Elementary days. Ako yung tipo ng estudyante na tahimik. kundi ngiti, tango at iling lang ang makukuha mong tugon mula sa'kin kaya siguro wala na rin nagtangkang makipagkaibigan sa'kin nun. Only child lang kase ako eh, si mama at papa naman naghiwalay since 4 months old palang daw ako pero nakay papa akong side. Si mama naman never ko pang na meet. Super ilag talaga ako sa mga skulmate ko nung mga panahong yun. Not until makilala ko si Nilo.
Grade 4 ako nun, bandang alas tres ng hapon habang hinihintay ko si papa na sunduin ako dahil maaga kaming pinauwi ay napag isipan kong dalawin yung mga alaga kong langgam sa mini garden sa likod ng building ng room namin w/c is pinakadulo kumbaga pag umakyat ka ng bakod eh gubat na. Tuwang tuwa ako nun kase nga sila lang yung kinakausap ko sa school na yun kahit alam kong hindi sila sasagot. Ayun nga habang pinagmamasdan ko sila na tinatanggay nila yung nilapag kong pinira pirasong sandwich sa kanilang 12-15 inches na bahay na parang maliit na bundok ay may narinig akong boses mula sa likuran ko.
"Ang sarap nilang panoorin no?" ngumiti at tumango lamang ako bilang tugon habang nakatingin pa rin sa mga alaga ko.
"Mahilig din ako sa mga langgam, kaya nga inaalagaan ko yang mga yan eh" at dahil sa sinabi nya ay parang feeling ko inagaw nya sakin yung mga alaga ko at sinabi kong
"Hi-hindi kaya, ako kaya ang may ari sa mga to!" At nung nilingon ko sya para makita ang itsura ng batang kausap ko ay unti unting nawala ang kunot sa mga noo ko na napalitan ng ngiti nang sabihin nyang
"Edi hati tayo parehas natin palakihin sila!" Aniya ng batang mas matangkad sakin ng konti na naka uniform din ng tulad ng akin pero mas kupas na yung uniporme nya. Ewan ko ba pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
"ako nga pala si Nilo, anong pangalan mo?"
"A-ahh, frank" nahihiya kong tugon dahil hindi ako sanay magpakilala sa ibang tao. At ayun nga nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan about sa amin. Grade 5 na si nilo, kulay brown yung mata, Mapupungay na mata. Mestisuhin pero purong pinoy daw sya. Yung room nila eh nasa kabilang building kase hiwalay yung building ng grade 5 at 6 sa 1-4. Hanggang sa napunta kami sa playground nun sa tapat ng building nila. May mangilan ngilan pang estudyante nung mga oras nun at pasado alas kwatro narin nun kaya anumang oras alam kong darating na rin si papa. Nagduduyan lang ako nun habang tinutulak ni nilo yung duyan ko. Tapos tawa lang kami ng tawa kaya pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Hanggang sa natatanaw ko na si papa di kalayuan papalapit samin. Kaya bumaba ako sa duyan at tumakbo para salabungin si papa.
"How was your day baby, 1st time kita nakitang naglaro sa playground ah"
"Ok naman po. Pa nga pala ipapakilala kita sa 1st ever friend ko po" sabay hila kay papa palapit sa play ground. Nagpalinga linga ako ng tingin upang hanapin si Nilo pero di ko na sya nakita, umalis na siguro. "Umwi na po siguro pa, si Nilo. Yung nagtutulak ng duyan ko" at kitang kita ko na parang unti unting nawala yung ngiti sa mga labi ni papa. "Anong natutulak? Eh wala naman ako nakitang bata sa likuran mo eh"
"No pa, meron baka di mo lang po napansin" habang hinahanap ng mga mata ko parin ang bago kong kakilala habang naglalakad na kami palabas ng skul.The next day pinadagdan ko kay papa yung baon ko para bigyan ko si nilo. Kaya nung recess time pumunta ako sa building nila para ibigay sa kanya ngunit naalala ko di ko nga pala alam yung section nya, eh 6 na section kada grade. Tsaka nahihiya rin akong magtanong kaya naisipan kong ibigay nalang pag uwian sa hapon. At nakita ko nga ulit sya nung hapon sa likod ng room namin inalok ko sya ng sandwich na ibibigay ko sana sa kanya kaya tinggap nya at nagpasalamat pero di nya kinain sa halip ay itinago nya lang sa bag nya. "Ano nga palang section mo nilo?" "Secret hahaha" dahilan kaya naninkit ang kanyang mga mata "Hahaha" natawa nalang din ako nun pero naputol yung pagtawa ko nun nung narinig kong may nagtatawanan din sa likuran ko. Pag tingin ko ay sila