CHAPTER 83 ✨
Di na kami masyado nagpagabi sa amusement park dahil kailangan ko ng bumalik sa ideal enterprises.. baka bugbog sarado na naman ako nito kay Daddy.. ewan ko ba bakit hanggang ngayon di parin saken sinasabi ni mary dale ang dahilan kung bakit ako pinayagang makalabas ngayon..
Habang bumibyahe kami pabalik napansin kong ang tahimik nya at di sya masyadong masalita..
Si mary dale ngayon ang nagdadrive ng kotse.. sa gitna ng pagdadrive nya bigla syang tumigil at nakatulala lang sa harapan ng kotse..
Ah girlfriend okay ka lang ba? Naubusan ba tayo ng Gas?
Umiling sya tapos tiningnan ako, bigla akong kinabahan sa tingin nya, parang sumikip ang dibdib ko..
Bumaba ka sa kotse!!
Sabi nya sa akin ng seryoso.. teka anu toh?
Ha? Bakit girlfriend? Na flat ba yung gulong? Ano nangyari may sira ba? Umiling sya..
Bumaba ka sa kotse..
Ano bang ibig mong sabihin?
Edward sinabi kong bumaba ka!
Pagalit ang pagkakasabi nya saken, di ko alam kung anong problema kaya no choice kundi lumabas ako ng kotse.. ang kinagulat ko hindi sya gumalaw o bumaba man lang..
I-iwan mo ako rito?
Tumingin sya ng derecho saken, kung kanina punong pagmamahal yung tingin nya, ngayon blangko na.. walang expression..
Tapos na tayo, EDWARD JOHN BARBER... 💔
Pakiramdam ko napako na ako sa kinatatayuan ko sa mga narinig ko sa kanya.. teka tama ba yun? Di naman ata pwede yun?
Wag mo nga ako patawanin ng ganyan Mary dale, anong sinasabi mong tapos na tayo? Nagpapatawa ka ata eh? Di ka mukhang clown.. joke lang yan diba?
Akala ko sasabihin nyang joke lang pero umiiling lang sya. Hindi nagbibiro lang sya, mahal na mahal namin ang isat isa tapos biglang break agad?
Hindi ako nakikipagbiruan dito .. narinig mo ba ang sinabi ko ha? Break na tayo.. simula sa araw na ito, hindi na kita boyfriend naiintindihan mo??
Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita, di ko matanggal na sinasabihan ako ng ganito ni Mary dale..
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND MY FOREVER
FantasyMY BOYFRIEND, MY FOREVER ❤ TEASER ✨ Gusto mo ba ng instant boyfriend? Paano kung wala kang pambili? Kaya mo ba mag shoplift? Kulang ba ang pera mo? Go try second hand. Kaso slightly damaged na. Kukunin mo pa ba? Your ideal boyfriend sold.