Chapter 215

951K 32.9K 35.3K
                                    

A/N: Daya nyo ah! Bakit ayaw nyong i-correct Japanese ko? Dapat i-correct nyo din yan. Si Google Translator lang gamit ko wala pa kong tiwala. Hehehehe..

Thank you Jessa for teaching me basic.

Saving you

Jay-jay's POV

Minsan sa sobrang gulo ng nangyayari sa buhay natin parang ang sarap iuntog ng ulo sa pader. Yung malakas na malakas at tipong makakatulog ka nalang at hindi na magigising.

Iuntog mo na sarili mo! Support kita!

Pero minsan mas masarap iuntog ang ulo ng taong nagpapagulo ng lahat sa buhay mo. At yun ang gusto kong gawin dito sa kaharap ko.

"You can't do that! You can't move on and forget everything that we've done!" Inis na sabi nya habang dinuduro ako gamit ang kamay ni Snorlax.

Suot pa rin nya kasi ang mascot at tanging ulo lang ang naalis nya kanina. Natameme ako. Parang umurong ang dila ko at ayaw ng magfunction ng katawan ko.

Hindi ko maintindihan tong taong to! Etong Dimunyung Gagong Impaktong Pesteng Kumag na Hari ng mga Ulupong!

Naguguluhan ako sa ginagawa nya. At bakit ba sya ang nasa loob ng mascot na Snorlax? Nasan si Clefford na kausap namin kanina? Puno ng pagtataka ang itsura ko.

"Hey! Listen to me!" Sabi nya at kinakaway ang mga kamay ni Snorlax sa harap ko.

Sa halip na hayaan syang magsalita, tinalikuran ko sya at mabilis na lumayo sa kanya. Kung saan ako papunta? Hindi ko alam.

"Jay! I'm not done talking to you! Get back here!" Sabi nung Pesteng Hari.

Tumingin ako sa likod ko at nakita kong humahabol sya palapit sakin pero dahil sa suot nya hindi man lang sya makahakbang ng maayos.

Buti nga sayo! Mag-dusa kang gago ka!

Binilisan ko pa ang pagtakbo at nakisiksik narin ako sa mga batang nag-lalaro. Napatalon tuloy ako sa pool na puno ng mga plastic ball na may iba't ibang kulay.

Mukang akong ewan na lumalangoy kahit walang tubig. Basta makalayo lang ako sa Dimunyung yun.

Langoy lang, langoy!

Pagka-ahon don nakita ko syang pinagkaka-guluhan ng mga bata. Kulang nalang magmura sya ng malakas para lang layuan sya.

Tinuloy ko ang paglayo sa kanya. Lumapit ako sa inflatable slide at umakyat don. Ang hirap gumalaw dahil hindi naman stable yung slide. Nasa taas na ko ng magpag-tanto kong nag-aabang ang talipandas sa baba.

"We need to talk!" Sigaw nya sakin.

Umiling naman ako at akmang baba pero napatingin ako sa bata sa likod ko. Nakasimangot sya at kulang nalang itulak ako.

Wala akong choice kundi ang mag-slidw pababa. Alam kong nag-aabang sya kaya naman inunat ko ang binti ko at buong lakas na tumama yun sa kanya. Tumilapon sya sa pool na puro bola at hindi na nakagalaw.

"Damn it! Remove this thing from me!" Sigaw nya.

Bahala ka dyan!

Natatawa nalang ako habang tumaktakbo palayo sa kanya. Eto kasi ang dapat. Sobrang naguguluhan ako sa kanya. Hindi ko maintindihan ang gusto nyang mangyari. Pero isa lang sigurado ako, hindi na dapat ako makinig pa sa kanya.

"Jay-jay." Tawag sakin ng kung sino sabay hawak sa siko ko.

Salubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "Kailangan mo?"

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon