High school pa lang ako ay sinubukan ko nang pumasok sa isang bagong bukas na wood carving factory malapit sa lugar namin, kasabang kung niyaya ang aking kaibigan para magtrabaho duon dahil No educatioal level required naman, pumasok kami bilang taga liha ng mga wooden bowl at dun namin nakilala ang isang lalaking nagttrabaho bilang isang drummer o pangalanan nating kuya bernie isa siyang taga liha ng wooden bowl gamit ang makina, siya rin nagturo samin kung paano ang tamang pagliliha, at pag bavarnish, ilang araw palang kaming nageextra extra duon ay lumalim na ang aming pagkakaibigan ni kuya bernie at ng aking kababata, hanggat sa nagkwkwento na siya tungkol sa Latin, marami siyang kwento na nakakamangha at halos di kami makapaniwala, hanggang sa kami na mismo ang laging nagtatanong saknya kung paanu matuto ng latin, ang sabi niya ay Wag nio na pangarapin dahil kapag natuto kayo ng latin ay kahit kailan di na aasenso ang inyong buhay, Yan ang sabi niya saamin, ngunit bilang isang kabataan na minsan lamang makarinig ng mga kwentong nakakamangha, pinilit namin siyang sampolan kami ng kahit anong kaya niyang gawin gamit ang Latin, ngunit ayaw niya talaga kaming pagbigyan, hanggat gabihin na kami sa pagliliha naisipan namin ng kababata ko na makitulog na lang katabi ni kuya bernie, at yun nanga alas dyes ng gabi ay nagkkwentuhan pa kami, ayaw namin siyang patulugin hanggat hindi siya nagkkwento saamin. Inabot na kami ng alas dose ng gabi atsaka pa lamang niya sinabing "Sige na nga mapilit kayo e, basta wag na wag niyo ipagsasabi sa iba mga malalaman niyo ha" Sige ang sagot namin, Saka kinwento niya muna na taga Visayas siya mabait siang tao nuon ay pwede kang humingi ng kahit anong pananim o bunga sakanya, ibbigay niya wag ka lang magnakaw, ngunit isang kapid bahay daw ang nagnakaw ng kanyang hinodlg na saging sa mismong puno nito, kaya naisipan niyang bigyan ng leksyon, kumuha daw siya ng tatlong dangkal na piraso ng halamang baging, at isang dahon ng baging, at nagpakulo siya ng isang itlog sa kalahating basong tubig ng pitong ulit hanggat sa halos mabalatan ang itlog at kinuha niya ang balat nito at dinurog, huling sangkap ay nanghuli siya ng hipon gamit ang orasyon sa latin dimk dapat hulihin ang hipon kelangan kusa niyang ibibigay ang kanyang sarili sayo pagkatapos mo itong orasyonan, at pinagsama sama niya ang balat ng itlog, at hipon atsaka binalot sa dahon ng Baging at tinalian gamit ang tatlong dangkal na litid ng baging. pagkatapos ay dinasalan niya ito ng latin at itinusok sa mismong pinagtapyasan ng ninakaw na saging. Hanggat sa kumapit sknya ang kapitbahay at nagmakaawa na patawarin sila, dahil halos isang linggo nang nagtatae at nagsusuka ang pamilya ng lalaking nagnakaw ng saging niya, pinatawad niya ito at binigyan pa ng isang kilong isda.
Habang siyang nagkkwento lalo kaming bumibilib sa kabutihan niya,hanggang sa sinabi niang " Sige ito na ituturo ko na, bago mamatay ang tatay ko may binigay siya saaking isang maliit na libro ng latin nanduon nakaaulat lahat ng orasyon sa lahat ng sitwasyon o bagay, sa unang pahina ito ang inyong mababasa,..................." May binanggit siang latin na di namin maintindihan, kaya pinaulit namin saknya sabi, ''''''''''''''''''''''''.
at di parin namin maintindihan at mabanggit ng maaus kaya humanap kami ng panulat para isulat na lang ngunit wala kaming nahanap kaya, pinaulit namin saknya sa ikatlong pagkabanggit niya ng Salitang yun ay biglang may lumagutog sa bubongan ng parang may nahulog na isang umpok ng Niyog, nagulat kami kaya kami nagtalukbong ng kumot si kuya bernie ay nanatiling kalmado at medyo natatawa, kinakabahan na kami at pinagpapawisan. Saka sinabing alas dose panaman ngayon napakalakas ng orasyon na yun., at tanong namin, kuya bernie ano bang orasyon yun? sabi niya, yun ang unang orasyon sa libro ng latin upang gabayan ka ng isang ispirito sa pagbabasa mo ng libro ng latin, sa madaling sabi sa ikatlong banggit ng orasyon na yun ay nakapahtawag tayo ng multo hahaha."
Takot na takot n kami nun dahil alam namin na open space ang kinaruruonan ng tulugan namin at wala ni anong puno na pwedeng mahulog ang bunga, hanggat sa narinig namin unti unting bumubukas ang pinto ng kwarto, at dinig na dinig namin ang hakbang ng mga paa na palapit samin, takot n takot n kami nun at kapit n kapit kami sa braso ni kuya bernie at sabi nya samin ay wag kaming maingay wag kami papahalatang natatakot sabay tawa, sabi pang kaibigan natin yan ispiritong yan kapag may naamoy kayong mabaho n among tae ng manok wag niyong papansinin, at maya maya naamoy na namin ang mabahong amoy nakakulob pa naman kami sa kumot pinipigilan naming di magreak sa sobrang baho ng amoy, at narinig namin si kuya bernie na nagsasalita ng latin at maya maya nawala ang mabahong amoy, at sinabing pwede na kayong magsalita, at nakaginhawa din, ngunit natatakot parin kami sa mga nangyare.
Kinaumagahan tinuruan niya kami ng isang Dasal sa latin kung paanu hindi mapaso ng baga o ng apoy, sinabi niya ang isang maikling Latin na "Lich'''''''''Demoli''''''"! Pasensya na pero di pwedeng sabihin, pinakita niya saamin kung paanu humawag ng baga na hindi napapaso at kami ay namangha pinaglaruan nia ang uling na may baga sa kamay niya hanggat sa mamatay baga nito.Sinubukan din namin at nagawa namin, hindi ako nagbibiro totoong nagawa namin yun, ngutin kelangan banggitin ang Dasal bago gawin. sunod ay tinuruan kami kung paano magpagalaw at magpaangat ng isang bagay. Ngutin may kundisyon si kuya bernie, gusto niya kami itest kung gaano kami kadesidido sa gagawin namin, kaya pinagpatong patong niya ang mga lata ng Varnish hanggang sa kamabuo ng mataas na parang pyramid, sabi niya ay kelangan ko umakyat sa pinaka tuktok at tumayo duon ng 3 seconds, At habang umaakyat ako napansin kong matibay ang pagkaka patung patong ng mga lata, kaya agad kung narating ang tuktok ng tatayo n ako sa tuktok nakita ko siyang may binabanggit at binubulong sa dulo ng kanyang isang daliri at itinuro sa akin sabay may lumagutok sa ilalim ng mga lata ay biglang gumuho ito nagkalamog lamog ang katawan ko dahil tumama sakin ang mga kanto ng mga lata, at nilagnat ako ng dalawang araw , pagkabalik ko sa trabaho ay tinuruan na niya akong magpagalaw ng bayay at magpaangat kanyang binanggit ang Latin na "elpil"""""""".Manus"""""Nidad. Di talaga pwedeng sabihin hehehe..Pinakita niya kung paano niya yupiin ang bawat parte ng lata ngunit malilit nga yupi lamang ang aking nakikita, nakikita ko mismo kung paanu lumagutok ang bawat yupi nito, tinuro niya saakin na dapat ay babanggitin mo ang Latin na yun sa Dulo ng iyong hintuturo at ituturo sa kahit anong bahay at ito ay gagalaw o sisira, pangalawa niyang tinuro ay kung paano magpaangat ng bagay, kumuha siya ng lata at may binanggit sa Latin, at nakito ko mismo kung paanu ito umaangat, lata kang po ng bearbrand, at sinubukan ko ang mga bagay na yun at nagawa ko, hanggang sa nag iinsayo na akong gawin ang mga tinuro niya at nakikita ako ng ibang katrabaho ko at pinagtatawanan ako. ang sabi ay nababaliw na daw ako, hinayaan ko sila at patuloy akong nag insayo hanggang sa maperfect ko at ginagawa ko na rin kahit nasa skol ako, ginagawa ko un ng palihim dahil di pwedeng malaman ng iba, nagugulat nalang sila ay may gumagalaw na ballpen, may gumugulong na nilukot na papel, napakasaya para sakin, tuwing byernes ng 12 ng gabi kelangan kong magdasal ng isang dasal ng 7 beses dadasalin upang mapanatili ang kapangyarehan ng Latin sa akin, ngunit isang araw nalaman kong umalis na si kuya bernie at napansin kong nawalan ng bisa ang latin saakin, naalala kong sabi niya sakin na, sya ang nagturo sakin at kaya niya rin itong bawiin, kaya naisip kung binawi na niya ang Kapangyarihan nito, hinanap ko siya pinagtanung tanong sa mga katrabaho hanggat sa diko na siya nahanap, makalipas ang ilang bwan nalaman kung patay na siya, at ang kwento na ito ay nakwento ko sa mga katrabaho ko, at nalaman kong pati sila ay may nalalaman tungkol sa Latin, at nasaksihan ko ang ibat iba pang nakakamanghang bagay mula sakanila, ngunit inalis ko na rin sa isip na malaman pang muli ang latin dahil naalala ko ang sabi ni kuya bernie, na hanggat may kaalaman ka sa latin hinding hindi ka aasenso, at dahil din siguro sa latin kaya ako nahinto ng pag aaral dati, ngunit ngayon ay malapit nakong magtapos ng kolehiyo, ang kwentong ito ang naganap taong 2009.
TOTOO ANG LATIN 100%, MASARAP MAKARANAS NG BAGAY NA KAKAIBA KA SA KARAMIHAN, NA MAY ISANG BAGAY NA IKAW LANG ANG MAKAKAGAWA NGUNIT WAG NA NATIN PANGARAPIN NA MANGYARE PA ITO SA ATING BUHAY, MAKONTENTO NA LANG TAYO SA KUNG ANO TAYO AT KUNG ANONG KAKAYAHAN ANG IBINIGAY NG DIYOS SA ATIN.
*****
