Hi call me Makz. Minsan lang ako managinip pero, nakakatakot at staka parang makatotohanan, kada nananaginip ako kinikwento ko agad sa parents ko kahit dipa ako nagtotoothbrush, Una kong napanaginipan ay naglalakad ako then may yumakap saking lalaki, nagulat ako kasi hindi ko naman sya kilala then nasabi ko nalang na "Anong problema no'n?" Nagising ako mag aalastres na ng madaling araw, inignore ko nalang kasi panaginip lang naman then Another day, Napanaginipan ko nanaman yun, eksaktong lugar. Pero dalawang lalaki naman ang yumakap sakin then nagtaka nanaman ako staka biglang kinabahan. Sabi nang lola ko,mag-ingat daw ako at wag sumama sa di kilala,Ayon matagal-tagal din bago, ibang dream naman, Pulubi,pulubi na nag-iikot sa mga bahay-bahay para mamalimos,ang pagkakaalala ko,Ang creepy ng itsura nya, May puti-puti sya sa mukha hanggang kamay,mahaba palda staka blonde ang buhok na messy,Itim-itim yung mata nya,yung first time nyang mamalimos sa bahay binigyan sya ni mama, Tapos ayon ibang araw at ibang place namnan,dumating yung araw na hindi na namin sya binibigyan at nang ibang tao dahil paulit-ulit syang namamalimos samin,One time sa panaginip ko nakasalubong namin sya ni mama then sabi ni mama"Ayan nanaman"tapos tumakbo kami and then hinabol kami nung Pulubi na matanda,Nagising nanaman ako ng 3:00 am that time, at kinwento ko yun kay mama, buti walang pulubi na pumupunta dito sa bahay namin baka mangkukulam yun eh,
Ewan pero,masayahin akong tao,paladasalin naman ako,staka,mabait ako anak, Hanggang sa dumating yung time na classmate ko naman ang laman ng panaginip ko,
Gumigising daw siya nang 3:00 am para magreview,kasi strict parentz nya, ako naman nagtaka kasi grabe naman kawawa naman yung classmate ko. Eh that time sa panaginip ko nagising ako ng 3:00 am tapos sinabi ko yun sa kanya,sabi naman nya tuwing gigising sya ng 3:00 am may sinasabi syang word para layuan ng evil edi Sinabi ko naman yun pero, Nagsitaasan yung balahibo,feel ko na kahit tulog ako at panaginip yun yung mismo balahibo ko talaga yung tumayo at hindi panaginip yo'n then ayon sabi nya, talaga daw gumigising sya ng 3:00 am para mag-aral, so sana walang Meaning yon, Ayoko nang managinip.*****