My scariest sleep paralysis..
bdw I'm mikay 22 years of age. Masasabi kong ito yung pinaka nakakatakot na na experience ko. Nangyari ito last august. Bali yung in ko sa work is 12pm so pagkatapos kong mag agahan napag isipan kong umidlip muna. Kasama ko palang bf ko kami lang dalawa sa bahay bali open relationship na kami, yung dalawa kong kapatid is nasa bohol tapos mama ko is nasa abroad. Napasarap na yung tulog ko ginising ako ng bf ko sabi nya uuwi naraw sya kasi may pasok pa sya sa school 10am na that time.(nag aaral pa sya ako nag tatrabaho na)
sya : part uwi na ako kasi mag preprepare pa ako sa bahay.
ako: (kakamulat lang ng mata) okay mag iingat ka dina kita e hahatid sa labas.
sya: cge ikw din, alis na ako babye.
Pagka alis nya balik agad ako sa pag tulog. Wla pang ilang minuto bali nka half sleep pa yung katawan ko may nakita akong lalaki nka itim matangkad sya, akala ko bf ko. Nag taka ako kasi alam ko umalis na sya. Babangon sana ako kaso di ko ma igalaw katawan ko nka titig ako sa kanya but this time yung mga binti lang nya nkikita ko. Napag tanto ko na na sleep paralysis ako. pinilit kong igalaw ang katawan ko, ng biglang napansin nya ako. Akma sya lalapit sa akin. Gusto kung umiyak kasi takot yung nararamdaman ko, nasa left side kuna sya tinitignan nya ako. Sabay sabing "Anong ginagawa mo?" f*ck yung boses nya is yung pang horror movie. Nakakapanindig balahibo everytime na aalala ko yung tuno nya. hanggang sa nag dalas ako yung dasal ko is hindi natatapos. Lumipat sya sa right side ko hinhawak nga yung kamay ko. Feel ko mamatay na ako, sabi ko "Lord ganito ba ang feeling ng mamatay na? Lord wag mo muna akong kunin." paiyak na sabi ko. Hanggang na igalaw ko katawan ko. Bumangon ako agad, alam mo ba yung feeling na pag na sleep paralysis ka pag kagising mo masarap pang matulog uli tapos ma eesleep paralysis ka uli. alam ko kasi yun yung mangyayari kay bumangon ako. Umalis ako ng bahay saka pumunta sa bahay ng ante ko.
Kaya this time pray talaga before matulog kasi nanjan lang sila sa paligid. baka si kamatayan nga yun e at gusto akong e sama.*****