UNDERGROUND APARTMENT

8 0 0
                                        

Nung bata pa ako, madalas kaming palipat lipat ng apartment. Di ko alam kila Mama at Papa kung bakit trip nilang magpalipat lipat from San Pedro to Leyte, Manila to San Pedro nanaman and so on.. Basta patransfer transfer ako ng school so nakakapagod sa part ko and at the same time nakaka'sad kapag iniiwan ko mga kaibigan ko sa dating school.
Pero hndi tungkol dyan ang kwento ko, kundi sa isang paupahan na natirhan din namin dahil sa kakalipat. I forgot the year kung kelan nangyari but I was first year High School then.

Napagdesisyunan ng Papa ko na doon kami umupa dahil ang meatshop na pinagttrabahuan nya ay nasa tabi lang mismo non. Nasa iisang compound lang ito, nasa loob ng compound ang bahay while nsa gilid mismo ng kalsada ang meatshop. Yung bahay medyo may kalumaan na, dalawang matandang mag asawa ang may ari. Mga nasa 70s na ang edad nila. Creepy ang bahay dhil underground talaga yun nung bahay nung may ari. Parang inimprovised lang yun na gawing paupahan. Kahit araw nakabukas lagi mga ilaw namin sa bahay dahil madilim pag nkaoff. May isang malaking kwarto, ito, dlwang CR ( ang isa may shower ) may laundry area at maluwag na kusina. May mga gamit din katulad ng antique na dining table na bilog at ang kintab ng kahoy tapos umiikot ang center table. Tapos may isang aparador na antique rin sa kwarto. May sofa sa sala. May TV na may cable at maari daw namin gamitin yun ng libre. Tuwang tuwa kami ng mga kapatid ko dahil may shower at cable kaya mas pinush pa namin sila Papa na okay ang bahay na yun para samin. Sa loob loob ko, "yes! Wantusawa ako neto sa Disney Channel hahah"

Wala akong naramdaman na kakaiba sa bahay na yun, siguro dhil hndi naman tlaga bukas ang third eye ko , bukod sa madilim lang pero keri na lalo pa at libre rin namin magagamit ang mga gamit na nakalagay doon. Ingatan lang daw namin ito sabi ni Nanay.

So every Friday night, nakakapagpuyat ako dhil walang pasok kinabukasan. Nagbababad kami manuod ng dlwa kong nkababatang kapatid sa Disney Channel at cartoon network nang mga palabas. Inaabot kami ng 1am kakapanuod, basta pag wala ng magustuhan, lipat nman sa ibang channel.

One time, tutok kmi sa TV nkapatay na ilaw sa sala, sa kusina lang bukas, pinangmamagdamag kasi yon nang may marinig kami na pagbukas ng shower sa kabilang CR. Nagkatinginan kami ni Jhelo.

"Ban? Wow ha madaling araw na magsshower ka pa!" Tawag ko sa kapatid kong isa. Inaantay naming sumagot ito mula sa CR. Pero walang nasagot. Tumayo ako at sumilip sa kwarto, nakita ko magkakatabi na nakahiga sa kama sila Mama at Papa, ang bunso nmin that time na si Jhiuel at si Ban Ban. Sinenyasan ko si Jhelo na, nasa kwarto pala si Ban Ban, sabay tingin sa direksyon ng CR, bukas pa rin ang shower. Naunawaan ng kapatid ko ang mga tingin ko kaya halos magkandarapa syang tumakbo sa pinto ng kwarto at halos magtulakan kami papasok. Nagising si Papa sa kalampag namin, at nang sinabi nmin ang dahilan, nahampas lang tuloy kami ng bolster. Pinatay nya ang shower at ang naiwang TV na bukas sa sala , nasermunan at nkatikim pa tuloy kami bago matulog.

Ikalawang pangyayari naman, hapon. Umuulan non. Nanonood ako ng TV mag isa. Kagagaling ko lang sa school. Nasa meatshop si Papa habang nasa trabaho pa si Mama. Ang tatlo ko namang kapatid na lalaki ay nakauwi na rin galing school (elem) at ang alam ko ay nasa meatshop sila. Ang lakas ng ulan sa labas. Pag silip ko sa bintana, hindi naman naliligo mga kapatid ko sa ulan. Binalik ko tingin ko sa TV. Maya maya after 15 mins. ay bumukas ang main door at naglakad ang kapatid ko na si Ban Ban papuntang kwarto. Basang basa ito ng ulan. Sa tingin ko naligo ito sa ulanan pero nung pagsilip ko wala naman siya kanina.

"Oy Ban, punasan mo yang sahig mamaya ah. Nagkalat ka na ng basa dyan. Yari ka kay Mama pag uwi non pag naabutan yan."
Di siya sumagot, dere-derecho lang siyang naglakad papuntang kwarto. Di na lang ako umimik dahil nakakakilig na ang eksena sa palabas na pinapanuod ko.
Napansin ko ang ilang minutong nkalipas di pa lumalabas ng kwarto ang kapatid ko. Halos 30 minutes na. Kaya tinawag ko ito ulit.
Pero walang sumasagot. Inulit ko. Wala pa rin. Iniisip ko ano kaya ginagawa nun sa loob? Baka gumagawa ng kababalaghan haha. Dahan dahan ako sumilip para gulatin sana siya. Pero ako pala ang magugulat. Wala ni anino ng kapatid ko. Bawat sulok tinignan ko. Wala. Nandon pa rin ang bakas ng basang sahig buhat sa kanya. Imposibleng lumabas yon dhil walang bintana ang kwarto. Sinipat ko ang bakas ng paa na papuntang aparador na antique. Pero ang pinagtataka ko, paano papasok yun doon? Kesa alamin ko pa ay dali dali na lang akong tumakbo palabas ng bahay papuntang meatshop. Kesehodang naiwan na namang bukas ang TV. Bahala yun don.

Sa part na yun, bukas na ba third eye ko? Kasi nakakita ako eh. Doppleganger yun di ba? Pero kung bukas third eye ko that time, bakit ngayon sarado na ulit? Hindi ako pakitain tlaga siguro. Nakakaramdam lang ako minsan, ganun. Pero seen by naked eyes? Yun lang ata ang time na nakakita ako. Mabuti nga hndi humarap sakin yon. Nkatalikod lang kaya I really thought is kapatid ko tlaga.


*****

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now