Dati kasi may bulong bulongan na yung kabilang baranggay samin may aswang, tinutukoy nila yung bahay na may videokihan ang may ari ng bahay na yun ay yung babaeng matanda na.
Minsan pumupunta dun yung ante ko kasi kaibigan niya yung matanda, di naman kasi siya naniniwala na aswang yung matanda!
Hanggang sa aumapit ang hapon na, tapos biglang umulan. Nakisilong muna yung ante ko dun sa bhay ng matanda!
Bigla namang inalok yung ante ko ng kape at kanin na ulam ay bagoong, di naman tumanggi yung ante ko kasi di siya nakapag tanghalian nun. Kaya kinain niya yung ibinigay ng matanda, di niya alam may inilagay pala ang mtanda sa pagkain niya.
Di pala kape yung ininom niya, tiaka yung kanin mtagal ng panis at yung ulam, maraming uod. May ginawa kasi yung matanda sa ante ko para di tumingin sa kinakain niya, lagi lang nakatingin yung ante ko sa matanda habang kumakain. Kinukuha yung atensyon ng ante ko, para di makatingin sa pagkain niya.
Hanggang sa pagkauwi daw ng ante ko, nag suka, nagtaka naman yung pamilya niya. Tapos biglang namutla at naging pula yung mata niya hanggang sa nawalan ng malay yung ante ko. Dumaan ang ilang araw parang kakaiba daw yung kinikilos ng ante ko, tuwing gabi laging nakaharap yung ante ko sa bintana parang may kinakausap tiaka lagi niyang kinukuskus yung kuko niya sa dingding ng bahay, hanggang sa isang gabi nun nagising yung pinsan ko mga 12pm na, nakatalikod sa kanya yung ante ko para daw may kinakain, tapos may biglang pusa na nahulog sa malapit sa paanan niya tapos tumawa yung ante ko, nagulat yung pinsan ko kaya napasigaw siya, tiningnan naman niya yung uncle ko na biglang nagising dahil sa sigaw ng ante ko, tapos pag tingin ng pinsan ko sa mama niya natutulog na dw ito ng mahimbing, nagtaka siya kaya kina'umagahan nun sinabi niya sa uncle ko tungkol sa nangyari ng gabi na yun.
Pinatingnan nila yung ante ko sa bisayang manggagamot, ang sabi pinakain daw siya ng mga pagkain ng aswang para daw maging isa sa knila yung ante ko, kapag daw kumain ng manok yung ante ko dun na daw siya magiging aswang kasi daw pakpak nalang kulang para maging aswang na at makalipad!
Buti nalang di nakakain ng pakpak ng manok yung ante ko, kung nagkataon daw isa na sa mga aswang yung ante ko.
Pinagamot nila yung ante ko, nagsuka ng patay na daga yung ante ko dahil sa gamot na pinainom sa kanya.
Kaya ayon ilang araw ding di kumain ng pagkain na may pakpak yung ante ko gaya ng manok, hanggang sa gumaling na sya.
Kumalat yung balita tungkol sa ante ko kaya natatakot yung mga tao na dumaan sa bahay nung matanda, wala naring nag vivideoke sa bahay nung matanda, hanggang sa dumaan yung ilang buwan, namatay yung matanda. Ang sabi sabi dahil daw nasabit ito sa poste ng kuryente habang lumilipad, kasi kina'umagahan daw nun may malaking itim na langgam na patay sa poste, sabi nila yun daw yung mtanda. Sabi naman ng pamilya nung matanda dahil daw sa sakit.
Wala namang naniwala sa pamilya nung mtanda, kaya kahit ni isa sa mga kapitbahay nila walang nakiramay dahil natatakot na baka sila yung sumunod na biktimahin kahit na dw patay na ito, baka isa sa mga pamilya yung pinasahan. Kasi daw yung mga aswang bago daw sila mamatay pinapasa dw nila sa isa sa pamilya nila yung isang maliit na bote na may laman, iwan ko kung ano yun basta yun daw yung pamana nila sa pamilya nila para maging aswang din daw. Kung ano ano pa yung kumalat na balita sa baranggay De Oro tungkol sa mga aswang, meron pa nga daw na isang lasing na kinagat ng malaking aso na kulay itim.
****
