Panganay ako sa magkakapatid. Simula plang ng pinagbubuntis plang ako ng mama ko, aware na siya na may iba. Mahilig siyang manalamin. Yung kabinet namin de salamin kasi. Araw araw dun daw ang pwesto niya. At araw araw may napapansin siya. Hindi ako na nasa sinapupunan niya kundi ung maliit na ahas sa taas ng salamin. Sa umpisa halos kasing liit lng ito ng posporo pero sa araw araw na napapansin ni mama lumalaki into (malamang). Ng palaki na ng palaki ung ahas, syempre nakakatakot na. Laging pinapatay ni mama. Papaluin, hahampasin para LNG mamatay. Pero ang mas kinakatakot ni mama bumabalik sa dating itsura into ung sukat posporo pa lamang. Araw araw papatayin ni mama, araw araw babalik din ito. Nag general cleaning na sila mama at papa baka may nanganak na ahas. Pero wala silang nahanap. Kaya humingi ng payo si mama sa lolo ko, na noo'y mantatawas. Nakita sa tawas, bata at ahas. Ako at ang ahas. Di maintindihan ni lolo kong anong pinapahiwatig noon. Kong swerte ba o malas. Kaya humingi pa sila ng ibang tulong sa kakilalang manggagamot. Mga albularyo. Ang resulta! Swerte pero may kaakibat na malas. Pd ko siyang maging swerte sa lahat ng bagay2x. Pero wag ko lng siyang papalakihin. Hayaan Kong ganon lng siya kaliit dahil kapag pinalaki ko siya at nakompleto ang anyong ahas siya ako ang papalit bilang siya. Siya n ang tao at ako n ang ahas. Kambal na sakim na maging tao, at kambal na selfish para manatiling tao parin.
Hanggang ngayon 27 na ako nakikita ko parin siya at pinapatay. Naniniwalang may ahas na umaaligid sakin para maisakatuparan na maging tao.
May napatay na naman ako kahapon. Tinago ko siya, pero diko mahagilap Kong saan ko nailagay.
*****