CHAPTER 46 ✨
Natigilan ako sa paghikbi ng bigla syang humarap sa akin at niyakap din ako, pinunasan nya ang mga luha ko at ngumiti sa akin..
Masaya ako na naririnig yan sayo mary dale, salamat.. akala ko habang buhay na akong broken hearted dahil sayo.. hindi pa pala.. thank you.. 😊
Wag ka mag alala sushi, meron naman tayong marami pang valentines para icelebrate yun ng magkasama eh??
Sana nga mary dale magkasama parin tayo sa mga susunod na valentines..
Ha bakit??
Kahit kunin ka pa ni kamatayan, makikipag agawan ako para lang di ka nya makuha..Salamat maymay girlfriend.. ❤
Nginitian ko sya, ah sushi may nakalimutan pala akong sabihin sayo..
Ha ano??
I love you.. 😘
Ito yung unang beses sa buong buhay ko ang mga salitang yan.. ang sarap pala sa pakiramdam..
I love you too marydale.. 😘
And we sleep together under the little, thin, old mattress.. this values a lot.. 💗
✨
Maaga akong gumising, mas maaga pa sa gising ni sushi, gusto ko kasing ako naman ang mag effort sa kanya at bumawi ngayon..
Tutal naman may napamalengke kahapon, yun nalang ang lulutuin ko para sa breakfast namin.. marunong naman ako magluto pero di kasing galing ni sushi..
Nag saing ako sa rice cooker tapos nag luto ng beef steak..
Gumawa din ako ng simpleng fruit salad para dessert naming dalawa..
Sa 5am na nagising ako para maghanda ng almusal namin, 7am na ako natapos.. ni hindi pa nga ako nakakapaglinis ng buong apartment..
Para di magising si sushi at mas sumarap pa ang tulog nya, itinutok ko yung electric fan sa paanan nya..
Nagwalis ako at naglampaso ng sahig, nagpunas ng mga bintana, upuan, nagpalit ng kurtina..
Kahit nakakapagod wala akong pakialam, para naman kase ito kay sushi, effort ko ito para matuwa sya sa akin..
Naligo na ako tapos nagsuot narin ng uniform.. at alam nyo ba kung anong klaseng uniform ang sinuot ko? Ang nag iisang maikli kong skirt na bigay saken ni mama last sem na ayaw ko suotin.. ito yung first time ko na magsuot ng skirt na under the knee, pero para kay sushi why not??
Sushi, oyy gumising kana 8am na oh!! Hey wake up!! Ginigising ko sya, kinikiliti ang paa at tagiliran, buti naman at madali syang gisingin kung hindi bubuhusan ko talaga ito ng tubig.. [=_=]
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND MY FOREVER
FantasyMY BOYFRIEND, MY FOREVER ❤ TEASER ✨ Gusto mo ba ng instant boyfriend? Paano kung wala kang pambili? Kaya mo ba mag shoplift? Kulang ba ang pera mo? Go try second hand. Kaso slightly damaged na. Kukunin mo pa ba? Your ideal boyfriend sold.