Part Two End

1M 27.6K 33.9K
                                    

GagongBaliw

Jay-jay's POV

1000pesos load. Ang taray! Tinotoo talaga ng Ulupong na Felix ang sinabi nya. Ang tanong, saan ko naman gagamitin to? Hindi naman ganito kalaki ang kailangan ko.

May unli call naman kasi sa halagang 100pesos. Ibang klase din naman kasi tong si Felix the cat. Anyway, at least may load na ko. Magagawa ko na ang dapat kong gawin para mahuli ang GagongBaliw.

Kung hindi ka si Keifer, ewan ko nalang.

Tinext ko muna ang ugok.

To: GagongBaliw
Message: Hoy!

Wala pang ilang sigundo ng sumagot sya.

From: GagongBaliw
Message: Yes? My life.

Tang'na! May ganun pa.

To: GagongBaliw
Message: tatwag ako!

Hindi na sya nagreply pa kaya sa tingin ko hinihintay na nya ang tawag ko.

Pinindot ko na ang call at idinikit ang cellphone sa tenga ko. Nagring yung ng ilang beses bago sagutin. As usual, wala pa ring nagsasalita.

"Hoy! GagongBaliw! Alam kong nakikinig ka!" Sabi ko pero syempre walang nahgsalita. "...meron akong sasabihing secret. Satin lang to! Wag mong pagkakalat."

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa pero sandali lang yon. Naging seryoso ako at pinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"Meron kasi akong mahal, hindi ko sasabihin kung sino sya. Sinabi nyang mahal nya ko pero nalaman ko na niloloko lang pala nya ko. Ginamit nya ko pero hindi naman sya nagtagumpay." Unti-unti kong naramdaman ang paghigpit ng paghinga ko.

Alam kong ilang beses ko ng inuulit-ulit ang kwentong to pero hindi ko maiwasan. Nagsisimula na naman akong maiyak ng dahil lang sa pag-alala sa nangyari. Kainis! Huminga ako ng malalim para pigilan yon. Hindi ako pwedeng maiyak, kailangan kong maisagawa ng maayos ang plano ko.

"...sinubukan kong alamin kung minahal ba nya talaga ako sa kabila ng nangyari pero sabi nya hindi daw. Nasaktan ako ng sobra pero anong magagawa ko, ganun talaga. Akala ko hangang dun nalang yon pero hindi sya tumigil. Pinapakita at pinaparamdam nya pa rin na may feelings sya sakin kahit iba yung sinabi nya."

Hindi ko na napigilan ang mapaluha. May ilang beses akong tumingala sa pagbabakasali na hindi sila tumulo pero walang saysay yon. Pota! Hindi waterfalls ang mata ko.

"...Ayaw nyang kalimutan ko sya. Ang daya nya diba? Hangang sa nagpaalam sya na aalis muna. Pinaghintay nya ko. Okay lang naman sakin yon pero ang hindi ko maintindihan, kung bakit yung iba tinatawagan nya pero ako hindi."

Kinusot ko ang mata ko dahil sa inis. Naiinis ako dahil napaiyak na naman ako ng Tarantadong Hari ng mga Ulupong. Ang dami mo ng utang sakin hayop ka.

"Tapos umuwi sya pero hindi naman nya ko hinarap. Hindi man lang sya nagpaliwanag sakin. Pakiramdam ko hindi naman nya talaga ako mahal." Napahagulgol ako sa sinabi ko. Hindi naman dapat kasama yon pero nasabi ko ng hindi ko sadya. "...Siguro, dapat na kong sumuko. Dapat ko na syang pakawalan."

Bigla nalang namatay ang tawag. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Marami akong dahilan para sumuko pero ayoko talaga. Handa akong humanap kahit isang rason lang para maghintay pa sa kanya.

Pero sa nangyari nung isang araw. Pakiramdam ko wala na kong dahilan para gawin pa yon. Hindi ko man lang sya natulungan matapos ang ginawa nyang pagligtas sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon