May Kumatok

8 0 0
                                        


Ikukwento ko na naman yung nangyare saming mag kakapatid siya nagsabi na ishare mo kaya yung nangyare satin nung isang araw kasi pag nagbabasa ako ng horror story gabi gabi ni rerecommend ko sa kanya na basahin yun so imemention ko siya ganun. so ito na, bago ako pumasok sa kwarto e nilagyan ko nalang ng upuan yung pinto kasi di pa nakakauwi yung kakambal ko nandun kasi siya sa bahay ng tropa niya nag mml sila dun so nagbabasa nako ng spookify. bandang 11pm na may kumatok so alam ko sino yun yung kakambal ko sumigaw ako na "bukas yan" pero kumakatok parin siya at nagchat ako sa kakambal ko na "bukas yang pinto" pero offline siya mga 23minutes ganun so tumayo ako at pag bukas ko ng pinto walang tao nun ang dilim pa walang ilaw kasi sa labas ng bahay so lumabas ako tinignan yung daan namin pero walang tao so pumasok ako nun at nakatayo ako sa pintuan kasi sa isip ko ay baka umalis ulit at bumili ng pagkain yung kakambal ko eh pag open ko may reply siya "ha? ano? ngayon palang kami uuwi. pauwi na rin ako" so kinabahan nako loka to matatakutin pa naman ako pag dating sa mga multo kahit panay parin ako kakabasa ng horror story gabi gabi hahaha, at ni lock ko nalang yung pinto at nagbasa ulit hanggang sa kumatok na talaga yung kakambal ko at pinabuksan ko na din siya at kinwento ko sa kanya ano nangyare ayun sabi niya di na raw siya gagala pag siya lang daw isa isasama na daw niya ko hahahaha pag kabukas sinabi narin namin kila mama ang nangyare sabi nila ayan kasi gala gala tagal umuwi ganun ganun. sabi din nila na hindi buksan agad agad pag may kumatok mag tanong muna kung sino yun at pag hindi sumagot wag daw buksan.

*****

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now