CHAPTER 63 ✨
Bumalik ulit ako sa apartment ko at tiningnan baka nandoon nasi sushi pero pag tungtong ko sa pintuan naramdaman agad ng puso ko na wala sya..
Ang mga gamit nya, damit at cellphone nandito rin..
Naramdaman ko nalang na iyak na ako ng iyak hanggang sa sumalampak ako sa sahig.. sa buong buhay ko ito yung unang beses na umiyak ako ng ganito dahil sa taong mahal ko..
Tama nga si Auntie Cora kinuha na sya saken..
Pero bakit?
Sushi naman nakakainis ka! Bakit ka nagpakuha sa mga impaktong yun? Diba mahal mo ako bakit ka sumama? Ang laki laki mong bulas, bakit hindi mo sinapak ang mga yun? Bakit di mo man lang pinagtanggol ang sarili mo.. bakit ka umalis? Bakit mo ako iniwan??
Pagyuko ng ulo ko di ko mapaniwalaan ang nakita ko.. may maraming dugo sa sahig at mukhang kanina pa ito pumatak sa sahig..
Sinaktan nila si sushi mga demonyo sila..
Parang namanhid ang buong katawan ko, di ako makagalaw, dina ako makapagsalita, luha nalang ang umaagos mula sa mga mata ko.. 😭😭😭😭😭
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND MY FOREVER
FantasyMY BOYFRIEND, MY FOREVER ❤ TEASER ✨ Gusto mo ba ng instant boyfriend? Paano kung wala kang pambili? Kaya mo ba mag shoplift? Kulang ba ang pera mo? Go try second hand. Kaso slightly damaged na. Kukunin mo pa ba? Your ideal boyfriend sold.