Share ko lang yung experience ko sa apartment na inuupahan nmin dati here in Las piñas. 1yr na kaming nagsasama ng asawa ko nun sa bahay ng lola niya nung maisipan naming bumukod na total may trabaho naman siya that time at kaya naman sa budget kung mangupahan kmi. So nung nakahanap na kami, sobrang tuwa ko at the same time, excited. So pinuntahan namin yung lilipatan namin para icheck. Maluwag, may sala, cr, kusina at kwarto. Kumpleto siya at maayos para sa 2,500 na upa.. Na dapat nasa 4-5k yun. So ff.. First day namin, at ako lang mag-isa.. After ko magligpit ng mga hinugasang mga plato, pumunta n ko sa kwarto na may 5 steps lang ang layo sa kusina. Saktong upo ko alang sa kama nang biglang parang may natumbang baso sa lababo. So tumakbo ako para icheck baka may pusa na nakapasok. Pero wala akong nakita. Di pa ko nakakalapit sa lababo nang bigla akong nakaramdam ng negative energy. Nakakakilabot at alam kong malakas yun. (Btw, bata palang ako, paramdamin na ko at minsan nakakakita.) So binaliwala ko nalang muna yun kc nanghina ako bigla at bumalik nalang sa kwarto. 2 days later.. As usual ako nanaman mag-isa dahil nga may trabho asawa ko. Nasa kwarto at nagbibihis. Papalit-palit ako ng damit dahil ng hirap mamili. Nung nakapili na ko, yung tipong isusuot ko na yung nasa ulo palang, biglang may pumutok o nabasag! So dali dali kong sinuot damit ko at yun na nga! Nagkalat na sa harap ko yung mga bubog. Yung picture frame ni papa Jesus basag yung salamin pero yung picture nakasandal parin sa altar. Kinilabutan ako bigla at naisip ko kung panung yung salamin lang mababasag? Di naman natumba kc nakasandal parin t walang nagalaw sa mga gamit na katabi neto. Natatakot na mangiyak-ngiyak ako that time kc niregalo samin yun ng byenan ko tas nabasag o binisag lang. So ginawa ko, at dahil matapang ako, (HAHA) pinagalitan ko yung demonyo n yun. "Taena mo naman! Andami mong babasagin yung poon pa! Alam mo bang bigay samin yan ni mama?! Tapang mo kala mo kung sino ka!" Yan po yung exact na sinbi ko habang nanginginig katawan ko at umiiyak. Binilisan ko mag-ayos at minabuting sa labas nalang ng bahay ako maghintay sa asawa ko. FF ulet. Nung dumating na asawa ko, pinkita ko sknya yung mg bubog na nasa sahig pa at kinwento ko ang nangyare. Dinikitan ko ng mga dasal na latin yung apat na dingding ng kwarto namin at nag orasyon din ako para sana patigilin ng kung ano mang elemento ang nandun. (Taga leyte ako at may lahi kaming manggagamot at mangkukulam kaya may alam din ako sa mga ganyang bagay.) Pagkatapos ng pangyyare na yun, almost 2weeks din silang nanahimik kaya akala ko okay na, pero hindi pa pala. Habang naghahanda ako ng hapunan sa kusina..(btw, yung lababo namin katabi nun cr na. Nasa may lutuan ako at nakatalikod ako sa cr... Tamang sound trip lang ako ng mga kanta ni skusta clee nun. Tas may narinig ako na sumusutsot sakin na boses bata. Parang nangapal yung batok ko nun. Pero binaliwala ko lang at kumanta nalang ako ng "ang dami mong.. Dami mong alam... Pero kinikilabutan talaga ako nun kc feeling ko nasa likod ko lang yung nilalang na yun at nagtatayuan na talaga mga balahibo sa katawan ko na parang gusto ko na kumaripas ng takbo. Kaya ginawa ko, pumikit ako at nag-usal ng latin na dasal sabay "ehem!" Ng malakas. Tas unti-unting nawala yung presensya na yun. At eto pa! Nag gala ako sa mall, hapon na ko nakauwe mga 3pm ata.. So kapoy kc may pa heels heels pa kong nalalaman. Kaya diretso kong kwarto at higa sa kama. ang tahimik ng paligid parang ang sarap matulog, pero nung nakapikit na ko.. Biglang may nag "click" ng kalan namin. Pero inisip ko na baka sa pagod lang kaya kung ano ano naririnig ko. Pero shete mga bes.. May nangamoy tutong kaya dalidali akong pumuntang kusina at yun na nga! Nakabukas na pala yung kalan ng todo at yung kaldero naming may kunin pa yung nakasalang! Imagine kung ordinary na multo lang yun, di niya kayang magpagalaw ng mga gamit. Kaya sigurado akong malakas yung elemento na kasama namin sa bahay na yun. Di basta-basta. FAST FORWARD.. sa sala na kami natutulog. Nilipat namin yung kama sa kadahilanang takot na takot na yung mister ko. Kc naman.. Ang bigat ng energy sa kwarto na yun. Pag matutulog kami, parang may nakamasid samin at madalas akong bangungutin. Minsan may naririnig kaming parang nagbibilang ng mga coins. At ang malala pa, madalas kaming mag-away yung as in away talaga na matindi. one time nga, natulog kaming di bati. Sobrang sama ng loob ko sakanya na hanggang nakatulog nalang ako, nakasimangot parin ako. Eto, kinwento nalang to sakin ng mister ko.. Di raw siya makatulog nun kase nga natatakot siya at di pa niya ko kayakap kc nga nag away kami. (Yang asawa ko kc kelangan patulugin ko muna siya bago ako matulog. Sobrang duwag po niya sa mga multo thingy na yan pramis!) Kaya ayon, nakapikit lang siya at nakikiramdam sa paligid. Nagulat nalang daw siya ng may nkatusok na sa leeg na cutter. Di as in nakatusok. Yung tipong nkatutok lang pero nararamdaman mo yung tusok sa balat. Natakot daw siya sakin nun. Nanlilisik daw mata ko na galit na galit at nag-iiba daw boses ko habang minumura ko siya. Sanay naman siyang makita niya kong galit at matindi talaga magalit yung mga waray pero that time iba daw talaga.. Puro daw ako mura at paulit-ulit ko daw tinatanong sakanya kung "bakit mo ko niloko?! Ptngn@mo papatayin kita!! Papatayin kita!!! " paulit-ulit daw yun habang dumidiin yung hawak kong cutter na pinipigilan niya naman kc baka nga bumaon yun sa lalamunan niya. Nakahiga pa siya kaya hirap siyang dumipensa.
"Ano bang ginagawa mo? Anong pinagsasabi mo? Papatayin mo ko? Sige baby patayin mo ko! " sabi niya... Nung narinig ko daw yung "baby" na tawagan namin, nahimasmasan daw ako at humiga ulet na parang walang nangyare. Di na daw talga siya natulog nun dahil sa takot. Kinabukasan, siya naman yung galit sakin habang pinapakita sakin yung maliit na sugat sa leeg niya na ako daw may gawa. Kaya sabi ko sknya.. " sira ulo ka ba?! Bat ko naman gagawin yun?".. Alam kong minsan, sinungaling talaga tong asawa ko pero yung sinasabi niya, alam kong totoo at nararamdaman ko yung takot niya. Kaya sinantabi ko muna yung galit ko at nag-usap kami ng maayos. Kaya ayon.. Sa sala na kami natutulog. At eto naman ang nangyare.. Mahigit isang buwan na kami dun sa inuupahan namin at mejo lumaylo ung mga animal na dimunyu na yun.. Mga 6 pm, iniwan ako ng jowabels ko sa bahay. Inutusan akong mag set up ng tv habang siya nasa court, naglalaro. So habang inaayos ko yung mga wiring, testing testing kung tama ba pagkakakabit ko ng mga wire.. Eto nanaman yung energy na nakakapanghina. Yung batok ko, yung tenga ko, parang nangangapal tas yung mga balahibo ko nanaman nagsisitayuan.. Alam kong nanjan nanaman siya. Kaya umupo muna ko at nakiramdam.. Maya maya nga.. May anino na dahan dahan pang dumaan sa harap ko. Parang white lady. Kase yung anino parang babae na nakamahabang damit. Basta ganun. Galing cr at papunta siyang kwarto. Tinitignan ko lang yung anino niya habang papasok ng kwarto. Nung di ko n makita, napabuntong hininga nalang ako nang biglang.. May nabasag sa kwarto! Putspa! Bahala na.. Pumunta ako sa kwarto kahit takot na baka makita ko itsura niya. Pero ang nakita ko.. Yung basag na salamin namin. Yung salamin naka sandal parin. Pareho dun sa binasag ng picture frame. Ganun na ganun. Di nagalaw yung salamin sa pwesto pero yung mga bubog nasa sahig na. Binasag nanaman ng hinayupak na kala mo may ambag. Buset na ko kaya tinawagan ko yung mister ko at pinauwe ko na agad. Kasama niya mga tropapeepz niya pag uwe sa bahay kaya pinakita ko sa kanila yung basag na salamin. Minsan, pinapakiusapan ko din yung mga yun na wag naman mamerwisyo. Pero mas lalo ata kaming minalas. Nag-iba ugali ng mister ko at nawalan siya ng trabho kaya lagi kaming away. Kahit na sa maliliit lang na bagay, pinag aawayan namin. Halos gabi gabi kaming di makatulog. Kaya naman, pag sa gabi, tambay kami sa compshop ni mang to ohab at madalas mag iinom hanggang tirik na yung araw. Basta di kami uuwe ng madilim pa dahil nga sa sobrang kaduwagan ng asawa ko. Halos gabi-gabi ganun yung naging routine namin. Hanggang sa isang araw, mga 6 am galing kaming galaan.. Kakauwe lang nmin at patulog na kmi nang biglng may kumatok ng malakas sa pinto. Sa sala n kami natutulog kaya napabalikwas kami sa kama. Nabadtrip naman tong asawa ko kaya sinilip niya sa awang ng pinto kung sino yung kumakatok. Pero putspa! Biglang balik sa kama yung loko at takot na takot. Sabi ko "sino ba yun?" Sabi niya.. "Nakakatakot yung mukha baby! Matanda at parang naagnas yung mukha! " edi natakot din ako dahil sa itsura niyang takot na takot din. Kaya tinignan namin ulet. Sinilip namin, wala na. Binuksan namin yung pinto at tinignan sa labas pero wala kaming nakita. Nasa second floor kmi kaya inaabangn namin kung may bababa ng hagdan, pero wala din. Walang katao tao kahit 6am na. Kaya dali dali kming pasok ng bahay at nilock. Nung magising kami nung hapon, nagtanong kami sa kapitbhay kung may kilala silang ganun yung itsura na matanda, maliit at maikli buhok. Sabi nila, yung tinutukoy namin, parang yung nanay ng may ari ng apartment. Pero patay na raw yun. Kaya umalis na kami dun sa bahay na yun. natatawa lang ako kase, kung sino pa yung duwag saming dalawa, yun pa yung pinakitaan. HAHAHAAHA! kaya ayon, agad agad nag desisyon na umalis na kami dun. At nabalitaan nalang namin kung kelan naghahakot na kmi ng gamit,.. Na may nagpakamatay pala dun. May nagbigte sa cr. At matagal na din palang walang gustong umupa dun dahil sa mga nakatirang multo at ang mas nakakatakot, may ahas na papansin at malande na pumapasok sa bahay at nang aakit ng asawa..
*****
