Tawagin niyo na lang akong Liro, aaminin ko maitsura ako at habulin ng mga babae lalo na nung ako'y kolehiyo kaya naman may pagka babaero ang ugali ko. Year 2015 last year ko na sa college nun at graduating na, sa wakas at magiging abogado na din ako, bago ako gumraduate, nakilala ko ang babaeng hindi ko inakalang makakapag patino sa akin, tawagin niyo na lang siyang "Anne". I court her, isang taon ko din niligawan yun, at sa awa ng Diyos sinagot naman ako without hesitations. Nag sama kami for almost 2 years, at hindi ko inakala na isang gabi ang sisira doon. One night niyaya ako ng friend ko na mag bar dahil nga broken hearted siya so sumama ako, hindi ko naman inakala na mang chichix siya while drinking, pati ako dinamay niya, mali ako dahil hindi ko sinabi kay Anne na may pupuntahan ako, nalaman niya iyon nang makita niya ang sasakyan kong naka park sa bar, malapit kasi ang bar na iyon sa tinitirahan ng tita niya kaya niya siguro nadaanan. Pumasok siya doon at akala niya nang bababae ako, magkahalong takot at kaba ang naramdaman ko lalo na't alam kong alam niya na playboy ako noon. She ran away, hindi niya pinakinggan ang bawat sigaw ko ng pangalan niya. Sumakay ako sa sasakyan ko at hinabol ko siya, lasing na ako nun ngunit alam ko ang nang yayari. Napatigil lang ako nang may makabanggaan akong sasakyan at dun ako nawalan ng malay. Pag gising ko nasa hospital na lang ako. Rinig na rinig ko ang pag iyak at pag hagulgol ng mga tao sa kabilang side na natatakpan ng green na kurtina. Nakita ko agad si Kuya, I asked him kung nasaan si Anne, hindi siya sumagot ngunit tumingin lang siya sa kabilang side kung saan naririnig kong may nag iiyakan, saktong binuksan ng nurse ang kurtina at nakita ko doon si Anne, naka higa, walang malay, lantang lanta at mukhang wala ng buhay. Tumayo ako, iyak ako ng iyak nais ko siyang lapitan ngunit pilit akong tinataboy ng pamilya niya (nalaman nila ang nangyari dahil sinabi ng kaibigan kong kasama ko sa bar). Kahit burol at libing niya, hindi ako naka punta. Nung wala ng tao sa puntod niya, naisipan kong bilhan siya ng roses at ilagay doon. Kinausap ko siya sandali kahit na alam kong wala na akong sagot na matatanggap mula sa kanya. Pag uwi ko sa bahay, nakita ko ang roses na inialay ko kay Anne, nasa lamesa, gutay gutay ang mga bulaklak, na para bang may galit na ibinalik sa akin iyon. Naiyak na lang ako, dahil alam kong kahit sa huling hininga niya, ay may galit pa din siya sa akin. For my Anne, I'm so sorry, alam kong wala ng magagawa ang sorry ko, alam kong hindi na maibabalik ng kahit na anong sorry ang buhay mo. I've never cheated on you, kung hindi ako nakapag explain sayo, let me do it pag tapos na ang mission ko dito sa mundo, hahanapin kita sa langit at ipapaliwanag ko sayo ang lahat. We will continue our lovestory na natapos lang dahil sa isang pangyayari na hindi mo dapat paniwalaan, mahal na mahal kita, please don't give all the flowers back to me. Kahit yan na lang, tanggapin mo magiging masaya na ako.
Ps. Nasagasaan siya while running away from me at yun ang kinamatay niya.
*****
