Ako si Lyca Alonzo isang dalagang babae 20 taong gulang at single. Pangalawa ako sa apat kung mga kapatid. Noong akoy 18 taong gulang na kinailangan ko na din na maghanap ng apartment dahil ako'y nag aaral sa Northwestern University. Malapit lang sa skwelahan ang nahanap kong apartment kaya naman lumipat na ako bago ang pasukan. Noong unang gabi ko palang sa apartment , niyaya ko ang aking pinsan para samahan akong matulog doon dahil di pa ako sanay mag isa. Makalipas ang 5araw umuwe nun amg aking pinsan. Gabi na nung ako'y nanonood ng tv sa sala. Nang biglang may narinig ako sa kabilang door na may nag aaway na babae at lalaki. Hindi ko nalang pinansin, pagkalipas ng 20 minuto tuloy tuloy parin ang mga naririnig kong nag aaway at palakas ito ng palakas hanggang sa natakot na ako dahil sa mga nababasag na kung ano ano na naririnig ko. Umakyat ako sa taas at tinawagan ko ang aking pinsan para sunduin ako doon dahil ayokong nakakarinig ng mga nag aaway lalo na't nerbyosa ako. Pumunta naman agad ang aking pinsan laking hinala ko nung lumabas kami dahil patay lahat ng ilaw at nawala ang mga narinig ko at parang walang nakatira sa apartment na katabi ko. Umuwe kami sa apartment ng pinsan ko at natulog ako doon, kinabukasan hinatid din agad ako sa apartment na tinutuluyan ko. May nakasalubong akong babae na galing sa kabilang apartment nag tanong ako kung sino at ilan ang nakatira sa katabk kung pintuan, nagulat nalang ako ng sabihin niya na walang nakatira doon at dalawang apartment lang daw ang may umuupa, ako at siya lang at ang kanyang asawa. Binalewala ko nalang pero sa totoo lang, natatakot na ako. Dalawang mag kasunod na gabi na paulit ulit kong naririnig ang mga nag aaway sa katabi kong pinto pero tiniis ko, di na nga ako nakakatulog ng dahil sa mga ingay na naririnig ko, hanggang dumating ang araw na pumunta ang mag asawa sa aking tinitirhan at nag kwento ng kanilang naririnig at kwinento ko din ang aking mga naririnig. Noong kami ay nag kkwentuhan biglang may narinig kaming tumutugtog ng piano at sabay sabay kaming nagsigawan papunta sa aking silid. Palakas ng palakas ang tugtog at takot na takot na kami hanggang sa nabasag ang mga baso sa ibaba dahil sa lakas ng hangin. Sa sobrang takot namin tinawagan namin ang may ari ng apartment na yun at dali dali naman itong pumunta at tumigil na din lahat ng narinig namin. Sa oras na yun, nakapag desisyon na ako na uuwe na ako sa bahay, pati ang mag asawa sinabi na lilipat narin sila ng tirahan. Kwenento lahat ng land lady namin kung bakit ganun nalang ang mga naririnig namin. May isang pamilya pala na namatay sa katabi kong apartment kaya pala walang nagtatagal doon sa apartment na yun. Kinabukasan nag impake agad ako at bumalik sa bahay mula noon, di na ako naghanap pa ng ibang apartment habang nag aaral pa ako. At yun ang hinding hindi ko makakalimutan na nangyari sakin.
****
