Still In The Kitchen

10 0 0
                                        

This story is about my Tita na 10 years nang patay.Hi,Tita.Yung anak n'yo po,babaero na.

Isang simpleng pamilya lang noon sila Tita at Tito.May isang anak sila na lalaki at nagtatrabaho naman sa barko si Tito kaya minsan lang makauwi.Nakatira sila kila lola na kapitbahay lang din namin.Close kami ng anak nila kaya madalas akong tumambay do'n.

Mabait si Tita.Masipag din.Paglilinis lang ng bahay ang lagi n'yang pinagkakaabalahan saka pag-aalaga sa pinsan ko.Kung hindi s'ya naglilinis o nag-aalaga ng anak,kausap n'ya naman sa phone si Tito.

2007,nagkaroon s'ya ng malalang sakit.Breast cancer.Bigla na lang bumagsak ang resistensya n'ya at unti-unti s'yang nanghina.Hindi na s'ya nakakagawa ng gawaing bahay.Panay na rin ang pagkaka-confine n'ya sa hospital then ilang buwan lang,bumigay na s'ya.

Unang gabi ng burol n'ya...nagkataong araw din ng uwi ng asawa n'ya.Walang kaide-ideya no'n ang Tito ko tungkol sa nangyari sa asawa n'ya.Ang alam n'ya lang,nagpapahinga 'to sa bahay,nagpapagaling.­Sinundo namin s'ya sa airport kasama ang anak n'ya at ilan pa naming kamag-anak.Hanggang sa byahe pauwi,walang nagsasalita.Walang nagbabanggit sa 'min ng nangyari.Hanggang sa nagtanong si Tito sa anak n'ya.

"Nasa'n si mama mo?"

Pasimple na kaming nagpupunas ng luha ng mga oras na 'yon.Si Tito,nakangiti pa rin at excited nang makauwi para makita si Tita.Sagot sa kan'ya ng anak n'yang 7 taong gulang pa lang,

"Nando'n sa bahay.Natutulog po."

Nakarating na kami sa tapat ng street namin.Kailangan mo pang lumiko papasok para makarating sa lugar kung saan ang bahay naming magkakamag-anak na halos magkakadikit lang.Nagtatanong pa si Tito no'n kung bakit do'n kami huminto at hindi pinasok yung sasakyan sa loob.Nauna kaming magpipinsan papasok ng street.Sa burol,madaming tao at tahimik lahat.Hinihintay kung anong mangyayari kapag nalaman na ni Tito.Naiwan sa labasan si Tito at yung kapatid n'ya.Ilang saglit lang,narinig na namin ang malakas na sigaw n'ya kasabay ng pag-iyak.Halos sabay-sabay na bumuhos ang luha ng mga tao sa burol.Ang sakit marinig ng iyak ni Tito.

Inaalalayan s'ya ng kapatid n'ya hanggang sa kabaong ng asawa n'ya.Sobrang lakas ng iyak n'ya.Nagtatanong s'ya kung bakit hindi man lang s'ya hinintay na makauwi.Kung bakit bumitaw agad ito.Kung bakit hindi ito nagpaalam ng maayos.

Sa loob ng isang linggo,gano'n ang naging eksena sa 'min.Puro iyakan.Panay din ang padasal para kay Tita.Hindi rin s'ya nauubusan ng mga kaibigang dumadalaw para makiramay.

Nailibing na si Tita.Biglaan din ang pagiging tahimik ng bahay nila Lola.Wala sa mga pinsan ko ang gustong pumasok sa kwarto ni Tita dahil natatakot sila na bigla na lang magparadam.Nung minsang nakinood doon ang mga pinsan ko ng movie,sabi nila,nakita daw nila ang extension na nakaharang sa pintong papuntang kusina na bigla na lang umangat na parang may nakidaan.Yung iba namang bisita na walang ideya sa kwartong tinulugan nila(kwarto ni Tita),kinukwentong may nanghihila daw ng kumot nila.Kami naman ng anak ni Tita,nagkukwentuhan kami sa terrace nung bigla na lang kaming makarinig ng tunog sa kusina.Nakabukas na pala yung gripo sa lababo kahit walang tao.

Bilang ako na hindi masyadong naniniwala sa mga gan'yan,malakas ang loob kong makitulog sa kanila pag walang kasama ang pinsan ko.November 2 noon,sa sala kami natutulog na dalawa at nagising ako,magtu-2 AM.Naririnig ko yung gripo sa kusina na bukas-sara na parang may tao.Rinig na rinig ko rin yung mga kutsara at plato na parang hinuhugasan.Dahil nga dalawa lang kami no'n ng pinsan ko at katabi ko s'ya,kinabahan na ako.Alam kong si Tita 'yon.

Naghuhugas ng plato si Tita.

Lumipas ang ilang taon,ginawang paupahan ang kwarto ni Tita dahil nga walang natutulog.Hindi namin kinukwento sa mga nangungupahan ang mga kababalaghang naranasan namin do'n.Sila mismo ang nagkukwento sa 'min.Nung minsang nagtanong ako sa kanila kung may kakaiba ba silang nararanasan,nagsimul­a na silang magkwento.Madalas daw,gabi-gabi,nakaka­rinig sila ng pagbukas ng gripo at pagkalansing ng kutsara,baso at plato.Walang palya 'yon hanggang sa nasanay na lang sila.

Pero alam naming lahat...Si Tita,nasa kusina pa rin...sinusubukang maghugas ng plato.


*****

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now