45

542 35 6
                                    

CHAPTER 45 ✨

Sorry Sushi.. 😭 teka saan ka pala galing?? May pinuntahan ka ba maghapon??

Wala, dito lang ako.. pinuntahan ko lang yung land lady mo, may emergency daw kase tapos kailangan nya ng bayad sa renta mo.. eh di ka paraw nakakabayad ngayong buwan kaya binayaran ko na pati kuryente at tubig..

Parang sinasaksak yung dibdib ko ng sampung beses.. ang sama ko, nabalewala ko na nga sya, pati mga bayarin ko sya pa ang nagbayad.. ganito kana ba ka demonya marydale?? Parang wala lang sayo si Sushi ha?? Pakamatay kana kaya??

Ganun ba?? Sige sushi babayaran nalang kita pag nakapag padala na sina mama't papa.. pasensya na talaga sushi..

Ayos lang, wag mo na bayaran.. nakikitira lang naman ako rito eh?? Kumain kana ba?? Nagluto ako ng mga pagkain, kaso malamig na ata.. gusto mo initin ko pa??

Wag na sushi, kumain na tayo..

Hiyang hiya talaga ako sa kabalastugan ko, ang selfish ko, ni hindi ko man lang masuklian ng maayos yung kabutihang ginagawa saken ni sushi..

Tahimik lang kaming kumakain ni sushi sa mesa.. ang sarap pa man din ng mga niluto nya.. ito sana ang kakainin namin kung maaga akong umuwi..

Alam kong nagtatampo sa akin si sushi.. halata naman kase sa mukha nya yung lungkot at sakit dahil sa akin, wala rin naman akong masasabi kaya tumahimik nalang ako..

Pagtingin ko sa wrist watch ko february 15 12:15am.. tapos na ang valentines, kailangan kong bumawi kay sushi, di ko kayang nakikita syang ganyan at dahil pa saken, pati ako nasasaktan rin..

Pagkatapos namin kumain, kanya kanya na kaming nag ayos ng sarili bago matulog..

Ako naman, nakahiga sa kama.. tulala   di mapakali.. hanggang ngayon kase, di ko lubos maisip na ginawan ko ng di maganda si sushi..

Dahil talagang hindi ako makatulog at pakiramdam ko may dapat akong gawin..

Bumangon ako sa kama at lumabas sa kwarto.. nakahiga nasi sushi sa may kutsong binigay ko sa kanya doon sa may sala..

Dahan dahan akong lumapit, at humiga sa tabi nya.. huminga ako ng malalim..

Since nakahiga sya ng patagilid patalikod saken, isinandal ko yung ulo ko sa likuran nya at yumakap..

Sushi alam kong nagtatampo ka saken dahil saga ginawa ko, sobrang hiyang hiya ako sa sarili ko at guilty dahil hindian lang kita nabigyan ng magandang valentines day...

Simula ngayon, mas pahahalagahan na kita, mas iisipin at mas mamahalin..

Sushi kahit ganito lang ako, gusto kita mapasaya para mabayaran ko naman lahat ng magandang bagay na ginawa mo para sa akin..

Hindi ko alam kung naririnig nya ba ako o hindi pero ang mahalaga, lahat ng sinabi ko ngayon gagawin ko..

MY BOYFRIEND MY FOREVER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon