9

847 34 0
                                    

CHAPTER 9 ✨

Hay ang sakit ng ulo ko. . Anong oras na ba ako natulog?? Naparami din kase ang inom ko kagabi..

Sinecelebrate ko lang naman ang birthday ko mag isa. Kesa naman saluhan ko yung pasaway kong pamilya. Mabuti pa yung ganito..

Simula kase ng mag college ako, kinumbinsi ko na sina mama at papa na mag apartment nalang ako.. gusto ko kase mabuhay ng independent..

Yung walang nangingialam sa lahat ng desisyon ko.. ayoko kasi na may sumasagabal sa lahat ng gusto kong gawin..

Sinubukan kong magtrabaho para magkaroon ako ng daily income pandagdag din yun sa mga gastusin ko sa school..

Pero dahil nabulilyaso ako ng mga magulang ko, pinatigil nila ako sa pagtatrabaho.. dahil kayang kaya naman nilang tustusan ang pag aaral ko.

Sabi nila atupagin ko nalang daw ang mag aral. Kainis nga eh lahat nalangng mga gusto kong bagay puro nalang sila angal o kaya pinagagalitan ako. ALam nyo yung ganung pakiramdam? Yung lahat ng gusto mong gawin bawal? Asar...!!!!

Yung tungkol naman sa pagiging ganito ko.. tomboy, lesbian etc.. di ako yung eksaktong stereotypical na ganun.

Hindi ko tinatago yung dibdib ko gamit ang girdle, o sando..

Di rin ako nagsusuot ng maluluwag na tshirt na pang lalake. Kung ano yung mga damit pambabae, yun ang sinusuot ko.

Di ako cross dresser. Yung buhok ko, mahaba rin. Ayoko mag pagupit ng gupit binata. Di kase bagay sa akin eh [>.<]
Kung titingnan talaga ako, parang totoong babae. Pag nagsimula na akong gumalaw, ah ibang usapan na yun!

Tulad din ng ibang 18  years old na estudyante, sophomore student ako sa college. Sa international school of arts ako nag aaral..  fine arts..

Sa totoo lang kase, di ako kagalingan na magdrawing, maganda lang ako magkulay.. Yun pero drawing, painting o sketching? Nahhh.. stick lang ang kaya kong gawin.

Seryoso. Di ko nga alam bakit yan ang kinuha kong course at hanggang ngayon hindi parin ako nateterminate sa course ko.

MY BOYFRIEND MY FOREVER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon