This happened 10 years ago, and 19 years old na ko ngayon. Itago naten sya sa pangalang Black Lady nalang haha, so kay Black Lady di uso ang past is past haha. Anys, lets start the story.
When I was 9, nagkasaket ako nung mga panahon na yun to the point na almost 3days nang above 39 degrees yung body temp ko. Eh yung family namen parang naniniwala kasi sa mga extra ordinary keme, so ang paniniwala nila kapag sobrang taas ng lagnat may mga instances na may nakikita or nararamdamang iba ganern, siguro hallucinations kasi dahil sa sobrang init ng body temp umaabot na daw sa utak, basta parang ganern. "Daman" ang tawag namen sa ganun (we are from Negros Occidental anys) yung parang nag hahallucinate, nangyayare din yun minsan kapag tulog.
So ayun na nga, may saket ako nun so mejo palpak pag function ng utak ko haha, pero alam ko sa sarili ko nangyayare sa paligid.
Feeling ko madaling araw yung oras neto, ewan ko pero nasa sofa ako natulog neto kasi di ako komportable sa kama. Tapos parents ko nasa lapag kasi syempre binbantayan nila ako. And then, nanaginip ako pero di malinaw kung ano, basta parang pilit akong gumigising, then yung panaginip ko parang naging totoo, pero alam kong totoo na sya, hindi na sa panaginip. Dun na nangyare ang first encounter ko kay Black Lady.
Edi nasa sofa ako, yung pahaba, eh yung sofa na yun may katabi pang maliit na sofa yung pang isahang tao lang ganun. Gising na ko nung mga oras na yun, edi syempre mabigat paghinga ko kasi nga kaloka panaginip ko, then tumingala ako sa sofa na pang isahang tao lang, nandun sya bessy! Pero syempe tinitigan ko pa talaga kasi nga akala ko anino lang kasi all black sya eh, pero di sya anino! Kaloka haha tas nakastraight lang ulo nya sa harapan nya. Then, maya maya naglend sya ng kamay nya saken, tas pinipilit na nya akong sumama sa kanya. Tas ewan ko kung sadya ba, pero nakita kong nakaopen pinto namen nun, eh malapit lang yun sa sofa. Edi yun na nga pilit nya kong pinapasama sa kanya.
Ang sumunod nalang na nangyare, karga na daw ako ng papa ko tas iyak na ako ng iyak tas sinumbong ko nga na may bata (bata po kasi si Black Lady, mga 9-12 ganern) na gusto ako pasamahin tas more iyak ako. Tas di ko na alam nangyare pagkatapos neto, siguro nakatulog na ko ulet dala ng pag iyak at taas na lagnat, ewan.
Tas kinabukasan, since nahimasmasan na ko, pinakwento saken ano ba talaga nangyare, edi kinwento ko yung nakita ko pati yung niyayaya ako ni Black Lady, tas kinwento nalang saken na ang ginawa ng mama ko nung gabing yun, kumuha sya ng tatlong butil ng asin tapos tinapal sa noo ko tas dun kumalma na daw ko. Yun kasi yung bilin ng lola ko, kapag nag dadaman daw kumuha ng tatlong butil ng asin then itapal sa noo na parang pahampas mo itatapal. Tapos buti daw di ako sumama dun sa mumu kasi malilintikan na daw kung sakali. Ewan ko kung baket.
*****