BABAE

6 0 0
                                        

This just happened very recently lang in my workplace. Here's how it goes:

I work in a call center company. Hindi ko na sasabihin saan pero yung company namin, less than 30 katao lang ang empleyado. Hindi sya start-up, established na sya internationally, it's just that maliit lang ang office dito sa atin sa Pilipinas. Graveyard shift ako (after years of working in this industry, first time kong mag graveyard). Ewan ko kung bakit ako inaantok ng sobra ng araw na gayong sakto naman ang pahinga ko before ako pumasok, at naka adjust naman na ako sa ganitong schedule. Since hindi ko macontrol yung antok, I decided to take a quick nap (mga 30mins lang). I went in the lounge (small lounge kasi maliit lang din yung office tapos sa sahig ka lang nahiga), set the alarm to 2 in the morning at natulog. Few minutes later, nakatulog ako. Bigla-bigla namalayan ko nalang na hindi ko makagalaw pero may naririnig akong ingay sa labas (mas maraming naka duty pag gabi, lalo na pag weekdays). I tried screaming for help, twice. It was like hindi nila ako marinig. I tried praying pero parang mali-mali yung pagbigkas ko ng Ama Namin. Lage akong nagsiskip ng line, good thing nagising ako. Sabi ko ""Bangungot"". Bumangon ako at lumabas ng lounge. Paglabas ko, nakita kong nagkumpulan sa isang sulok ng office yung mga kasamahan ko tapos ang liwanag ng buong paligid, andami din tao. May nakita akong matanda sa kabilang side ng office tapos sabi ko ""Sino yung dalawang matanda (babae at lalaki)?"" Walang sumagot sa akin kasi panay chika yung mga kasamahan ko kaya pinilit ko nalang dumaan sa gitna ng kumpulan nila para dun nalang matulog sa station ko, pero pagdating ko sa gitna, sabi ko ulit ""Bat kaba nakaharang sa daan?"" anya ko sa isang kasamahan kong bakla. Hindi sya sumagot. Dun ako nagising. Sabi ko ""parang totoo"". Nag time check ako. Past 1:30am na. Sabi ko may time pa ko matulog ulit. Humiga ulit ako. But before I proceed, describe ko yung looban ng lounge ha:

Rectangle sya in form. Isa lang ang daan papasok, sliding door tapos may metal shelf sa loob katapat ng sliding door. Left side nun is ang fire exit, sa right side may karton, banig kung san kami hihiga, sa dulo may step ladder, maliit na griller, at isa pang malaking karton (rice cooker yata laman nun).

Going back, nahiga ako ulit. Nakatulog naman ako agad pero maya-maya, may naramdaman akong pumasok sa loob (naka heels, skinny jeans, white inner na fringey blouse, tapos military green blazer na may collar. Oo, nakita ko suot nya at ayaw mawala nun sa isip ko) tapos inakala kong yung trainer sa office namin yung pumasok. Dumaan sya sa gilid ko papunta dun sa pinto malapit sa step ladder (note: wala talagang pinto dun in reality, nasa kabila katabi ng metal shelf, kaya I find it weird). Ako naman na nagising nagcheck ng phone kasi nagreply daw sa tweet ko yung celebrity crush ko ng ""It's a thing for couples"", kinikilig pa ako habang binabasa ko yun. Tapos narinig ko biglang humagulhol yung trainer (babae sya) sa likod ko. Tiningnan ko sya (dun ko nakita yung suot nya), tinanong ko ""bat ka umiiyak?"" I stared at her for good one minute, pilit kong inaaninag yung mukha nya kasi nga madilim. TANGINA. WALA SYANG ULO! Dun na ako nagising talaga, kako ""panaginip lang"". Dahil dun, kinabahan na akong matulog ulit dun sa lounge kaya lumabas na ako at sa station ko nalang natulog.





*****

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now