Tungkol po ito sa aking namayapang kaibigan at ang kanyang huling liham sa aming tropa bago niya kitilin ang sariling buhay...
"I was too eager to fix you all that I managed to repair your broken parts with some of my significant pieces as a person. Pasensya na kung umasa akong pupuntahan niyo rin ako sa bahay noong nag absent ako. Ganoon naman kasi 'diba iyong ginagawa natin kapag nag aalala tayo sa isa't-isa? Pasensya na kung umalis ako sa barkada at pinagtulakan ko kayo palayo. I thought I was important that you'll be able to stop me from ditching you all. Akala ko magagawa niyo rin sa akin iyong ginawa niyo kina Patricia at Chloe. Naalala ko, hindi pala ako sila. Sa ating tropa, ako pala iyong display. Walang may pake kung mawala ako. Huwag kayong makonsenya kapag nabalitaan niyo na. Kasalanan ko rin naman kasi. Hindi ako marunong mag open up. Making you guys think that I was doing okay. Hindi niyo 'to kasalanan. Kasalanan ko 'to. Sana pahalagahan niyo na ang bawat isa. Mahal ko kayo. HINDI KO KAYO IIWAN KAHIT NA INIWAN NIYO AKO NG HINDI NIYO NAMAMALAYAN."
Isa lamang iyan sa ilang parte ng liham na ibinigay sa amin ng kapatid ni Julie. Naririto pa rin ang sakit na naidulot ng sulat at ang pagkamatay ng aming kaibigan. Sa aming mag ttropa, ramdam ko naman na may 'buddy-buddy' na nagaganap. May favouritism ang bawat isa. Hindi ko maipagkakaila na kasali ako roon. Mas close ko kasi si Tunying at Everest. Minsan, hindi na'ko nakakapag update sa kanila. Taliwas sa aking isipan na iyon pala ang mararamdaman ni Julie. Noong mabalitaan namin ang pagkawala ng kaibigan ay kanya-kanya kami ng iyakan. May naganap ding sisihan at hindi iyon maiiwasan. Huling araw na ng lamay ni Julie... Alas onse kami ng gabi naka-uwi sa aming mga tahanan upang makapagpahinga para sa mismong libing na gaganapin kinabukasan. Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad kong niready ang puti kong polo at itim na patalon para sa susuotin sa araw ng libing. Nagmumuni-muni ako noon habang nakahiga sa aking kama nang maramdaman ko ang dampi ng isang malamig na kamay sa aking paa. Agad akong napabangon at inobserbahan ang buong kwarto kung may ibang tao pa ba roon bukod sa akin. Ngunit bigo ako nang masuyod ng aking tingin ang bawat sulok ng kwarto. Walang tao. 'Hindi kita... iiwan!' isang mahinang bulong sa aking kaliwang tenga ang nagpatayo sa aking mga balahibo. Si Julie. Kilala ko ang malamig boses na iyon.
"Magpahinga ka na, Julie. Iyan ang gusto mo hindi ba?"
Hagikhik ni Julie ang sumayaw sa aking tainga. Hindi yun ang usual na hagikhik na kanyang ipinapakawala tuwing magkakasama kami. It was terrifying. Tila'y hagikhik mula sa isang taong may masamang binabalak.
"Nabasa niyo ba ang liham ko? Hindi ko kayo iiwan! Makonsensya kayo!"
Nilinga-linga ko kung saan nag mumula ang boses ngunit wala akong maaninag na pigura. It was more like a voice coming from a 3rd person's POV. Sa totoo lang, natakot ako. We were in blame of her death. Bago pa man siya nag bigti, isa-isa niya kaming tinawagan. Dalawang beses niya akong tinawagan noong August 24, 2018 subalit hindi ko nasagot dahil kasama ko ang aking nobya. Lubos kong pinag sisihan iyon. Kung sinagot ko kaya iyon, hindi ba siya tutuloy sa binalak niya? Nag unahang tumulo ang aking mga luha at taimtim na humingi ng tawad kay Julie.
"Hex! Gumising ka!" Binuksan ko ang mamasa-masa kong mata at tumambad sa akin ang nag aalalang si Chloe. Napagtantong kong nasa lamay pa rin kami. "Anong napanaginipan mo?" tanong niya na tila'y may alam kung ano ang isasagot ko. "Si Julie." sagot ko.
"Napanaginipan mo rin?"
Doon ko nalaman na pati si Chloe na nakaidlip din sa oras na iyon ay napanaginipan niya ang pumanaw na kaibigan. Kinabukasan, araw ng libig ni Julie, nag tipon-tipon kaming mag ttropa. Nabanggit ni Everest ang napanaginipan niya kagabi... Si Julie. Sunod ay nag mungkahi rin si Jacob ng kaniyang napanaginipan noong siya'y nakauwi na. Tulad ng panaginip ni Everest ay napanaginipan niya rin si Julie hanggang lahat kami'y umaming napanaginipan ang namayapang kaibigan. Iba-ibang senaryo ngunit isang ang ipinapahiwatig. Ang tungkol sa liham. Matapos ang libing ay napag desisyunan naming sunugin ang liham at nag na putuloy sa kani-kanyang buhay.
Hanggang ngayon, aaminin kong may nararamdaman pa rin akong may nakamasid sa akin. Araw-araw ko ring pinagdarasal na sana'y tuluyang matahimik na ang kululuwa ng kaibigan.
Nawa'y bigyan niyo ng assurance ang bawat kaibigan mo na importante sila sa iyong buhay at masaya kang kasama sila. Huwag nang paabutin sa pag-sisisi. We never know... You might experience what I have experienced. I must say, It was not delightful.
*****