Boarding House

7 0 0
                                    

Noong panahon na iyon may paupahan ang mama ko malapit sa may SM Manila (Just in case lang po nacurious kayo kung saan ito.) Puro po babae ang nakatira dito at madalas silang magkwentuhan tungkol sa mga kababalaghan na nararanasan nila. Meron daw one time na naiwan lang daw silang dalawa sa kwarto ng gabing iyon tapos habang natutulog yung isa may bigla na lang daw siyang naramdaman na parang yumayakap sa kanya, hindi niya daw maigalaw katawan niya noon, tapos parang may humahawak din daw sa mga kamay niya na pinipigilan itong gumalaw. Pinilit niya daw igalaw ang ulo niya upang lingonin ang kasama niya sa kabilang kama ngunit napansin daw niya sa bandang ulunan niya na may batang nakatayo then dun na siya natakot talaga at sigurado daw siya na hindi siya binabangungot kaya nagdasal na lang daw siya nung time na yun. Nawawala naman din daw ito ngunit makailang beses daw itong nangyari ulit.

Since bata pa ako noon wala pa akong pakielam sa mga multo multo na yan parang nakakaaliw lang na marinig yung mga kwento nila pero hindi ko aakalain na magpaparamdam o makikita ko sila mismo. Nangyari ito ng dalawang beses.

Unang encounter: Madaling araw ito pero hindi ako sure kung anong eksaktong time kasi bigla na lang kami nagising ng mama ko dahil tahol ng tahol yung aso namin sa labas. Bumangon yung mama ko at lumabas siya para sawayin ang mga ito. Susunod sana ako sa kanya kaso natigil ako ng may nakita akong shadow sa pader namin malapit sa pintuan papalabas, nakita ko yung figure niya na parang dumuduyan duyan yung ulo tapos maya maya biglang may narinig akong naghuhum sa likod ko kaya napalingon ako pero wala namang tao dun pagkalingon ko pabalik sa pader eh nawala na yung anino sa pader.

Pangawalang encounter:
Ito yung karanasan ko na nagpaniwala sa akin na may multo nga na nakapaligid sa atin. Hapon ito nung nangyare, panahon ito ng semana santa at kaming dalawa lang ng mama ko ang nasa bahay kasi nagsipagbakasyunan ang mga boarders namin. Nagpapahinga kami ng mama ko sa may sala, dalawa ang sofa namin noon kaya na magkahiwalay kaming nagpahinga. Malalim ang tulog ko noon ng may naramdaman akong naguuga ng sofa kaya nagising ako at bumangon lumingon ako sa kinahihigaan ng mama ko ngunit malalim ang tulog nito, tinignan ko ang paligid ko, ilalim ng sofa ko kung meron ngang naguuga nito ngunit wala akong nakita. Nakatulog ulit ako ng may naramdaman akong kumalabit sa akin sa likod, hindi ko ito pinansin ng una ngunit naulit ito ngunit sa pagkakataong ito mas madiin siya kaya lumingon ako ng nakita ko ang isang bata na mabilis na tumakbo sa isang kwarto. Hindi ko nakita yung mukha pero sigurado akong maitim ang kanyang balat na parang mistulang anino lang siya. Akala ko bata lang ito nakapasok lang sa kwarto namin kaya sinundan ko ito sa kwarto na pinasukan nito hinanap ko siya sa ilalim ng kama, sa aparador ngunit wala akong nakita. Dito ako kinabahan kaya tumakbo ako palabas kahit ako'y nakayapak lamang. Nilapitan ako ng mga kapitbahay namin dahil nakita nila akong namumutla sa takot.
Simula noon pinabebendisyunan na taon taon ng mama ko ang bahay na iyon, ayaw niyang umalis dahil mahal na mahal niya ang bahay na iyon at yun din ang pinagkukunan niya ng aming gastusin araw-araw.


*****

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now