I saw you

12 0 0
                                    

Nababagot na ako sa bahay dahil July or August pa ang pasokan namin. Inaamin kong lakwatsero talaga ako dahil hindi ako sanay na tumabay lagi sa bahay. Hindi na ako masyadong sumasabay sa mga tropa ko kase hinahanap lang naman ako pag may kelangan sila. Tapos pag ako ang wala sa gala, pinag ch'chismisan nila ako, pekeng kaibigan. Kaya naman hanggang Computer Shop lang ako, minsan gagala ng syudad para makipag jam sa dati kong mga ka klase. Masaya naman ako sa buhay ko kahit na nag iisa lang kumpara sa iba na halos mang agaw ng hindi sa kanila dahil sabik na magka jowa. May tropa talaga tayo na napakagaling mag bihay ng advice pero hindi kayang ma apply sa sarili. One time nag aya ang isa kong classmate noon na si Janssen. 5 PM palang ng hapon niyaya na nya ako. Sinama nya ang iba pa naming ka klase noon, ano ang rason? Broken hearted si gago. Dun kami nag inuman sa palagi naming tinatambayan na Resto Bar dahil suking inuman na namin yon tsaka may kaunting discount pa. Minimize lang ang iniinom ko dahil gusto namin malasing ng sobra si Janssen para naman umamin sya sa masakit nyang nararamdaman, ang sama ko haha. Ayun nga, nag simula na syang mag labas ng saloobin nya at hinanakit nya sa dibdib. Hindi talaga naman alam kung anong magiging reaction namin, matatawa ba o maawa sa kanya. Sa kalagitnaan ng pag uusap namin may nahagilap ako sa labas ng Bar dahil naka pwesto kami sa gilid. Medyo madalim na ang paligid kase mag aalas sais na ng gabi. Kilala ko ang dalawang taong iyon, kinabahan ako bigla at lakas ng tibok ng puso ko. "Bruh labas muna ako saglit ah may tatawagan lang ako" sabi ko sa kanila. Pag labas ko pasimpleng sinundan ko sila ng hindi namamalayan, nakaka inggit ang mga ikinikilos nila. Ng makarating sila sa may kanto tumawid sila sa kabilang kalsada para pumunta ng 7/11. Ang tancha ko mga 20 meeters lang ang layo ko mula sa 7/11 hanggang sa kinatatayuan ko sa kabilang kalsada which is Minute Burger. Umupo ako at umorder habang naka harap ang table ko sa kanila, pinapanood ang masasayang sandali habang nasasaktan ako at hindi mapakali. Hindi ko alam na nagsasama pala si Vanessa at Jason, at mukhang napakasaya nilang talaga habang nag uusap. Mukhang magaling na sila at normal na pati ang kasootan nila, pero kumukulo naman ang lana binigay sakin ni Mang Arturo. Hindi na kulay itim ang sinosoot nila, kulay maroon tapos magkaparehas pa. Medyo nalasing tuloy ako sa nakikita ko, nakaka sikip ng damdamin. Pagkatapos ko makuha ang order ko kinain ko agad ang napakinit na buger ng walang pag aalinlangan. Halos hindi ko malunok ang kinakain ko dahil naninigas ang lalamunan ko. Sumabay pa yung music na napakalungkot, yung title na Unan ni Jroa, tangina. Sa gilid ko may tatlong babae na kumakain, alam kong tinitigan nila ako. "Uhmm okay kalang ba? Bakit tumutulo luha mo habang kumakain?" Tanong ng babae sakin. "Ahh wala mainit kase yung Burger at nakagat ko ang dila ko". Halatang peke ang ipinakita kong ngiti sa kanila, kaya tumingin sa direksyon na tinititigan ko. Lumapit ang isa sa kanila at sinabi na "Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo ngayon kuya pero dahan-dahan lang baka mabilaukan ka". Marami pa syang mga pinagsasabi habang daldal sya ng daldal at hindi ko pinapakinggan. Naka direksyon ang mga mata ko kina Jason at Vanessa. Pilit nya akong pinapatawa pero walang epekto mga jokes. Ilang minuto pa ang nakalipas tumayo sina Jason at Vanessa,mukhang aalis na sila. Iniwan ko yung babaeng madaldal, hindi ko pa nga naubos pagkain ko, tumayo ako at sinundan ko parin sila. Iniisip ko baka friendly date lang ang ginagawa nila kaya sinundan ko parin sila kung saan man mag punta. Nag punta sila sa Park at umupo. In Disguise parin ako sa gilid lang at nakatago sa mga puno. Tawag ng tawag ang mga ka klase ko sa CP ko pero hindi ko sinasagot. Sa pag mamatyag ko sa kanila, nakikita ko kung gaano ka saya si Vanessa. Masyadong seryoso sila sa pinag uusapan nila, nakikinig lang si Vanessa kay Jason habang ngumingiti. Mukhang nanliligaw si Jason at nag confess sa kanya. Pagkatapos nilang mag usap nag yakapan sila sa isa't isa at tila ba ang saya saya nila pareho. "Suuuus ! Langya bahala sila kahit mag kant**an pa sila jan lakompake" sabi ko sa sarili ko habang tumutulo ang luha, pero alam kong niloloko ko lang ang nararamdaman ko. Aalis na sana ako sa inuupuan ko, ngunit hindi parin ako mapakali dahil gusto ko parin silang sundan. Kaya sinundan ko sila pauwi habang nag lalakad. Pag dating sa isang malaking boarding house nag yakapan sila. Mukhang uuwi na si Jason, akmang hahalikan na nya si Vanessa, hindi ko kinaya. Huminga ako ng malalim at tumalikod dahil hindi ko talaga kayang pag masdan ang taong mahal ko na may kahalikan. Parang sinaksak nang sampung beses ang dibid ko sa totoo lang, hindi maka hinga ng maayos. Sarap sumigaw, tapos gulpihin si Jason, pag tatadjakan, pagsasaksakin at pag hahampasin. Pero mas mabuting pabayaan nalang sila, masaya ako na nakikitang masaya si Vanessa kahit ang totoo ay hindi talaga ako masaya. Sinipa ko ang basurahan sa gilid ng poste sa galit ko at nag lakad ako pabalik sa inuma ng nasaan ang mga classmate ko. Habang nag lalakad ako hindi maiwasang maiyak habang nag flashback ang memories, trash memories. May pa open letter pang nalalaman pagkatapos ako iwan agad na pinalitan, lngyngyan. Pagkarating ko mukhang sabog na silang lahat kaka inom, humabol ako sa inuman nagpaka lasing. Nakakatawang isipin pati ako pinagtawanan nila. Maya maya pa napag desisyunan nila na umuwi na at ihatid si Janssen dahil lasing na lasing na, napaka aga pa naman. Naiwan akong mag isa at umiinom pa, wala namang problema kung dito ako matutulog at uuwi lang ng umaga. Ilang minuto ang nakalipas di ko inaasahan na darating uupo sa gilid ko yung mga babaeng nasa Minute Burger at may kasama rin sila, mukhang classmate rin nila. Siguro napansin ako nung babaeng kinausap ako sa store kaya umupo sya sa harap ko at dada na naman ng dada. "Hey? Di ko alam na dito ka rin pala pupunta" sabi nya sakin. Hindi ako nag salita dahil wala ako sa mood. Sa kaka dada nya ng dada kinausap ko sya, para naman hindi masyadong boring kase napaka daldal nya. "By the way ako si Sofie" . Tumango naman ako at sinabi kong "Kenny". Masaya naman pala sya kausap, lakas nga rin uminom, kala ko matino. Maganda naman si Sofie kung paano sya mag soot ng damit, lakas ng appeal, smiley, madaldal at di nauubusan ng topic, medyo payat pero alam kong talagang malaman. Inaasar at tinatawag nya akong bakla kase nga daw ke lalaki kong tao umiiyak ako. Nag explain ako pero tinatawana nya ako. Nag kwento sya about sa sarili nya, background nya, tsaka about dun sa ex nya. Broken din pala sya, pero mukha namang walang problema at masaya di gaya ko. Di kalaunan napunta na kami sa topic na pang open minded at sya pa ang nag open nun. Nakikinig at nakatitig lang ako sa kanya, mukhang lasing na talaga ako dahil nae'imagine ko si Vanessa ang kaharap at kausap ko. "Nasasaktan ka parin ba?" Tanong nya sakin. "Hindi ko alam pero wala akong pake". Sagot ko naman sa kanya. "Naawa ako sayo Ken, kung may maitutulong lang sana ako sayo" Sabi nya sakin. "Nako wag mo na akong intindihin sanay na ako sa ganto". Sagot ko naman sa kanya. "I can be your Sexmate if you wanted to". Sabi nya sakin. Ang lakas ng loob nya at ang lakas ng tama nya para sabihin sakin yan. Napa dilat ang mata ko at napa ubo ako sa sinabi nya. "Ahh sofie mali ka ng inaakala sakin. Hindi ako gwapo at macho gaya ng inaakala mo". Natatawa ako jan eh kunwari di ko pa gusto HAHAHAHAHAHA. "Wag na tayong mag lokohan pa Ken, pabayaan nating maibsan ang sakit ng nararamdaman natin". Nagtataka lang ako kase napaka init ng bulsa ko, yun pala kumukulo na at umapaw ang lana na nasa bulsa. Iniisip ko na baka may kakaibang nilalang sa paligid, o baka naman kaharap ko lang. Kaya nag paalam ako sa kanya na uuwi na ako ngunit sabi nya na "Ayy Ken samahan na kita para naman malaman ko kung san ka naka tira". Tinanggihan ko sya dahil masama ang kutob ko sa babaeng iyon, parang tingin sya ng tingin sa pantalon ko at di mapakali. Pinilit nya ako na sasama sya, pilit ko rin naman na tanggihan sya ngunit hinahawakan nya kamay ko. Maya maya pa may humila sa akin at nabitawan ni Sofie ang kamay ko. Nagmamadali syang mag lakad habang hinihila ako. Kilala ko sya dahil sa amoy ng pabango nya, amoy ng buhok nya, at kung pano nya ako hilahin. Naging parang mahinahon ang paligid na halos wala akong marinig na ingay na para bang nabibingi ako, tanging pintig lang ng puso nadidinig ko. Pinabayaan ko sya para kahit papano nahawakan ko sya saglit sa mga oras na iyon. Pero kumikirot parin ang puso dahil sa nasaksihan ko kaya hinila ko ang kamay ko, humarap sya sa akin at nagkatitigan kami ng ilang segundo. Naglaho na ang mala silver eyes nya, naging normal na. Wala narin ang matalas nyang tingin ngunit kaakit akit parin. Nag iba na ang pananamit nya di gaya noon ngunit napaka ganda parin. At higit sa lahat, nag bago na ang kanyang tingin at damdamin. Kahit napipilitan nag nagsalita parin ako. "K'kamusta Vanessa". Ngunit tinitigan nya lang ako at hindi sya nag salita. Pinipigilan kong hindi maiyak sa harap nya at pasulyap sulyap sa itaas para hindi mahulog ang luha habang nag sasalita. "Mabuti naman naging ahhh.. normal kana, s'siguro.. malaya kana at ahhhh.. masaya". Sini'swing ko ang mga kamay ko habang kinakausap ko sya, sinisipa sipa ang kabilang paa at kinukurot ko ang magkabilang hituturo ko. Ganyan talaga ako kapag di ako mapakali sa kausap ko. Ayaw nya parin mag salita pero mukhang naawa na sya sakin, lumapit sya sakin ng malapitan pero humakbang ako patalikod, nasasaktan ako. Isang bigkas ko nalang tutulo na talaga luha ko, pero hindi ko talaga mapigilang magsalita at masaktan. "Ang hirap pala isipin na ayos kana, masaya sa piling ng iba. Pero... iba parin pag tayong dalawa". Yan agad ang pumasok sa isip ko at sinabi sa kanya. Di ko kayang titigan sya dahil ba sa galit ko sa kanya, o dahil hindi ko talaga kaya. Kaya pa lingon-lingon ako at kinakagat ang labi ko pagkatapos mas salita. Nag salita sya sa wakas pero mahihin at mahina, sabi nya "Nakita kase kita na... n'nag lalakad pauwi at sinipa ang basurahan... kaya naisipan ko.." . Napatigil sya dahil nag salita ako. "Na ano?! Para sundan at mag pakita kana naman sakin?! Tapos mag tatago kana naman kung saang lupalup ng mundo, kunwaring mag coconfess sa spookify tapos malamanlaman ko nagsasama pala kayo ni Jason. Anak ng pusa naman Vanessa". Hindi ko na kaya pang harapin si Vanessa kaya nag walk out ako sa kanyang harapan. Nag lakad lang ako ng ilang hakbang. Pero napatigil ako bigla at lumingon ako, pag lingon ko nakatitig lang sya sakin. Bumalik ako at niyaya ko sya na ihatid pauwi at nag kukunwaring ngumingiti. Mabuti naman at pumayag sya, kaya nag lakad na kami patungo sa tinutuluyan nya. Kunwari nag C'cp ako pero pasulyap sulyap lang ng tingin sa kanya. Distansya lang kami, tahimik at napaka awkward ng paligid, walang ni isa ang gustong mag salita sa amin. Ang bagal nya mag lakad, parang sinasadya nya, parang ayaw nya umuwi at ayaw dumaan sa shortcut. Dumaan kami sa may coffee shop kaya niyaya ko nalang sya. "Baka gusto mo mag kape muna.. baka lang naman eh". Tumango naman sya at ngumiting napipilitan. Kahit galit at nag tampo ako sa kanya hindi parin naman naiiba ang trato ko sa kanya. Mukhang mahiyain na si Vanessa, pero ang alam ko nahihiya lang sya dahil sa pangyayari. Pasulyap sulyap ako habang naka CP pero nahuhuli ko rin syang tumitingin tapos look away. Ayokong mag firstmove dahil inaamin kong medyo ma pride rin ako, lalo na si Vanessa. Di kalaunan ibinaba ko CP ko at nag salita ako. "Ahhh.. pasensy..". "Okay lang di mo na kailangang sabihin" Sagot nya agad habang di pa ako tapos mag salita. Actually di ko alam ang sasabihin ko, kaya napa inom nalang ako ng kape at napaso pa nguso ko. Alam ko pinipigilan nya lang sarili nya na matawa, kunwari pa. Natapos kaming mag kape na walang imikan hanggang sa nag lakad pauwi. Distansya parin at pasulyap sulyap lang. Sinigawan pa kami ng Driver ng motor na "Panguyabi nana dong ayseg binugnawng simod diha!!" Na ang ibig sabihin sa tagalog ay "Ligawan mo nayan boy wag kang torpe!!". Ng makarating na kami sa tinutuluyan nya nag tinginan kami sa isa't isa. Alam kong may gustong sabihin si Vanessa sakin ngunit nahihiya lang. "Sana naman maging masaya kana at ahh... mmm.. ingatan mo sarili mo. Alam ko hindi na ako ang dahilan ng pag tawa mo, ng ngiti mo. Hindi na ako ang nasa tabi mo, at ahh.. hindi na ako ang mahal mo". Kinakabahan ako sa sinasabi ko at hindi maka tingin ng deretcho, pakagat kagat sa labi at pinipigilang maiyak ma naman. Naiiyak sya habang nakikinig sakin, simpleng titig sakin, tapos kagat labi, tapos pahid ng luha sa muka, pulang pula ang ilong sa kaka iyak. Ayoko talagang tumingin sa kanya dahil naiiyak ako at sumisikip ang dibdib ko. Pero hindi ko maiwasang mapa luha habang binibigkas ko ang mga salitang ibinalik ko sa kanya nung iniwan nya ako. "Sana... mahalin ka nya ng higit pa sa pag mamahal na ibinigay ko sayo...., nauna kapang mag hanap keysa sakin ehh, andaya mo. Pero okay lang kase...ahhmm m'masaya naman ako para sayo kahit hindi ako masaya para sa inyo. Alam mo.. hindi parin talaga ako sanay na wala ka, pero masasanay rin ako wag kang mag alala, ako pa haha". Panay parin ang pag iyak nya sa harap ko habang tinitignan ako. Panay rin naman tulo ng sipon ko at hindi maka hinga ng maayos. "Alam kong.. mahal mo sya pero sana wag mong kalimutan na mahal din kita. Bat pa kase sya, bat hindi nalang ako ulit". Wala syang ni isang salitang nabigkas dahil iyak sya ng iyak. Pasimple nyang hinihila-hila ng dalawng beses ang T-shirt ko habang umiiyak, gusto nya yakapin ko sya. Pero nag paalam na ako at aalis na ako, tumigas yata ang puso ko sa mga panahon na iyon. Kaya nag walk out ako sa harap nya at bigla nya akong niyakap sa likuran at humahagulhol sa iyak. "Ken pakiusap, wag". Sabi nya sakin.a "Panahon na siguro para ikaw na naman ang bumitaw sa atin Vanessa, wag mo na pahirapan ang sarili mo. Sabagay, nag mahal kana ng iba. Kaya pakiusap, bitawan mo na ako". Ayaw nya akong bitawan kaya kahit masakit, hinawakan ko ang mag kabilang kamay nya at kumawala sa kanya. Iyak sya ng iyak habang tinatawag nya ang pangalan ko. Hindi ko kayang lumingon dahil kung lilingon ako alam ko sa sarili ko na babalik na naman ako. Pinilit kong hindi lumingon at nag lakad papauwi kahit na masakit sa kalooban ko. Ibinato ko sa kanya pabalik ang mga salitang binitawan nya noon, hindi ko alam na magkaganon. May natutunan talaga ako dito. Yun ay ang pag tanggap sa katotohanan na hindi lahat ay nakasangayon sa kagustuhan ng isang tao. Minsan hindi kailangan ipilit ang sarili sa taong ayaw sa atin. Hindi naman nakamamatay ang walang jowa. Ang problema lang kase, sa kagustuhang magka jowa, yung iba nang aagaw na ng may nag mamay ari na.



*****

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now