IMPAKTA SA APARTMENT

34 1 0
                                        


This happened 3 years ago sa isang barangay sa San Pedro, Laguna. Naghanap kami ng mauupahan ng asawa ko na medyo malaki dahil titira sa amin ang dalawang nakababatang kapatid nyang babae. Nung una, okay naman ang bahay. Pero habang tumatagal, nagiging mabigat na ito para sa amin lalo na sa AKIN.

Nasa second floor ng bahay ng may ari ang apartment na ito. Dadaan ka sa likod ng bahay nila bago mo marating ang hagdan paakyat sa main door nito. Medyo mahaba ito so please bear with me.

Nag uumpisa pa lang kaming bumuo ng pamilya pero pumayag ako na makitira sa amin ang mga kapatid ni hubby para na rin daw may kasa-kasama ako lalo't buntis ako. Matanda lang ako ng 2 years sa isa nyang kapatid at matanda sakin ng 1 year ang isa. So we're 18, 20, 21. 24 naman ang age ng asawa ko. Yung kapatid nyang isa na 21 years old na si Iday, pagkatapos nya itong mapag aral sa college ay lumuwas at nagtrabho sa Manila sa isang firm. So sa araw-araw, ang kasama ko ay si Babycel. Sabi nila bukas raw ang third eye nito minsan.

Palipat pa lang kami sa apartment na yun, napanaginipan na yun ni Babycel ng di maganda. Pero dahil malaki ang apartment pero mura ang upa, di na namin pinalampas. Nahihirapan kasi kami maghanap ng mura na malaki at maayos. Dalawa ang kwarto nito. Kaya mas lalong pabor samin dahil may privacy kaming mag asawa at sa kabila ang dalawa nyang kapatid.

Mga one month pa lang kami doon, binangungot na ako na sinasakal ng isang babae. Pero di ko maklaruhan ang itsura. Hirap na hirap akong huminga lalo na buntis ako. Sa tuwing magigising ako, naninigas ang tiyan ko sa sakit.
Minsan naman, nasa sala si Babycel habang nakaharap sa salamin at nagbubunot ng buhok sa kili kili. Nasa loob naman ako ng banyo para maligo. Mga 30 mins na akong nasa loob pero di pa ako nakakaligo at nagbawas muna ako.
Maya maya, binuksan ko na ang gripo at naghugas, saka nag umpisang maligo. Pagkalabas ko ng banyo, nakatitig sa akin na parang tulala at takot na takot si Babycel.
"Bakit?" sabi ko habang dahan dahan na naglalakad.
"Anne akala ko ikaw yun. Sino yun?"

"Ang alin ba yun?"

"Y-yung kanina.. akala ko lumabas kana ng CR. Nakita kita dumaan ka na, nakatapis ka nyang tuwalya na suot mo ngayon dahan dahan ka rin naglalakad papuntang kwarto nyo."

"Huh? Imposible eh kakalabas ko lang oh."

"Shit ang creepy, ngumiti ka pa nga tangina nung nagkatinginan tayo sa salamin sa likod ko pa ikaw dumaan bago ka pumasok sa kwarto!"

After nun, mas madalas na ako bangungutin. Sarado naman kasi ang third eye ko kaya wala akong makita na kung anuman sa bahay na yun. Pero nababahala ako sa bangungot ko. Hanggang sa one time sinabi ko yun sa asawa ko habang kumakain kaming lahat ng hapunan. Nagulat ako dahil hindi lang pala ako kundi pati ang dalwa kong hipag ay binabangungot rin.

" Totoo?"

"Oo pero minsan lang ako." -Iday

"Ako rin pero madalas ako may makita sa peripheral vision ko" -Babycel

Ang asawa ko naman ay hndi naniniwala dahil wala naman syang nararamdaman na kahit ano at hndi rin sya naniniwala sa ganyan.

Iniisip ko kung bakit madalas ako? Halos napapadalas ang bangungot ko pero diko pa rin makita ang mukha nito. Hanggang Sa one time, binangungot uli ako. This time iba na siya. Nakita ko na nasa bahay pa rin ako, katabi ko asawa ko. Pero walang division ang bahay. Parang walang kwarto at nakikita ko rin ang mga natutulog na mga kapatid ng asawa ko. Tapos sa isang sulok, may babaeng tumatawa sa bandang dulo ng paanan ko, nakakatakot ang tawa nya. Halos yun ang gabi gabi kong naririnig pero di ko makita ang mukha niya. Gumagapang sya paatras paakyat sa pader. Gumagapang sya na nkaharap sa akin. Magulo ang buhok nya. Kitang kita ko yung mukha nya nanlilisik mga mata nya pero nakatawa ang bibig habang tumutulo ang malalapot na laway. Sigaw ako ng sigaw nung nasa kisame na sya pero hindi marinig ang boses ko. Malapit na sya sa harapan ko, sa tapat ng hinihigaan ko. Buong lakas akong umiiyak at sumisigaw pero walang nakakarinig. Hindi rin ako makagalaw.
"Tulong!! Tulong!! Bhe tulungan mo ko!! Mama!! Papa!!!"
Nilabas nya ang mahaba nyang dila at ginamit ito panghawi ng damit ko. Bumungad ang tyan ko at dinilaan nya ito. Takot na takot ako.
This time, napausal na ako ng dasal habang umiiyak. Sa isip ko dasal ako ng dasal at sinabi ko ang " In the Name of Jesus , lumayas ka!!" Ilang ulit kong sinabi yun sa isip ko habang umiiyak. Maya maya naigalaw ko ang daliri ko. Pagkasigaw ko ng "Bhe tulong", biglang nagkaboses na ako kaya sa sobrang lakas nun ay napagulantang ang asawa ko at napabangon bigla. Nagising na rin ako, humahangos ako habang hawak ang aking tiyan. Maliwanag na ang kwarto dahil binuksan ng asawa ko ang ilaw. Nagising na rin ang mga kapatid nya. Iyak ako ng iyak. Pinainom ako ng tubig ng asawa ko at niyakap ako. Saka ko kinwentong may namamahay na impakta sa bahay na yun. Siya lang ang gumagambala sakin gabi gabi. Kaya alam ko na sya ang nakatira sa bahay na yun.

