Lola

23 2 0
                                    

Na experience po ito, ng mga tita ko nung nasa hospital pa lang yung lola ko. Una hindi ako naniniwala na umaalis daw yung kaluluwa ng isang tao na comatose na. At yung kaluluwa na nagpapakita pa. Sa totoo lang, hindi pa ako nakakita ng kaluluwa na nagpapakita, pero hinangad ko yun ng mamatay ang lola ko, na sana magpakita siya saken, kahit na matatakutin ako.

Madaling araw, na nun pasadong alas dose ng madaling araw, nandito sila tita at pinsan ko ,sa bahay. Sila mama naman daw yung magbabantay sa lola ko sa hospital. Bumangon sila ng alas dose ng hating gabj, naiihi daw kase yung tita ko, nagpasama siya sa pinsan ko, kay ate carmela. Pag dating daw nila sa may bandanf pintuan ng kusina, nakita daw nila si lola, na naandun sa kusina, madalas kase si lola dun, dahil siya yung nagluluto, at palagi naman talagang nasa kusina yun. Tinawag pa daw nila tita si lola, kasd ang akala nila nakalabas na ng hospital sila lola, pero bigla nalang daw tong nawala, dali dali na lang daw silang pumasok at nahiga.

Nagising ako ng umaga, tiningnan ko yung cellphone ko, ang daming missed call ni mama, alas tres ng madaling araw. Tumayo ako, at tinanong ko si tito, dahil madami ngang tawag saken si mama, wala na daw si lola, alas tres ng madaling araw daw namatay :(

Kinaumagahan din na yun, kwenento rin nila tita at ni ate carmela yung nakita nila, sa kusina ng pasadong alas dose ng umaga, na si lola nga daw yung naandun sa kusina, nakatayo, which is nasa hospital pa nun si lola,dahil alas tres naman ng madaling araw namatay si lola. Pero sabi ni tita, ganun daw talaga yung isang taong mamatay na, nag papakita dahil namamaalam na daw.


Sa araw ng burol ng lola ko, dumating narin yung ibang mga anak, at apo niya. Pero di parin napag uusapan yung libing ni lola dahil wala pa nga daw yung bunsong anak niya, si tita luisa, na nasa albay. Hindi daw kase siya makaalis, dahil nasa hospital din si aizing, yung bunsong anak niya, mataas daw kase yung lagnat. Kaya baka daw hindi siya makapunta.

Pero binawe yun ng tita ko, ewan ko kung bakig, hahabol daw siya sa libing ng lola ko, kinaumagahan dumting na yung tita ko, na iyak ng iyak sa harap ng kabaong ni lola, pag sapit ng tanhalee, inilibing na nun si lola, pag kauwe namin sa bahay. Doon na nagkwento yung tita luisa ko.
Nagpakita daw niya si lola sa hospital habang binabantayn niya yung anak niya, nakatingen lang daw to sa kanya. Kaya napagpasyahan nalang daw niya na humabol sa libing ni lola, baka din daw siguro na gusto nitong puntahan siya dahil si tita luisa nalang din kase yung kulang.



****

AN//
Kayo na po yung bahala kung maniniwala kayo o hindi. Since na na'experience ko mga yan, dahil sa lola ko. Naniniwala na ako sa lahat ng mga nangyayari ay may mga dahilan.

Salamat po ulet! :)

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now