A/N: Papansin yung nagpasa sakin ng virus. Perwisyong tunay! Parang bago tuloy ulit ang cellphone ko. Dami ko pa lang files. Dami ko ring nakaw na picture ni crush. Harhar pero hindi ko na sya crush na yon kaya binura ko na. SKL!
I.Q.
Jay-jay's POV
Ang ingay. Parang may nagkakasatan at nag-aaway. Meron din akong naririnig na kumakanta. Ang gulo nila at kahit gusto ko pang matulog, hindi ko na nagawa dahil sa kaingayan nila.
Istorbo naman sa pagtulog! Kainis!
Dinilat ko ang mata ko at ang mga Pesteng Ulupong ang bumungad sakin.
"Ang ingay nyo!" Inis na sabi ko.
"Uy gising na!"
"Gising na gising na!"
"Kamusta Jay?"
Napasibangot ako. Ngayon lang kasi ako nakakita ng nanga-ngamusta na puro pagkain ang nasa bibig. Iba pa yung hawak ng kamay nila sa laman ng bibig nila.
"Lumayo nga muna kayo! Ang papangit nyo daw! Na-a-alibadbaran sya!" Sabi ni David at mabilis naman silang naglayuan.
Saan ba galing ang pagkain na yon at kainan sila ng kainan?
Sinubukan kong maupo. Agad namang inayos ni Yuri ang kama para bahagyang tumaas ang ulunang parte non. Nilagyan din nya ng unan ng likod ko. Kun-todo asikaso sya sakin samantalang yung mga talipandas busy sa pag-nguya.
Napatingin ako sa mga kamay ko ng mapansing kong balot na balot iyon ng benda pero wala naman akong nararamdaman. Napagtanto ko rin na merong nakabalot na benda sa ulo ko.
Bakit ganito to?! Anu bang----si Ci-N!
Dun lang bumalik sakin ang mga nangyari. Kung bakit ako nasa ospital at kung bakit may balot ang mga kamay ko. Si Ci, si Mykel at yung chandelier.
Tinignan ko ang mga Ulupong. Hinanap ko ang muka ng Batang Kumag pero hindi ko sya mahagilap.
"Asan si Ci-N?" Nag-aalalang tanong ko.
Si David ang sumagot. "Sa kabilang kwarto. Okay na sya, matibay ang batang yon."
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung anu nang nangyari sa kanya. Pinikit ko ang mata ko at sinandal ang likod sa kama. Buti nalang talaga at walang masamang nangyari sa kanya.
Sinubukan kong isipin ang mga nangyari bago ako mapunta sa ospital.
Para kasing may kulang.... parang may hindi ako maalala.
Dumilat ako at si Yuri ang una kong nakita. Binabalatan nya ang hawak na mansanas.
"Sinong nagdala samin dito sa ospital?" Tanung ko at tinignan naman nya ko sandali bago bumalik sa ginagawa.
"Kami."
"Si M-mykel, asan?"
Bigla nalang syang tumawa at kinagatan ang mansanas na binalatan nya. Yung totoo, sinong may sakit dito? Bakit sila ang kumakain ng mga pagkain?
"Anung nakakatawa?" Medyo inis na sabi ko.
"Tinanung mo na yan kanina. Pa-ulit-ulit ka."
Kumunot ang noo ko. "Kagigising ko lang. Panu ko itatanung yon?"
Huminto sya sa pagkain ng mansanas at tinignan ako ng puno ng pagtataka.
"Jay... Gumising ka na kanina habang tulog sila. Tulala ka pa nga bago magsalita."
Ang tagal naming nagtitigan ni Yuri. Parehong nalilito sa nangyayari. Wala akong maalala na gising ako. Ni hindi ko nga maalala kung anu nangyari pagkatapos ng----yung dugo!
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General Fiction**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they really think she is. **Section E They are more than friends and classmate for her. She always help t...