Unwanted Child (A Doppelganger Story)

7 0 0
                                        

Bata pa lang ako ay alam ko ng hindi nila ako gusto.. Wala silang pinakitang maganda sa'kin. ""Sana di nalang kita bigyang buhay!"", ""Wala ka'ng utang na loob!"", ""Sana hindi nalang kita isinilang!"" Ayan ang lagi ko'ng naririnig sa bahay araw-araw.

Hanggang sa hindi ko na kinaya. I went through depression, walang araw na hindi ako umiiyak. Iyak sa gabi, pagpa-panggap sa umaga, ang saya pala. Walang ginawa ang kaibigan ko kung hindi magtanong ng ""Okay ka lang?"" at wala akong ginawa kung hindi ang sabihing ""Okay lang ako!""

Hanggang sa nag-bago si Tessy (Name ng bestfriend ko). Bigla nalang siyang nagsa-sabi na ""May problema ka ba?"", ""Hindi mo ko pinansin kahapon ah!"" Nainis na ako at tinanong ko siya kung ano ang sinasabi niya, but she was shocked.

""Anong hindi mo alam?"" Inis niyang tanong, mas lalo ako'ng nainis dahil hindi naman iyon ang sagot sa tinanong ko.

""Ano ba'ng ibig-sabihin mo? Tatlong araw na ko'ng hindi lumalabas, Tessy!"" Sigaw ko, iyon naman talaga ang totoo, ilang araw na akong hindi lumalabas.

""Ano bang sinasabi mo!?"" Mas inis na sigaw niya, I walked out. Ang daming tanong sa isip ko. ""Anong ibig niyang sabihin?"" Iyan ang tanong na naririnig ko sa isipan ko.

As expected, pag-uwi ko. Sinampal nanaman ako ng Nanay ko, she started lecturing me and I'm just enduring it.

Umakyat ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto, wala akong ibang inisip, ang tanging inisip ko lamang ay ang sinasabi ni Tessy na hindi ko siya pinapansin.

Naiyak nanaman ako ng maalala ko ang mga nangyari kanina, Hanggang sa naka-tulog nalang ako.

I had a strange dream, Nasa isang kalye ako, nakita ko naman si Tessy na may hinahabol, she's screaming ""Hoy! Ianne! Wag mo ko'ng isnobin!"" Non-stop. I'm puzzled, sinong Ianne? She's screaming my name while saying that pero hindi siya naka-tingin sa akin. Sino ba ang kausap niya?

Hinabol ko siya, pero habang tumatakbo ako ay mas lumalayo siya, I kept screaming ""Tessy! Hintay!"" Non-stop but she can''t hear it, hanggang sa tumigil siya sa pag-takbo, so am I. Naka-tingin siya sa isang tindahan, pero sa tapat ng tindahan..

Sa tapat ng tindahan.. May babaeng naka-upo, mahaba ang buhok niya. Parehas kami ng damit---A doppelganger!?

I froze. Napa-hakbang ako pata-likod, I made three steps backward, pero bago pa ko muling maka-hakbang paatras, Someone stopped me. May naka-hawak sa balikat ko. I screamed. I screamed non-stop. Yung kamay na humawak sa'kin ay kasing lamig ng bangkay.

Tumigil ako kaka-sigaw at tumingin sa tindahan, wala na yung doppelganger ko. I turned and what I saw made me froze.

It's my fucking doppelganger, my damn doppelganger! She's smiling.

Ang kamay niyang nasa balikat ko ay dahan-dahang gumapang patungo sa leeg ko.

""Paalam!"" Sigaw niya! Nakaka-takot, gusto ko'g ma-ihi sa takot at pumikit. Gusto ko ng gumising!

Nang magising ako ay alas-tres na, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Tessy.

Napa-iyak ako sa tuwa ng sagutin niya ang telepono.

""Tessy, please.. Tulungan mo ko. Natatakot ako!"" Iyak ko, narinig ko'ng nag-panic si Tessy, pero hindi ako napa-tigil sa pag-iyak. Kakaibang takot ang nararamdaman ko.

Mabigat sa dibdib. Masakit. Nakakatakot. Para akong mamamatay. Pero kailangan ko'ng malagpasan to.

""Our Father, Who are in Heaven, hallowed be Thy name, Thy Kingdom come, Thy will be done on earth as it is in Heaven. Give us this day our daily bread, and forgive us our trespasses as we forgive those who trespass against us, and lead us not into temptation, but deliver us from evil. Amen."" Ilang ulit ko'ng dinasal iyan at nawala ang takot ko.

Ngunit hindi ko pa rin pinatay ang tawag.

""Ianne, anong nangyari? Anong nangyari?"" Napapa-iyak na tanong ni Tessy, Out of courtesy, I ended the call, I grabbed the bible and embraced it. Hanggang sa maka-tulog ako.

Nagising ako alas-dose ng hapon, wala ng ligo ligo, bumaba ako at dumeretso sa bahay nila Tessy.

Tsaka ako umiyak.

Pinapasok ako ng nanay ni Tessy at dinala sa kwarto ng kaibigan ko, doon kwinento ko lahat---As in LAHAT.

Tumingin si Tessy sa'kin at sinabing nakikita niya ang doppelganger ko, iyon ang dahilan kaya tanong siya ng tanong. Tsaka niya lang daw na-realize pagka-tapos naming mag-away.

Nag-sleep over nalang ako sa bahay nila, at simula noon ay umayos na lahat, but my doppelganger is still appearing, please, paano ko po ba matatapos ito?"





*****

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now