35

549 35 2
                                    

CHAPTER 36 ✨

O baka sinasabi mo lang yan dahil nakalagay sa Terms & Conditions mo nang bilhin ka ni Auntie Cora bilang super boyfriend ko??

Seryoso ako nang sinabi ko yan . Dahil gusto kong malaman ang totoo nang di kami nagkakalokohan dito..

Nagulat ako ng tingnan nya ako ng derecho sa mga mata ko at hindi nagsasalita.. teka bakit ganun? Hindi ko mabasa yung reaksyon ng mukha nya?? Lakas maka poker face eh??

Di ka makasagot kase totoo... Yang iloveyou mo at kung anu ano pang kakesohan mo sa katawan, lahat ng ito FAKE.. Kase sabi sayo yan ng boss mo na kunwari mahal mo ako diba??
Para worth it ang bili sayo ni Auntie Cora ko..

Alamo Sushi, nagsasayang ka lang ng oras sa akin.. di ko alam kung bakit dinire direcho ko sya at alam ko prangka yun!! Tama rin naman ako diba?? Kasi simulat sapul, naglolokohan lang kami.. lahat ng ito, joke lang!!

Di ko na sya inantay pang magsalita, bumitaw ako sa pagkakahawak nya at inunahan syang maglakad.. binilisan ko talaga at di ko sya nilingon...

Mary dale!!

Out of no where, bigl akong may narinig na tumawag saken.. alam kong hindi si sushi yun, kase kung sya yun di ko sya lilingunin..

Nang makita ko yung tumawag saken, ngumiti ako ng malapad at nilapitan ko.. haha

Oyy Christian, kamusta?? Long time no see!! Nag handshake kami tapos apir.. ang saya na naman makita ang ugok na ito..!!

Eto ayos lang! Ikaw?? Gumaganda ka ata!!

Sapok gusto mo? Anong gumaganda ka dyan? Pogi ako nuh?? Kahit kailan bolero ka!! Barkada ko toh nung High School.. LOve team kami nyan dati.. madalas kasi kaming asarin sa klase kesyo palagi kaming magkasama.. pero dude lang talaga kami ni Christian..

Sus, may pag asa ka pa naman maging babae, mary dale.  Liligawan pa kita eh??

Nagtawanan kaming dalawa sa sinabi nya.. loko eto eh?? Niligawan ako dati kase crusg nya daw ako, pero syempre di kami talo.. pareho kami ng trip.. Chicks hehehe

Utot mo!! Haha teka anong ginagawa mo dito rito at mag isa ka lang? Tanong ko..

Papunta pa lang ako sa National Book Store.. nasira kase yung T-Square ko eh?? Bibili ako ng bago.. ikaw may kasama ka ba??

Wala..

Meron. Ako Boyfriend niya!

Napanganga ako.. sobra! May papasok na sanang bangaw sa bunganga ko pero sinara ko agad.. Pagtingin ko sa likod ko, nandun si Sushi.. seryoso ang mukha nya, di ko alam kung bakit kinakabahan ako? Ito yung unang beses na nakita ko syang sobrang seryoso.. Ultimo pagsasalita nya kanina, ang lamig ng tono.. parang hindi sya yung nakilala kong Sushi.. pero bakit ganun ang lakas ng kabog ng dibdib ko?? [=_=]

MY BOYFRIEND MY FOREVER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon