ATTIC

18 0 0
                                    


Itago nyo nlg ako sa pangalang Cha. Nag hahanap kmi ng friend kong si aly ng bahay sa Sta Rosa Laguna na pauhapahan na 2bedrooms sana, hanggang sa naka kita na kmi ng apartment. So eto na nga papasok na kmi sa bahay tinu tour kmi nung may ari nung bahay, para saken di talaga ok yung ambiance nung bahay. Pag punta namin sa taas yung pintuan ng kwarto magkatapat napaisip ako non na malas daw yun, bawat kwarto sobrang daming aparador ba. Sabay nag tanong ako sa may ari mag asawa kasi yun yung nag tour samin sabi ko “Ayy may attic”! Sabi nung may ari “hndi kasama yan sa uupahan” sabi nung babae. Sabi nung asawa nyang lalake, madaming di natagal dito kasi nga mga foreign daw yung nangungupahan don. Eto naaa talagaa guys. Unang tulog naman dun mejo ok naman kaso yung ambiance talaga sobrang nakakatakot, mga ilang araw nagtataka kmi may naglalakad dun sa attic e wala naman makakapasok na pusa dun, maka ilang buwan may naglalakad na para bang may hinihilang kadena. At yung pintuan nung attic para bang nilalagabag, hanggang sa kaming dalawa ng kaibigan kong si aly natripan namin mag inom sa kwarto nya, so ayun nag kakatama na kmi. Bigla nlg may uumiyak sa taas na humming lg ba “hmmm hmmmm hmmm” ganon lg ung tunog na narinig namin nag soundtrip kami ng malakas nung kaibigan kong si ali kaso habang nilalakasan namin yung sounds namin lalo nyang nilalakasan yung pag iyak nya 😞. Nagkatinginan kmi ng kaibigan ko sabi ko “be taraa na ayoko na d ko na kaya” sagot naman nya sakin “hndi yan be” hanggang sa tumakbo nako pababa agad namang sumunod sya. Para samin sanay na kmi sa ganung routine na yon may naglalakad sa taas ng attic, may lumalagabag ng pinto sa attic. And yon sinimulan ko na umuwi samin gawa ng tapos na bakasyon. Kinakamusta ko sya kung ganon pa rin ba sa kwarrto nya, sabi nya saken “ganon padin be, sanay nako” kinuwento nya din sakin na nagkita sila nung may ari nung bahay and kasama nya yung ate nya at isa din yung ate nyang nakakaramdam ng kung ano ano sa kwartong un. Sabi daw nung may ari may tatlo daw syang babaeng Anak, yung mga pangalan nung anak nya andun sa kwarto dun sa mga aparador ng pinto naka sulat yung pangalan nung mga anak nya. Nacurious sila sinearch nila on fb yung dalawang anak nung babae lumabas sa fb and yun isang babae walang lumabas at sabi din nung may ari bahay na babae, yung anak daw nyang panganay nsa 25 yrsold na kaso wala na daw. So parang napaisip kmi nung kaibigan ko na anak nya yung nsa taas ng attic.


*****

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now