b1 at b2 pala(not real names, mukha kase silang saging eh hahaha) "Nababaliw ka nanaman frankenstayn" maarteng sabi ni b1. Nakita kong nakakuyom ang mga kamao ni nilo sakin tabi kaya pumauna ako sa kanya upang pigilan sya. "Hayaan mo nalang sila" bulong ko dito. "Baliw ka talaga frank, tumatawa mag-isa tapos nabulong! Dyan ka na nga. Mahawa pa kami sa kabaliwan mo" at tinulak ako ng malakas ni b2 dahilan upang mapaupo ako sa lupa at naglakad na sila palayo. Susugurin sana ulit ni nilo pero hinawakan ko yung braso nya kaya itinayo nya nalamang ako. "Bakit ba ang bait mo? Bakit di ka lumalaban frank?" "Eh sabi ni papa masama ang makipag away eh, yaan mo na sila" "Masyado kang mabait, yaan mo akong gaganti para sayo." "Nako wag na, sige na uuwi nako baka nandyan na sundo ko eh. Tara samahan moko para mapakilala kita kay papa, nawala ka bigla kahapon eh" "Aahh yun ba, naiwan ko kase bag ko sa room kaya binalikan ko. Wag na nahihiya ako sa papa mo eh haha" kaya yun nagpaalam nalang ako sa kanya nung hinatid nya ako hanggang play ground lang. Pag uwi ko ng bahay tinanong ni papa kung bakit di ko daw kinain yung isang sandwich ko. Kaya nagtaka naman ako kase alam ko binigay ko kay nilo yun eh. Kaya nagdahilan nalang ako" busog ako pa eh"
.
-*-Mga isang buwan na siguro yun ng makalipas nung kay b1 at b2 hapon ulit nun. Habang hinihintay ko si nilo dun sa mga alagang langgam namin ay may narinig akong sumitsit. nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si nilo na nakatuntong sa mataas na pader na siguro ay halos doble ng laki ko. Naka ngiti sya nun."punta ka dito may papakita ako sayo dali" kaya ang ginawa ko ay tumuntong ako sa mga upuan na naka imbak sa sulok at nung makatuntong nako ay may upuan pala dun na kalagay kaya dun ako tumuntong upang makababa. At hinila ni nilo yung kamay ko habang natakbo kami sa punoan hanggang sa tumigil kami sa tapat ng malaki at matabang puno ng buboy(bulak) tumingin ako sa dinaanan namin kanina at natuwa ako nung abot tanaw ko pa ang pader ng skul namin." Bakit ba tayo nandito nilo?" Tanong ko sa kaibigan. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay pumunta sya likod ng malaking puno. Kaya sinundan ko sya. Halos mapasigaw ako nung makita ko sila b1 at b2 na punong puno ng dugo ang suot nilang uniporme. Ewan ko kung humihinga pa sila nung mga oras na yun. "Diba sila yung nag away sayo?, pinag higanti na kita" "pero di mo naman kailangang gumanti, at di sa gantong paraan" tumawa lang ng malakas si nilo. "At sa anong paraan frank?" Pinkpok nya ng martilyo si b2 sa ulo dahilan upang magtalsikan ang mga dugo nya papunta sakin. Binalutan na ko ng matinding takot nun Kaya dali dali akong tumakbo papunta sa pader ng skul namin at umakyat pa pasok sa loob ng school. Naghugas ako ng katawan nun sa gripo sa likod ng school namin dun sa garden dahil may mga dugo yung kamay ko at uniporme ko dahil siguro sa pag hawak sakin ni nilo. Nagbihis ako nun dun din mismo. Buti nalang may extrang tshirt ako laging baon kase pawisin talaga ako. Sakto naman pagpunta ko ng gate ay andun si papa" oh baby, bakit ka tumakbo ng ganun, may humahabol ba sa iyo?" "Wala po gusto ko na pong umuwi" habang naiyak nako nun kaya pag dating sa bahay nagkulong agad ako sa kwarto. Kinabukasan pinilit ko si papa na lumipat ako ng school, kaya pinuntahan ni papa yung principal at adviser ko para tanungin kung may nangbubully ba sakin dahil nga gusto ko ng mag transfer. Wala naman talagang nambully sakin natakot lang ako sa ginawa ni nilo. Kaya nalaman ko din na patay na sa b1 at b2. Pinukpok daw sila ng matigas na bagay hanggang sa mamatay. Nakita sa malaking puno sa likod ng skul. Kaya lumipat ako ng skul pati ng bahay at lugar ni papa sa manila. At hanggang ngayon pilit kong tinatago ang lihim na pngyayare nun. halos ilang buwan akong di makausap nun kaya dumaan ako sa iba't ibang teraphy. Pero netong november 2016 madalas kong napapanaginipan ang pangyayareng yun, gabi gabi kaya madalas napapabalikwas ako ng bangon, pagtinitignan ko kung anong oras, laging 1am sakto.
*****