Sundo

37 1 0
                                        

Naniniwala ba kayo sa sundo?
Yung may namatay na anak, kapatid or mahal mo sa buhay na nagpapakita na sayo??? Ako kase, dati hindi ako naniniwala, pero yung nangyari na sa lola ko, naniwala na ako.


Nasa manila pa ako neto. Nag aaral ako ng college, nabalitaan kong namatay na yung kapatid ng papa ko, matagal pa siya sa hospital sa sta.maria bulacan, kasu wala eh, di na daw nakayanan, may sakit kase sa puso yun napakabait pa naman ng tito kong yun.

Lumuwas sila papa, at yung lola ko ng sta.maria bulacan, nasa bicol kase sila eh. Sa sta.maria kase binurol yung tito ko kase dun naman siya nag sstay at andun din yung family niya.

Pumunta naman ako dun sa tito ko para makibalita narin, gusto ko nga rin sana sumama sakanila dun sa sta.maria, eh kasu di ako makapunta, may pasok kase kami noon, bawal rin mag absent.

So yun, yung lola ko daw, ang ginawa sinunog niya yung mga gamit ni tito, yung namatay. Ang masam nga lang sinunog niya yun, eh burol pa ng tito ko, diba nga masama yun. Pasaway din kase minsan yung lola ko.

Nilibing na yung tito ko, kaya umuwe na rin sila papa at lola dito sa bicol.
At ako naman umuwe rin ng wala sa oras. Nagkaproblema kase, kaya tumigil na rin ako sa pag.aaral. Biglaan din kase yung uwe ko. Pagdating ko ng bicol, nagkkwento saken yung lola ko, about dun sa anak niya na namatay, subrang pumayat na daw kase, tapos may picture pa siya na pinakita saken, picture ni tito nung nasa hospital pa siya.

Yung lola ko, nagkkwento na siya dun sa kapatid kong lalaki na sa kanya lumaki, at dun din sa kaibigan ng lola ko na nakikita niya daw si tito sa side mirror. Yung mirror na to. Kagaya ng sa tricycle ba. Noog nasa bulacan kase yung lola ko, madalas daw silang sinisilip ni tito sa side mirror nung nabubuhay pa daw ito.

Nagkkwento na rin yung kaibigan ng lola ko na nakikita nga daw ng lola ko yung tito ko sa salamin, kahit daw saang salamin pa sya tumingin nakikita daw talaga niya. Yung kapatid kong lalaki, ganun na din yung sinasabi samin. Nung nalaman ni papa yun. Pumasok siya sa kwarto ni lolo, para itago yung side mirror na yun, at yung picture ng tito ko, nakadisplay pa kase sa kwarto ng lola ko yun. Kinuha ng papa ko yun, at itinapon..

Sabi ng lola ko, madalas daw niya makita yung tito ko sa panaginip niya, inaabot daw yung kamay niya sa kanya. Yung lola ko din, madalas siya bangungutin, minsan nga gigising siya ng may mga luha sa mata.

At dumating na yung araw na na'stroke yung lola ko, nasa sala siya nun, nakaupo nalalaro yung kapatid kong bunso. At ako naman nasa kusina, magsasaing ako, eh hindi ko makapag gatong nun, dahil hindi nga ako marunong. Tinawag ko yung lola ko.

"Mang! Dae ako makapa amak igdi ang hidap." Salitang bicol. Paulit ulit kong sinabi yun, mapapaos na nga ako eh, sumisigaw na ako nun,. Nagtaka na ako dahil di nga siya sumasagot, eh sa lakas ng sigaw ko, dinig na dinig na yun. Napansin ko din na hindi na gumagalaw yung lola ko at nakayuko lang siya. Nilapitan ko na, nang makalapit na ako, Na'stroke na pala yung lola ko. :(

Dinala namin siya sa hospital nun, at kami na din ni mama yung nag bantay. Grabi ang kulit ng lola ko. Gusto niya tumayo at uuwe na daw siya. Eh ako hawak hawak ko naman yung kamay ng lola ko, mapwersa kase siya. May swero pa naman yung kamay niya, tumataas na nga yung dugo sa swero eh, natatakot din ako,kase baka maputol yung karayum na nakatusok dun.

Malakas pa yung lola,ko nun. Pero di nagtagal, humihina narin siya :(
Dumating yung araw na isang buwan na nung anak niyang namatay, at sa araw na din na yun, namatay yung lola ko. Di rin naglalayo yung time died nila, parehong madaling araw. Siguro nga, sinundo na siya ng tito ko, kaya ganun siguro yung nangyari. :( 



****
AN//
Naiiyak ako habang sinusulat ko yan! Namiss ko lang talaga yung lola ko na yan, kahit na ubod ng daldal. Dati hindi ako naniniwala sa mga ganyan pero nung nasaksihan ko na nga dahil sa lola ko, nag bago paniniwala ko. Nang dahil sa pagkamatay ng lola ko, marami na akong mas pinaniwalaa. Hindi lang po kasi yan yung mga nangyari, meron pa po bukod sa sundo. Up next po!

Salamat po sa pagbabasa!☺



True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now