Hanggang sa huli

11 0 0
                                    



March 2012 po ng magkaroon ako ng unang seryosong relasyon. Tawagin na lang po natin siya sa pangalan na Dane. Isa po siyang gangster at siya ang founder ng chapter nila. Mabait po siya, mapagmahal, maalaga at napaka protective po niya sa akin. Reyna kung ituring niya ako. Mahal na mahal po namin ang isat isa at sobrang masaya kami nung mga panahon na iyon kahit madalas ay magaway kami dahil sa pagiging seloso niya. Pero bago po kami mag-isang taon ay may nangyaring hindi maganda. Ito ang naging dahilan upang hiwalayan ko siya. Ayaw niya po talagang maghiwalay kami pero sobra po akong nasaktan. Kaya kahit mahal ko pa siya ay hindi na ako nakipagbalikan pa. Sakto naman din na kailangan namin umuwi ng probinsya para doon na manirahan muli. Kahit nasa probinsya na ako ay patuloy pa din siya sa pagsuyo sa akin. Lumipas ang mga taon at nakilala ko si Rye. Naging magkaibigan po kaming dalawa hanggang sa nagkagusto kami sa isat isa at naging magkasintahan. Masaya kami at kuntento sa buhay namin dalawa. Matagal na din po akong hindi nakikipagusap kay Dane noon. Hanggang sa isang araw ay pumunta siya sa bahay namin sa probinsya. Nagmamakaawa siya na bumalik ako sknya kahit maging pangalawa ko daw po siya ay okay lang basta maging kami ulit dahil hindi niya talaga ako magawang kalimutan at mahal na mahal pa din daw po niya ako. Hindi ako pumayag dahil una sa lahat ay mahal na mahal ko po si Rye. Hindi din po tama na gawin ko siyang pangalawa dahil unfair sa lahat ang gusto niya. Wala na din po akong nararamdaman sakanya. Hindi niya po iyon matanggap pero ang sabi ko ay kung hindi niya rerespetuhin ang desisyon ko ay huwag na kaming magusap pa. Umuwi siya ng Maynila ng hindi kami nagkaka-ayos. Kahit anong text or tawag niya ay hindi ko pinapansin. Hanggang sa January 1, 2016 ay nagmessage po siya sa akin na ngsosorry at tatanggapin na lang daw po niya ang desisyon ko kahit masakit. Nung panahon na iyon ay nagka-ayos kaming dalawa. Napagusapan namin ang darating kong kaarawan sa susunod na buwan at sobrang excited po siya. Sabi niya ay uuwi siya ng probinsya at tinatanong niya kung anong regalo ang gusto ko. Sabi ko naman ay hindi na kailangan ng regalo. Ang sabi niya ay hindi daw po pwede iyon. January 18 ng parehong taon, lunes po iyon. Umuwi ako galing school at sobrang pagod. Ngunit kahit anong pagod ko ay hindi ako dalawin ng antok. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nung gabing iyon. Pagod na pagod ako at hinang hina pero hindi ako inaantok. Nanuod na lamang ako ng tv habang katext ko ang boyfriend ko at mga kaibigan. Pero habang gising ako ay pumasok sa isip ko ang ex ko na si Dane. Kadalasan ay nagtetext iyon sa akin para tanungin kung kamusta na ba ako, kumain na ba ako at kung ano ano pa. Pero ng araw na iyon ay wala siyang text ni isa. Alas kwatro na ng umaga ng dalawin ako ng antok. Paggising ko ng 9 ng umaga ay nakita kong may mensahe si Dane. Ang sabi niya ay ""I love you Yuki"". Hi ko iyon pinansin. Kinagabihan, nakatanggap ako ng isang group message galing sa kaibigan namin ni Dane. Ang laman ng mensahe ay ipagdasal namin ang paggaling ni Dane. Nagreply ako sknya at tnanong kung ano ang nangyre. Ang sabi niya ay naaksidente daw po ito kagabi habang pauwi skanila. Nabangga daw po ito ng nagkakarerang bus at tumama sa poste. Agad ko pong naalala yung text nya na nabsa ko kaninag umaga paggising ko. Chneck ko po ang oras at ang nkalgay ay 11:45 pm ng January 18. Nagtaka po ako sa oras ng text nya pero naisp ko n lng na bka late message or baka hndi ko napansin kgbe yung text nya. Nireplyan ko po ang kaibigan ko at sinabing impossible yun dhl ngtxt pa sya skn at bad joke yun kung joke man. Tnext ko po ang mama ni Dane. Close kami ng family niya. Kaya madalas ay magkatext kami ng family niya lalo ang mama niya. Nang sumagot ang mama niya sa message ko ay nanlamig ang buo kong katawan. Kinumpirma nito na naaksidente nga si Dane kagabi at nasa hospital sila ngayon. Tumawag ako para kamustahin si Dane. Niloud speaker nila ako at pinarinig ang boses ko kay Dane. Sabi ko ay dadalawin ko siya sa Friday at magpagaling siya kagad. Ang sabi nila, nung marinig daw ni Dane ang boses ko ay gumalaw daw ito at para bang gusto akong sagutin. Sabi pa nila ay okay naman daw ito. Nagpaalam na ako dahil maaga pa ang klase ko kinabukasan. Sabi ko sknila ay iupdate n lng ako sa kalagayan ni Dane. Miyerkules ay napagpasyahan ng mga kaibigan ko na sa bahay matulog para daw sabay sabay kami sa pagpasok kinabukasan. Nagmovie marathon kami at naginuman. Nkwento ko din sknila na naaksidente si Dane. Hindi ko alam kung bakit palagi kong sinasabi sakanila na hindi ko kayang tanggapin kung mawawala siya dahil para ko na din siyang bestfriend. Hanggang sa kinabukasan, January 21, maaga akong nagising mga 6 ng umaga. Hindi ako naglilinis ng bahay namin dahil may taga linis kami pero nung araw na yun ay naisipan kong maglinis ng bahay at nagplantsa ako ng damit ko. Sabi ng mga kaibigan ko ay himala daw at ginawa ko yung mga yun. Magaan din ang pakiramdam ko nun hanggang sa pumasok na kmi sa school. First subject namin ng araw na yun ay psychology. Mgka good kmi ng prof ko dun kya kdlasan ay nglolokohan kming dlawa sa subject nya pero nung araw na yun ay nkatulala lang ako at nkatingn sa labas ng room namin. 10 ang tapos ng klase nmn sknya pero pagdatng ng 9:45 nhirapan akong huminga, nahihilo at pinagpapawisan ako ng malamig. Naisip ko na hangover lang yun. Pagkatapos ng klase namin ay umayos na ang pakiramdam ko. Kumain kami sa madalas namin kinakainan. Inorder ko ang paborito kong ulam, adobo. Masigla akong kumain kasi maayos na pakiramdam ko. 1pm ang sunod naming subject. Nung papunta kmi sa room ay nagsimula na nmn sumama ang pakiramdam ko hanggang sa pagpatak ng 1:30pm ay nahihilo na naman ako, nahihirapan huminga at nasusuka. Pumunta ako sa cr kasama ang kaibigan ko para sumuka. Pinagpapawisan na din ako ng malamig nun at the same time para na akong nilalagnat. Pinagpasyahan kong magpaalam na lang sa prof ko at umuwi sa bahay. Malapt lang nmn ang bhay nmn sa school ko. Paguwi ko ay pumunta kaagad ako sa kwarto ko. Pagka hubad ko ng sapatos ko ay nahiga agad ako sa kama at nagkumot ng makapal para matulog. Pagka gising ko ng 6 ng gabi ay mataas na ang lagnat ko. Bigla akong npatingn sa bintana dahil napansin kong nagsway ito at parang may puting pigura sa bintana. Nagtaka ako dahil sarado lahat ng pinto at bintana. Kahit electric fan or aircon ay nka off. Biglang umilaw yung cellphone ko dahil may nagtext. Nagulat ako dahil 50+ ang messages galing sa mga kaibigan ko at boyfriend ko. Napansin ko na sunod sunod ang messages ng mga kaibigan namin ni Dane. Hindi ko alam bakit kinabahan ako bigla. Una kong binasa ay ang message ni Angel. Friend namin siya ni Dane. Sabi niya ay okay lang daw ba ako. Nagtaka ako sa text niya. Buong araw ay hindi ko nagamit ang phone ko dahil masama ang pakiramdam ko. Inopen ko ang una niyang message, pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig. Nklagay sa text niya ay patay na daw si Dane. Ayokong maniwala. Ngreply ako ng t***ina namn! Bad joke yan! After ng ilang minuto ay ngreply siya at sinabing totoo daw na wala na si Dane. Wala na akong ngawa kundi ang umiyak ng umiyak. Pumasok ang kapatid ko at katulong namin sa room ko para tignan ako