CHAPTER 3 ✨
Sana naman matanggap nila kung sino ako. Baka patusin ko pa ang cheap na birthday na yan..
Tumambay muna ako sa paborito kong bar. Oh eto wala ng daya ang pagpasok ko dito dahil 18 years old nako..
Dito ako madalas umiinom kapag badtrip ako sa bahay at sa school..
Nakikipag inuman ako sa sarili ko. Mga saktong tequila lang. At sa mismong bar counter ako pumupwesto para anytime maka order agad ako.
Kaya nga close na kami nitong barista dito eh!
Anong pinunta mo rito maymay? Badtrip kana naman!? Ang sabi ni marco.. yung barkada kong barista..
✨
Birthday ko ngayon pre.. ang sabi ko kay marco..
Uy happy birthday! Dalaga na siya! Yiipee! Ang sabi ni marco sa akin..
Bigla ko siyang sinamaan ng tingin. Anong dalaga ang pinagsasabi niya? Suntukan pa kami eh!
Ay joke lang.. binata pala hehe.. ang sabi no marco!
Pre makinig ka muna sa akin, di pa nga ako tapos magsalita, umeentrada ka pa! Customer mo kaya ako rito! Ang sabi ko sa kanya..
Yes sir, oh ano ba yung problema mo? Burthday na birthday mo eh? Tapos busangot yang pagmumukha mo!
✨
Eh paano ba naman kase tol, sina mama at papa, pati yung si fenech gumawa ng birthday party para sa akin. Tapos puro mga kalandian ang decoration.. nakakasuka! Kulay biik, kulay pink!!!! Kairita nga eh?
Atsaka alam naman nilang ayokong naghahanda pag birthday ko eh? Ginawa pa nila..Habang kumakain kami sa bahay kanina, inopen ulit nila mama at papa na magpakababae naraw ako.
Gusto daw nilang magkamanugang at apo..
Di ko mapigilang lumagok ng tatlong shot sabay sabay ng tequila ng walang chaser.. nakakaasar naman kase utong buhay na ito..
Naku mahirap nga ang ganyan tol, kung ako sayo para dina kayo magkagulo, sundin mo na lang sila.. ang sabi ni marco..
✨
Anong sabi mo???? Sundin ko sila?? Hibang kana ba marco? Ako mag aasawa? Magkakaanak? Magpapakababae? No thanks! Di nalang ako uuwi sa bahay namin kung yun yung gusto nila! Shet akala ko makakatulong ito si marco, di naman pala..
OKay okay panalo kana maymay. Ang sa akin lang, ayusin mo yang gusot mo sa pamilya mo.. ang sabi ni marco..
Di ko nalang pinansin yung mga sibasabi niya saken. Nagpatuloy nalang ako sa pag inom..
Wala talagang makakatulong sa problema kong ito..
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND MY FOREVER
FantasyMY BOYFRIEND, MY FOREVER ❤ TEASER ✨ Gusto mo ba ng instant boyfriend? Paano kung wala kang pambili? Kaya mo ba mag shoplift? Kulang ba ang pera mo? Go try second hand. Kaso slightly damaged na. Kukunin mo pa ba? Your ideal boyfriend sold.