Chapter 220

856K 29.9K 27.6K
                                    



No longer the King

Jay-jay's POV

Kanina ko pa pinag-ma-masdan ang malaking sign ng 'Notice for Demolition'. Likod lang ang nakikita ko pero sapat na yon.

Kasalukuyan akong nasa second floor. Kumakain ng pananghalian at pinapanood tong dalawa dito na nag-aaway.

"Umalis ka dito! Pipitikin kita!" Inis na sabi ni Percy.

"Dukutin ko mata mo!" Banta ni Ci-N.

Sumunod kasi sakin si Ci-N dito. Akala nya kasi sasama na ko sa kanya na kumain ng luto ni Eman. Tumanggi ako at dumiretso sa second.

"Penge ako nito!" Buong galak na sabi ni Ci at kumuha ng pizza.

"Tigas ng muka mo! Hindi para sayo yan!" Inis na sabi ni Percy habang pilit inaagaw ang kinuha nya.

Kanina pa sila ganyan buhat magkita. Dapat pala talaga hindi ko sila pagsamahin. Ang ingay-ingay at ang gulo-gulo. Para akong may alaga na dalawang makulit na bata.

Instant Baby Sitter lang ang peg.

"Tapos ka na ba kumain?" Tanung sakin ni Percy ng mapansing hindi ko na ginagalaw ang pagkain sa harap ko.

"Ayoko na." Sagot ko at inabot kay Ci-N ang natitira pagkain ko.

Buong galak naman nya yung tinanggap. Seryoso akong pinagmasdan ni Percy para bang kinukumpirma nya kung may iniisip akong problema.

"Yung Demolition Notice ba ang pino-problema mo?" Tanung nya.

Tumingin sakin si Ci sandali bago ituloy ang pagkain. Nag-nod naman ako kay Percy bilang pagsagot.

Ang totoo, hindi lang yun ang iniisip ko. Kahit kasi anung pagkukumbinsi sa sarili ko na hindi na dapat ako maniwala at umasa sa Pesteng Hari ng mga Ulupong na yon, walang nangyayari. Kusa akong umaasa kahit hindi naman dapat.

Ang masakit pa nito, malaking bahagi ko ang pinanghahawakan ang sinabi nya na babalik sya matapos akong bigyan ng space.

Pero mukang sumakay na sya sa sarili nyang spaceship palayo sakin at hindi na babalik pa.

"Wag mo isipin yun. Mahal ka non." Wala sa sariling sabi ni Ci habang patuloy sa pagkain.

Napangiwi si Percy sa kanya. Kung hindi lang ako sanay sa ugali nya malamang nabatukan ko na sya ng ma-tindi-tindi.

"Ganto ba talaga to?" Tanung ni Percy habang tinuturo si Ci-N gamit ang daliri nya. "...Patay gutom na nga, nagsasalita pa mag-isa."

Nag-nod ako. "Nanga-ngagat din yan."

Pagkasabi ko non, awtomatikong lumapit si Ci sa daliri ni Percy na nakaturo sa kanya. Kinagat nya ng buong lakas at agad namang nataranta tong isa.

"Aray! Aray! Aray!" Sigaw nya at pilit tinutulak ang ulo ni Ci-N palayo sa kanya. "...Jay! Patigilin mo to!"

Ayoko nga! Haha

Nag-sisimula na kong matawa sa itsura nila. Nahawa na ata itong si Ci ng rabis dun sa pusang tinawag nyang Edy. Pati ugaling panga-ngagat nakuha nya din.

Nagsisimula ng maiyak si Percy sa sakit kaya inawat ko na.

"Ci... Bitaw na." Bored kong sabi at bumitaw naman sya.

Hinarap ulit nya ang pagkain at bumalik sa paglantak. Si Percy naman ay himas-himas ang daliring halos mangitim na dahil sa kagat. Nangingilid pa ang luha nya habang nakatingin ng masama kay Ci.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon