobrang kakaiba kapag dadampi sa balat mo. Mangingilabot ka.
Habang hinihintay ko ang service ko noon, napalingon pa ako sa bintana ng classroom namin nun habang mga kaklase ko busy pinag-uusapan ang nangyari. Nakita ko siya. Isang babaeng nagtatago sa kurtina nakatingin siya sa akin at parang sinasabing ""Hindi yun lugar para maging skwelahan"".
Sabi ng mga katiwala ng may-ari ng skwela namin noong HS. Dati daw hospital, tapunan at sementeryo ang lugar ng skwela namin. Kaya no doubt ganun ang surroundings. Pero mistulang pala-isipan pa din sa amin kung bakit nagpatuloy pa din ang kababalaghan katapos noong madaming studyante ang sinapian sa school namin.
*****