Isa akong Tricycle Driver dito sa Caloocan.
Paminsan lang bukas third eye ko pero
napaglalaruan ako palagi.
May bantay din ako pero di ko gusto yung way ng pag paparamdam nya saka ko nalang ikukuwento yung about sakanya dito muna tayo sa naging experience ko.Night shift ako sa isang Tricycle dahil hindi lang naman ako ang driver netong tricy.
Sa tagal kong naging Tricy driver wala naman ako nakikita na kababalaghan nangyayari puro holdapan lang pero netong 2am nakaraang araw,
May nagpahatid saking matandang babae na ihatid ko daw sya sa may Ma. Luisa.
Alam ko yung lugar na pinapahatiran ni Lola, para mapabilis sa kaliwa ako dumaan usually sa kanan kaso pag sa kanan kasi matagal iikot pa kaya sa kaliwa nalang para isang ratsada lang.
Dumaan kami sa may Lumang bahay at may Puno ng Sampaloc na malaki. Pag lagpas nun bahay na ni Lola. Nag bayad si Lola sakin at Nagtanong
"Boy san ka dadaan pauwi?" Lola
"Dito parin po sa dinaanan natin Lola" Ako
"Dito ka nalang sa kanan." Lola
"Malayo po, iikot pa po ko baka mabagansya pa po ko." Ako
"Bahala ka Boy" Lola.Pumasok na nun si Lola, lumiko na ko para pabalik sa pila ng tricy, nakalagpas na ko ng Lumang bahay ng may narinig akong Sumitsit.
"Pssst Pssst"
Unang Sitsit hindi ako lumingon sabi kasi ng
Lola Fely ko wag lilingon pag sinitsitan ka dahil
baka Demonyo daw yun.
Pangalawa "Psst Psst" di ko parin pinansin, Mabagal din takbo ng tricy ko dahil malubak ang daan.
Nakarinig nako ng palakpak sabay Sitsit, napasabi akong "Uyy pasaherooo"Balik naman agad ako pero pag balik ko wala naman tao dumiretso pa ko hanggang sa harap ng Puno ng Sampaloc wala talagang tao.
Edi bumalik nako palabas ng Village.
Biglang may narinig na naman akong "Pssst Psst".
Hindi yun malayo pakiramdam ko nasa loob lang ng Tricy, hindi ako sumilip natatakot ako nilalamig narin ako. Hinayaan ko nalang.Pangalawang "Psst pssst" na naman pero ramdam ko naka back ride na sakin rinig ko malapit sakin, Hindi ko tinignan sa side mirror diretso lang ako dahil baka pag nakita at natakot ako mapahamak pa ako.
Pangatlong "Psst psst" ang lalim at napamura na talaga ako dahil nasa tenga ko na, ramdam ko yung lamig at hangin ng hinga.
Inantay kong makalapit sa may ilaw sa may poste para doon ako hihinto at bababa.
Biglang namatay ilaw ng tricy ko, Hindi ko na gusto ang nangyayari sakin pero diniretso ko parin
nakikita ko pa naman ang daan.
Hanggang malapit na ako sa labasan,
hininto ko na at bumaba ako.
Nakipag usap ako sa kung anuman ang
sumakay sa tricy ko.
"kaibigan, bumaba ka na naghahanap buhay ako sinakay na nga kita pero pinapahamak mo ko, sige na kaibigan bumaba kana."Pagkatapos nyan narinig ko may bumaba ng tricy ko mula loob at nakita ko din yung motor gumalaw na parang may bumaba na tao pero wala talagang tao. Sumakay ako at pinaandar na ang tricy ko bumaba nako ng palabas ng village at lumingon, nakita ko isang babaeng puti at puti din na lalaki pero nakalutang ang mga paa. Nanlamig ako sa nakita ko kasi hindi na ko nakakakita ng ganun, ngayon nalang ulit. Kinuwento ko sa mga ka-toda ko at confirm nga may kung anong nakatira sa Lugar na yun kaya pala ang iba sa ka-toda ko hindi na nag-hahatid sa Ma. Luisa pag gabi. At kung maghatid man di bale ng malayo ang ikutin
wag lang sa kaliwa.
Marami ng paramdam ang nangyari doon,
may babaeng dumaan at hinihila ang buhok nya pero di naman makita kung sino humihila.
May batang nakaluhod pero walang mukha.*****