Mula noon hndi na nawala sa katawan ko ang rosary. Hindi na rin ako makatulog ng malalim. Sa araw wala ka naman mararamdaman na kakaiba kaya minsan naiiwan ako mag isa lalo pag nagpupuntang Cavite si Babycel para makipagdate sa boyfriend nito. Tahimik ang kabahayan at nasa kwarto lang ako. Pero alam mo yung ang creepy ng hangin. Parang dahan dahan na hinahawi ang kurtina. Tapos minsan may dadaan sa peripheral vision mo pero wala naman. One time bumili rin ako sa tindahan ng softdrinks ( patago lang sa asawa ko dahil pinagbabawalan nya ako uminom nun nung buntis pa ako. ) pagpunta kong tindahan, nagtanong si Ate Ces,
"Sino mga bisita mo ngayon dyan, parang ang dami mong kasama ah." Siya rin kasi yung nkatira Sa ibaba at yung may ari ng inuupahan nmin. Naririnig niya kasi ang ingay ng yapak namin Sa taas dahil kahoy lang ang sahig namin. Yung sinaunang mga kahoy naiimagine nyo sa mga sinaunang bahay yung makikintab?
Tapos sabi ko,
" Naku ate wag ka naman ganyan, mag isa lang ako ngayon sa taas. Nasa trabho asawa ko. Wala rin mga hipag ko."

Napatitig lang muna sakin si Ate Ces ng matagal.
"Pero ang akala ko tlaga... Kasi maraming nagkkwentuhan. Tapos may mga batang nagtatakbuhan papanhik panaog sa hagdan."

"Wala po akong kasama ate. Ke hapon hapon eh tinatakot nyo nman ho ako."

"Naku ikaw naman kasi maglalabas ka rito minsan tumambay ka dito sa tindhan ko kesa magmukmok ka doon sa taas nang mag isa."

"Sige ho sa susunod. Mauna na ho ako."
Pero sa totoo lang di tlaga ako mahilig tumambay sa labas . umuwi na ako kahit natakot ako sa sinabi nito. Nilakasan ko nlang loob ko at nagpatugtog ng malakas sa phone. Habang nakahiga ako, at nagbabasa, biglang huminto ang tugtog. Akala ko lowbat na cp ko, pag tingin ko nagpplay pa rin pero wala ng sounds. Naisip ko baka nasira na speaker dahil tinodo ko ang volume. Pero maya maya bumabalik ang tunog pero garalgal, parang sa radyo na mahina ang signal. Tapos may boses na pero hndi na yung music na pinapatugtog ko, Decode yun ng Paramore naging ungol na. Tapos may mahinang tawa ng babae. Kaya ang ginawa ko pinilit kong ishutdown ang cp ko at natulog hanggang magdilim na at umuwi ang asawa ko.

Laging naninigas ang tiyan ko at masama ang pakiramdam ko noon kahit 7 months na ang tiyan ko, nagsusuka pa ako. Healthy naman baby ko sabi ng OB Gyne ko pero hiluhin talaga ako. Kumpleto ako sa vits lahat. Until one time nagkagalit kmi ng hipag ko at naglayas sya sumama sa jowa, nalaman kasi ng asawa ko na nagjojowa sya at ako pa taga lihim noon. Napagalitan sya ng Kuya nya at sinisi pa ako. Nagtalo rin kami sa bahay kaya umalis sya. Mula non mas mdalas ako mkaramdam sa Bahay pero never pa tlaga ako nkakita. Minsan, maririnig ko na bubukas ang sliding door sa ibaba at may maglalakad Sa hagdan, akala ko asawa ko kaya tatawagin ko kung nariyan na ba sya. Pero walang nasagot. Pag tingin ko wala naman tao, malamig na hangin ang sasampal sakin. Tapos mahihilo na naman ako at masusuka, at maninigas ang tiyan ko.
Hindi na nkayanan ng baby ko siguro kaya one time humilab ng humilab ang tiyan ko sa sakit, di ko naisip manganganak nako kasi 7 months palang. Kaso nagforce out na syang lumabas pero patay na. Nakitang may uka ang ulo nya. Sobrang nadepressed ako. Salamat sa asawa ko na di ako pinabayaan.
Madalas kong makita sa bintana sa may bubong ng kapitbahay ang itim na pusa kapag gabi. Lagi sya nkaharap sa bintana namin Sa kwarto. Ang nkakatakot mapupula ang mata nya.

Mula non, nung magbuntis muli ako, umuwi muna ako sa magulang ko para may kasama ako kapag nagttrabho ang asawa ko. Hinatid nya akong Leyte at bumalik sya sa bahay namin na yan dahil ang work nya nasa Laguna rin. Ang lakas ng loob ng asawa ko na mag isa, palibhasa hndi sya pinagpapakitaan o nkakaramdam. Marami rin sya naexperience nung sya nlang mag isa doon. Pero saka ko nlang ikkwento. Pati ang history ng bahay na yun ay nalaman ko sa may ari.
Sa ngayon may huli akong balita tungkol sa sumunod na tumira doon. Nakwento sakin ang kahindik hindik na nangyari sa bagong umupa doon.



*****

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now