We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

ANG PAGPAPARAMDAM NI LAURA

8 0 0
                                        

Karanasan ko noong taong nag aaral pa ako ng kolehiyo, (taon 2009 to 2012). Ako po si Esdy. Isa akong working student nang mga panahong nangyari ito sa isang malaking paaralan sa Northern Cebu, hindi ko nalang babanggitin ang pangalan.

Kasisimula pa lang ng pasukan ay marami na akong naririnig tungkol sa kwento ni Laura, ang babaeng nagmumulto sa paaralan namin. Sa mga kwento ng mga estudyante, ay noon daw, isang maulan na araw ay tumalon mula sa pinakahuli, sa ika-limang palapag, ang nooy nagdadalang tao na si Laura. Sa panahon ng pag aaral ni Laura, hindi pa nababahiran ng ano mang asal moderno o liberasyon ang matahimik na probinsya namin. Ang pamamalakad ng iskwelahan na ito ay ubod ng konserbatibo/istrikto. Tinatanggal o ini-ekspel sa paaralan ang sinumang mailagay ang sarili sa imahe na imoralidad. At ito nga ang naging hatol ng guro ni Laura nang nalaman nito ang kanyang pagbubuntis lalo na't hindi kasal. Hindi ko na alam ang kwento sa likod ng pagkakabuntis ni Laura. Ang alam lang namin ay naging mahigpit ang guro ni Laura noong nahuli nito siya hanggang sa kinonena na nga siya mismo sa harap ng kapwa ka mag aaral nito. Sa isip namin ang posibleng rason ng paglundag ni Laura sa ika limang palapag ay dahil sa takot na hindi makapag tapos, pwede ring sa tindi ng kahihiyan, o kaya dahil wala na syang malapitan -maaaring itinakwil sya ng kanyang mga magulang gaya ng pagtakwil sa kanya ng kanyang guro. Kumalat ang balita agad agad. Naging usap-usap ang pangyayaring ito sa buong bayan.

Makalipas ang maraming dekada marami nang nangyari sa paaralan namin. Nangyari na ngang nasunog mismo ang gusaling ito at muling bumangon. Ang dati noo'y hangang sekondarya lang ay nagkaroon na ng kolehiyo. Naging siyudad na rin ang nooy lalawigan na animoy malayo sa sibilisasyon. Nadugtungan na ng halos kasing laki ng orihinal na gusali ang paaralang ito. Pero ang kadugtong na gusali ay hanggang ika apat na palapag lamang.

Nagka aminan kami ng kasamahan ko sa estasyon na me nararamdaman syang kakilakilabot sa palapag na iyon. Sa labas kasi ng dj booth ng station ay mayroon kaming radyo na naka on palagi na nagsisilbing monitor namin. Nung minsang bumaba sya sa 4th floor para mag cr (pinakamalapit na cr) laking gulat nya nalang ng pagbalik nya ay nasa pinakadulo na ang "tuning" ng radyo namin. So puro kasikas lang ang naririnig. 5am daw ito ng mangyari at WALANG KATAO-TAO liban sa kanya. Nung nagkaalaman kami na me kakatwang nangyayari sa station ay nagpapasama na ako sa kaibigan ko na kapitbahay ko rin twing nagsa sign off ako. 11pm ang paalam ko sa mga tagapakinig at syempre hihintayin mo pang matapos ang lupang hinirang at recorded na panapos na panalangin. Sa madaling salita, nasa 11: 30 to 12 hating gabi ang labas ko sa station. Walang elevator ang aming paaralan. Kapag patay na ang ilaw namin sa station, tanging ilaw sa poste sa labas ang inaasahan naming liwanag liban sa cellphone. At dahil nasa ika limang palapag- taas nga kami, konting liwanag lang yon. Sa aming pagbaba, apat pang palapag ang dadaanan namin. Sa ika dalawang palapag pa kami nakakahinga ng maluwag dahil malaki na ang liwanag na dala ng poste sa labas. Pero sa ikaapat at tatlo? Kung pwde lang pumikit sa pagbaba ginawa na siguro namin. Tinatakpan ko ang aking tainga o kaya nag i-earphones kami. Nangyari na kasi na sa ika apat ay parang me hinihilang bakal na upuan sa sahig ng corridor na nakaharap sa amin. Malakas. Nakakagulat. Patay lahat ng ilaw at wala ng tao. Me gabi naman na walang paramdam, minsan din wagas manakot. Sa ikatlong palapag nakakaloko. Minsan, dadaan kaming on pa ang mga ilaw. Naisip namin baka di pa dumadating ang pang gabi na gwardiya. Pero, pagdating namin sa ground floor, humihilik na pala yung guardiya sa gate entrance. Nung nagpabukas kami, sinabihan namin sya tungkol sa mga ilaw. Pero noong silipin naman namin sa may quadrangle patingala ang 3rd floor, PATAY ANG MGA ILAW. Madaming beses ito nangyari sa amin. Mula noon, bago namin ipaalam sa guwardiya, tumitingala muna kami sa quadrangle para makita ang 3rd floor. At twing ginagawa namin yon, PATAY ANG LAHAT NG ILAW.
Kung mayron lang sana kaming sapat na pang tuition, hindi na sana ako magtitiis sa nakakatakot na karanasan sa pagtatrabaho para lang makatapos. Kaya kayong mga regular na estudyante, maging masigasig kayo sa pag aaral dahil maswerte kayo, tanging mga pasulit lang ang kakatakutan nyo.


*****

True Ghost StoriesStories to obsess over. Discover now