Tawagin niyo ako sa pangalan seth, i was 19yrs old nung napag disisyonan namin ng BF ko na mag sama, walang kaso kasi nag wowork na ako that time as a Callcenter Agent, si J.A(di tunay na pangalan) ay graduating student that time. After 8months ng pag sasama namin sa iisang bubong mahirap siya mas mahirap pa kesa sa 3years namin na mag BF/GF mas tumitindi yung away, tampuhan pero mas tumindi din naman yung love.
So ayun mga 3months palang kaming nag sasama lagi akong nanaginip na tumatakbo ako, pero hirap na hirap akong makatakbo parang nag jaJog in place lang ako tapos di ako umaalis sa pwesto ko may tinatakbuhan ako pero hindi ko alam kung ano ang alam ko lang hindi ako makatakbo o makaalis manlang dun. Binaliwala ko yung panaginip kong yun hanggang sa lagi ko siyang napapanaginipan. Naikwento ko nadin siya kay J.A that time even siya di niya alam kung ano yun. So in the long term na pag sasama bumuo kami ng mga pangarap ni J.A we decided to have a baby.
And one night habang natutulog kami nagising ako, Oo alam ko talaga nagising ako nun at bumaba may narinig kasi akong kumakatok nun pero pag bukas ng pinto wala namang tao, pag akyat ko laking gulat ko nakita ko sarili ko na nakayakap kay J.A tulog ako pinag mamasdan ko sarili kong tulog pinilit kong ipikit mata ko pero di ako makabalik hindi ko na alam gagawin ko nun umupo ako sa gilid ng kama at pinipikit pikit ko yung mata ko baka kasi makabalik ako, pag bukas ko ng mata ko may babae akong nakita sa pinto ng kwarto namin hindi ko matandaan yung mukha niya pero may buhat siyang baby sabi niya sakin sumunod ako sakaniya para makabalik ako sa katawan ko takot na takot ako pero mas takot akong hindi ako makabalik sa katawan ko sinundan ko siya pagkalabas ko ng kwarto bigla akong nagising sobrang sakit ng puson ko na hindi ko kayang tiisin yung sakit. 1st we thought na nagka period lang ako pero dahil sa sobrang sakit dinala ako ni JA sa ospital. The doctor said that we lost the baby hindi ko manlang alam na buntis ako that time hindi ko manlang naalagaan yung baby ko nwala siya sinisi ko yung work ko nun kasi lagi akong puyat nun na baka dahil dun kaya nawala baby namin sa sobrang occupied ng isip ko that time hindi ko na nakwento kay JA yung nang yari sakin nun.
Lumpisa yung linggo at nakapanaginip ako ng isang batang tinatawag akong Mommy lagi niya akong tinatawag pero hindi ko siya kilala lagi niya lang sinasabi "Mommy kunin mo na ako ayaw ko sakniya" mga 2times sa isang buwan kung mapanaginipan ko yun. We even try having a baby ulit ni JA pero laging wala hindi kami nakakabuo every month we get a negative result i got so frustrated that time kasi gustong gusto talaga namin mag ka baby.
hanggang this march mag bibirthday ako before ako mag birthday nanaginip ako, nakahiga ako i was looking at my tummy at buntis ako september nung nawala baby namin at sa panaginip ko kinakausap ko yung tiyan ko at sinasabi ko na 6month kana baby konti nalang makikita kana namin ni daddy i look so happy biglang nakita ko ulit yung babae dun sa panaginip ko na sinundan ko nakangisi siya yung ngiting nakakaloko na nakakatakot until now inaalala ko yung mukha niya pero hindi ko matandaan yung ngiti niya nakakatakot nakatingin siya sa tiyan ko at sobrang natakot ako when i was about to touch my tummy wala as in wala akong nakapa pag tingin ko hindi ako buntis hindi malaki yung tiyan ko at bigla akong nagising umiyak ako tingin ko siya kumuha ng baby ko kiniwento ko kay JA lahat simula nung nanaginip ako na nag sleep paralysis ako hanggang dun sa bata na tinatawag akong mommy hanggang sa panaginip ko lately.
we decided na mag pacheck sa albularyo may humahadlang sa relasyon naming dalawa, binalaan ako ng albularyo na mag ingat dahil malaki daw ang galit sakin nung taong yun at matatapos daw ang taon na 'to na may mang yayari saking masama tinanong niya ako kung may naging babae daw ba si JA dati pero wala akong maalala wala akong alam. Sabi niya bumalik ako sakaniya sa mahal na araw dahil kailangan ko daw makaharap yung babae sa panaginip ko kailangan kong bawiin yung bata kasi hindi daw kami mag kakaanak ni JA hanggat hindi ko nababawi sakaniya yung batang hawak niya nung una ko siya nakita, binigyan niya din ako ng bala nung sumunod daw ako sa babaeng yun inialay ko na daw ang buhay ko. Natatakot ako para sa sarili ko natatakot ako sa babaeng kumuha ng anak ko dahil baka pati ako kunin na niya ako.
*****