Grade 3 ako nun. Transferee ako nun sa Elem. school sa may Maybunga sa Pasig City (yes po. hindi lang sa provinces may mga kababalaghan, it's actually anywhere). Lipat bahay po kami galing Pampanga dahil hirap sa probinsya naisip ng nanay ko na makipagsapalaran, tindera sya ng gulay at tricycle driver naman tatay ko. Sa bahay kasama naming 2 magkapatid ang lola at pinsan ko na itago nalang natin sa pangalang ate angel. Si ate angel lagayan sya madalas nakakakita sya ng di nakikita ng ibang tao pero malalaman mo naman pag may nakikita sya kasi hahawakan ka nya ng sobrang higpit pero wala syang sasabihin ayaw nya kasi kaming matakot.
So ayun, nakahanap sila nanay nun ng apartment sa may pag-asa, 2 storey at maganda talaga at sa murang halaga lang kaya kinuha na agad nila. Maayos naman nung mga unang buwan walang kakaiba hanggang sa nag start na ang tag-ulan. Bigla nalang kaming kinikilabutan syempre dahil tag ulan naisip namin baka sa lamig lang kaya ganun.
Simula nung nakaramdam kami ng kilabot lagi nalang akong sinasabay ni ate sa pagligo sa banyo syempre ako gusto ko dahil may kasama, matatakutin kasi ako ang pakiramdam kasi sa twing naliligo ka ng mag isa para bang may kasama ka or nakatitig sayo pag pumipikit ka. Di po dahil sa paranoid kasi lahat kami nararamdaman yun kahit pa yung nanay kong sobrang tapang kaya kang pasabugin e ntatakot din sa banyo kaya pag naliligo sya lagi syang may kasama na nakabantay sa labas ng banyo hahaha pero pinagsawalang bahala namin yun hanggang mag December pag naaalala ko kinikilabutan parim ako.December nung nag umpisa talaga yung kababalaghan sa bahay na yun. Yung tipong di ka na makakababa o makakaakyat ng walang kasama. Naaalala ko nun nanonood kami ng TV bigla nalang sumarado yung pintuan ng kwarto ng sobrang lakas bes hindi yun hangin dahil walang bintana sa kwarto at sarado naman ang pintuan ng terrace tsaka kung hangin yun paanong nabubuksan din, opo nagbubukas sara yung pinto ng padabog pero kahit ganun di pa rin kami umalis ang hirap kasi humanap ng apartment noon na swak sa budget naming pamilya at magkakasya kaming lahat dba?
May times din nun na makakarinig ka ng malakas na yabag sa hagdan pababa pag titignan mo wala namang bumababa.
Pero ang sobrang nagpatakot saamin e yung sa twing naliligo ka at npipikit pakiramdam mo e may kaharap ka sobrang creepy kasi. Dun na kami nag start maghanap ng ibang malilipatan pero hindi sapilitan kumbaga pag may nakita Go pag wala de wow.
Hanggang sa isang pangyayari nung gabi umuulan nun, lahat kami nasa taas na nung biglang mag ring yung cp ni nanay sa baba. syempre dahil takot lahat walang gustong kumuha kaya sinigawan ni nanay ang tatay ko nun na kunin na dahil di tumitigil sa pag ring ito namang tatay ko sinama si ate angel sa pag baba. ilang sandali lang bigla nalang sila nagsisisigaw at tumakbo paakyat sa kwarto. natawag pa silang sira ulo ng nanay ko pero ang nakapagpatakot samin nun yung kinwento nila. Nasa may TV raw yung cp nung kukunin nila, yung ate ko raw biglang hinawakan si tatay ng mahigpit kaya napatingin sakanya, yung ate ko nakatingin sa may TV pag tingin ng tatay ko sa tinitignan ni ate nakita nila sa likod nila sa loob ng salamin yung babaeng nakabigti kaya nagsigawan at nagtakbuhan sila. Pagkakwentong pagkakwento nila nun biglang nag ring yung phone de syempre nagkagulatan, na mura pa ng nanay ko yung natawag, sakto namang kapatid pala nya yun kaya agad nag pa arkila si nanay ng jeep para maghakot ng gamit kahit dis oras na ng gabi. Pag dating nung jeep nun palang kami bumaba, pinuntahan agad nila nanay yung may ari ng apartment at nagreklamo.
Sorry ng sorry yung may ari matagal na palang walang umuupa dun sa apartment na yun dahil may dalaga palang nagbigti doon sa may hagdan sa kadahilanang iniwan sya ng fiancé nya. Binalik naman ng may ari yung natirang bayad sa upa kaya nagka areglo na.Bago kami umalis nakita namin sa may terrace may babae na mukha namang payapa kasi kumakanta pa. Ayaw siguro nyang may nakitira dun sa bahay nya kaya nagpaparamdam sya.
*****