dahil nalaman nilang may sakit ako. Nagtext kasi yung kaibigan ko sa kapatid ko. Pagpsok nila ay bigla nilang sinabi na bakit daw amoy bulaklak at kandila. Nagulat pa sila ng makita ako na umiiyak. Tinanong kgad nila ako bakit ako umiiyak, knwnto ko na nmaty na si Dane. Nagpasya kaming pumunta kagad sa burol niya kahit kay sakit pa ako nun. Pagdating ko sa burol niya ay hindi ko magawang lumapit sa kanya. Hinawakan ako ng Mama niya at kinausap. Sinabi niya sa akin na sigurado daw matutuwa si Dane kasi andun na ako. Hinila niya ako palapit kay Dane. Pagkakita ko sa mukha niya ay naiyak ako ng sobra dahil hindi ko siya nakilala. Hindi ako mkapaniwala na wala na talaga siya. Nang maging maayos ako ay kinamusta ako ng mga kaibigan namin. Napansin kasi nilang namumutla ako at parang may sakit. Knwnto ko yung mga nangyre sa akin noong mga nkaraang araw pati na din yung text sa akin ni Dane noong lunes ng gabi ay pinakita ko skanila. Habang knkwnto ko yun ay knkilabutan sila at natatakot. Ang sabi nila ay noong Lunes, January 18, nasa bahay sila ng isa niyang kaibigan. Ang saya saya daw ni Dane kasi nakabili na daw ito ng bagong damit para sa kaarawan ko. Puro daw ito kwento tungkol sa akin at kung gaano siya kaexcited para sa kaarawan ko. Tanong nga daw ito ng tanong kung ano bang mas magandang ibigay na regalo. Gusto daw kasi nito na sobrang special ng regalo niya sa akin. 11:30 na daw ng gabi ng magpaalam ito na uuwi na. Ang sabi daw ng mga kaibigan niya ay magpaumaga na. Ang sagot naman daw ni Dane ay hindi pwede. Maaga pa daw kasi siya bukas para maghanap ng ireregalo sa akin. Bago daw ito umalis ay nagsabi ito na, ""Kayo ng bahala kay Yuki. Huwag niyo siyang pababayaan. Mahal na mahal ko talaga si Yuki. Kahit hanggang sa kabilang buhay ay gusto ko sa akin lang siya. Kung may mangyari man sa akin ay huwag niyo siyang pagaalalahanin. Ayokong nakikita siyang umiiyak."" Pagkatpos daw sabihin iyon ay umalis daw bigla ito ng nakasakay sa motor niya. Pasado alas dose na ng hatinggabi ng nakatanggap ng tawag ang mga kaibigan niya at sinabing naaksidente ito at nasa hospital. Pagdating nila sa hospital ay hinanap kagad nila si Dane. Nang makita daw nila ito ay nanghina daw sila at hindi alam kung ano ang gagawin dahil nahati daw ang paa nito, bali ang balakang at balikat. Kahit ang mukha niya ay grabe din ang pinsala. Ang sabi daw ng mga nurse ay 11:45pm daw ng sinugod siya sa hospital. Ako daw dapat ang unang tatawagan ng mga nurse para sabihin na naaksidente siya pero hindi daw ako makontak. Ako daw kasi ang last na nasa call log niya at ang nakalgay daw na pangalan ay ""Asawa ko"". Yan po kasi ang tawag niya sa akin noong kami pa. Nang sinubukan daw akong tawagan ng mga kaibigan namin ay ganon din daw. Hindi daw ako mkontak. Nagtext daw sila sa akin nung gabi ding yun pero wala akong ntanggap. Kwento pa nila ay 50/50 na daw si Dane pero hindi nila masabi sa akin dahil naalala nila yung huling mga salita ni Dane na kung may mangyayari sknya ay ayaw niyang magalala ako dahil ayaw niyang nkikitang umiiyak ako. Npgalamanan ko din na nung January 21, 9:45 daw ng umaga ay naghingalo na daw bigla si Dane. Narevive lang daw ito ng mga pasadong alas diyes ng umaga. Pero ng mag 1:00 pm daw ay nagsimula na nmn siyang maghabol ng hininga. Nilagnat na din daw ito ng mataas at ng eksaktong 1:45 pm ay bumigay na daw ito ng tuluyan. Habang knkwnto nila ito sa akin ay naaalala ko yung nangyre sa akin noong mga nakaraang araw. Hindi ko magawang hindi matakot pero mas nangibabaw sa akin ang sakit ng pagkawala niya. Nagsimula din dito ang mga weird at nakaktakot kong panaginip.





*****

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now